Fourth Part
"Calli, kumain ka na muna,"
Hindi nawala ang paningin ko kay Cole bagaman naramdaman kong lumapit sa akin si Rien. He placed the paper bag on the side table as he was taking out the foods he bought. Napasulyap lang ako doon sandali.
"Tingin mo matutuwa si Cole kapag nakita kang ganiyan?" Bigla ay imik niya nang hindi man lang ako gumalaw, nanatiling nakahawak ang kamay ko sa kamay ni Cole habang pinagmamasdan ang payapa niyang mukha. "Calli, sa tingin mo ba matutuwa ang anak mo?"
Umiling ako, nangingilid na naman ang luha sa mga mata. Ilang araw na ako umiiyak, nakakasawa na din. Pagod na pagod na ang mga mata ko ngunit wala naman akong ibang magawa kundi ang umiyak. Parang ayaw ko na halos umalis sa tabi niya, gusto ko na lang siyang alagaan.
"Ang tagal kasing g-gumising, Rien," I cried.
Doon siya hindi nakaimik, naramdaman ko na lang ang palad niya sa likod ko saka humaplos, animong ipinaparating na may karamay ako pero hindi ko naman magawang yakapin ang presensiya nila. I just can't find comfort and shelter from anybody else but my son.
"Anong sabi ng doctor tungkol sa CT scan kanina?"
Napapikit ako kasabay nang paghikbi, hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang sinabi ni Doc Fernandez pagkalabas ng CT scan. I wanted so hard to scream and blame anyone else from causing trouble to my son but I couldn't, walang may kasalanan niyon.
"C-Cerebral edema," My tears rolled down on my cheek, natahimik siya dahil sa nadinig at ang kamay na humahagod sa likod ko ay napahinto. "B-Brain swelling, caused by the accident... Kaya pa naman agapan kaya hanggang maaari, gusto ko na agad siyang pa-operahan."
"Magkano ang magagastos kung ganoon?"
"H-Hindi ko na alam," Natakpan ko ng mga palad ang mukha habang matunog na umiiyak. Wala na akong pakialam sa pera, hindi ko na nga naisip iyon noong sabihin ko sa kanila na willing akong pa-operahan ang anak ko sa lalong madaling panahon.
"Nasaan si Zion? Alam na ba niya 'to?" Marahan niyang tanong, hinaplos niya ang likod ko bago ko naramdaman ang paglapit niya at ang pag-upo sa gilid ng kama. Nanatiling nakahawak ang isang kamay ko sa kamay ni Cole, ayaw ko siyang bitawan... Natatakot ako.
"Alam niya... P-Pinaalis ko muna." Iyon lang ang naging sagot ko sa kaniya. "Na kay Titus siya ngayon,"
Nawalan na siya ng imik matapos noon, hinayaan niya lang na umiyak ako, hindi niya din halos malaman ang gagawin dahil nang subukan niya akong yakapin ay itinulak ko siya palayo. Naupo na lang siya doon sa couch, hinihintay na kumalma ako, pinaparamdam na may kasama pa din ako.
Nang pakiramdam ko ay napagod na ako kakaiyak ay noon lang ako kumalma, hindi ko na din halos maintindihan ang gagawin ko. Pinaghain niya lang ako, wala na din naman akong nagawa upang kainin iyon dahil tama siya, hindi ikatutuwa ni Cole na pinababayaan ko ang sarili.
Later that afternoon, while I was resting beside my son, I suddenly heard a knock on the door. Napabaling agad ako ng tingin doon at hinintay na bumukas iyon. Kaagad ako nang makitang si Aizel iyon, may hawak siyang isang tasa ng mainit na kape.
She smiled shortly. "Sorry, Doc, ha? Nag-aalala na din kasi ako sa'yo." Naglakad siya patungo sa tabi ko bago inilapag ang tasa sa side table, sumulyap siya kay Cole bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Baka din daw po puwedeng mahiram ang oras mo," Nag-iwas siya ng tingin, mukhang nag-aalinlangan pa nga siyang sabihin iyon dahil alam niyang ayaw kong umalis sa tabi ng anak ko. "Si Doc Jimenez po ang gustong kumausap sa iyo, Doc."
"Ngayon na ba?" I asked.
"O-Opo," Napapatango niyang sabi.
Tumango ako, kinuha ko ang nakatuping white coat sa gilid bago iyon isinuot, nakatingin lang siya sa akin nang tumayo ako sa harapan niya. I glanced at my son and met her gaze instantly, mukhang nakuha niya kaagad ang gusto kong mangyari kaya aligaga siyang napatango-tango.

YOU ARE READING
Excruciating Love
RomanceSHORT STORY - COMPLETED Callista Layne Gonzales, being a doctor was never been easy but everything made it possible with her fiancé's help, Marcellus Zion Sanchez. Being in love for almost a decade was the only thing that makes their relationship st...