Sixth Part
TW: death
"Have some coffee, please..."
Mabilis na lumipad ang paningin ko papunta sa taong nag-alok ng kape sa harapan ko, it was Zion. He was holding his own cup of coffee along with the coffee he was offering me, kaagad na kinuha ko 'yon mula sa kamay niya.
It's already 1 am, wala pa din kami halos pahinga dahil bukod sa nasa loob pa din ng operation room si Cole, pinagbuti niyang asikasuhin ang katawan ni Titus. I wanted so hard to cry with him, awang awa na ako sa kaniya.
He sat beside me, kaagad na tiningnan ko siya upang tingnan ang itsura niya. He was looking at somewhere else like he was wool-gathering, wala siyang pakialam sa paligid kundi ang iniisip niya lang.
Pulang pula ang kaniyang mga mata, dahil sa kaputian ng kaniyang balat, halatang halata ko din ang pamumula ng tungki ng ilong niya dahil sa pag-iyak niya. Kagaya ko, wala din siyang pahinga upang bantayan ang mga bata.
It must been hard for him. Losing a child is one of the parents' hardest grief. Ang hirap-hirap mawalan ng anak lalo na kung alam ko at nakita kong ginawa niya ang lahat para mapabuti ang kalagayan ni Titus.
"Huwag mo akong kaawaan," Doon naputol ang pagtitig ko sa kaniya, kaagad na nag-iwas ako ng tingin upang tumitig din sa kawalan. Natawa siya nang mahina bago ko marinig na humihikbi na siya, sa sobrang babaw siguro ng luha ko ay naramdaman ko kaagad ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.
"Do you know what I felt earlier when I saw his cold body?" He asked, nakagat ko ang ibabang labi, gustong gusto kong tulungan siya sa kahit anong paraan na kaya ko pero hindi ko magawa. "Pakiramdam ko pinapatay ako.."
I felt how the hot liquid from my eyes slowly rolled down on my cheeks for a sympathy.
"That's my s-son.." Nabasag ang tinig niya, napatingin ako sa cup na hawak niya at nakitang mahigpit na ang hawak niya doon. "I asked Him once again if I deserved all these shits. And if it's karma, why does it need to be put on my son? T-Tangina, bakit sa anak ko?"
Napatitig ako sa nakasaradong pinto ng operating room, pakiramdam ko tumatagos ang paningin ko doon para makita ang anak ko. Zion and I have the same question playing on our mind, why does it need to be put on our son? If it's our karma... It's unfair, then.
"He always tell me how he wanted to play like a normal kid, he wanted so hard to try playing basketball." Natawa siya sandali, umangat kaagad ang tingin ko sa mukha niya at nakitang hirap na hirap na siya sa pagsasalita. "I wanted so hard to scream in agony, ang s-sakit.."
"Nag-usap pa kami before ang operation niya.." Bigla ay pagkukuwento niya, nilingon niya ako. I held our gaze stronger, communicating with his emotions that he couldn't express: pain, anger and confusion.
"He said he wanted to live... He wanted so hard to live.." Bago niya pa tuluyang mabitawan ang cup ng kape ay mabilis na nailapag na niya iyon sa tabi niya. "He promised to live... He promised to fight with us, he told me how much he wanted to be someone he failed to be."
"N-Nakampante ako, eh.." Napahikbi siya, kaagad na ibinaba ko ang kape sa gilid ko bago siya marahang hinatak upang yakapin. He leaned his head over my chest, sobbing like a kid. "This is not what I expected... Putangina, wala ng buhay ang anak ko."
"I-I'm sorry..." I caressed his back, letting myself get drown by his emotions. Nahahawa ako sa pag-iyak niya, I could feel my heart ripping. "I'm sorry that I couldn't do anything to remove the pain on your heart but I want to let you know that whatever the consequences is... I'm here to help."
Umiling-iling siya, patuloy ang pag-iyak.
"S-Sinabi ko naman sa kaniya na huwag muna..." Lumakas ang pag-iyak niya, napatulala ako sa tahimik na hallway, patuloy na pinupunasan ang sariling luha. "Fuck. I wanted him to live even more. I wanted him to meet his brother, my son... I wanted him to be like a normal kid, too.."

YOU ARE READING
Excruciating Love
RomanceSHORT STORY - COMPLETED Callista Layne Gonzales, being a doctor was never been easy but everything made it possible with her fiancé's help, Marcellus Zion Sanchez. Being in love for almost a decade was the only thing that makes their relationship st...