Chapter 3

26 2 0
                                        

Chapter 3

- Encounters -

Wala pang isang oras ay dumating na si Andres. Nauna ng umalis ang lalaking nasa slide, ni hindi man lang nagpaalam sa kaniya at basta basta na lang siyang tinalikuran. Balak pa naman niyang bigyan ng isang slice ng tiramisu cake.

"Feeling better?" Andres asked her while patting her back gently. She just stopped crying after telling him everything that had happened in that coffee shop.

Ayaw niyang tignan ito sa mata, dahil alam niyang mababasa niya ang awa doon. The least thing she wants now is to feel him pitying her. Ayos na nakikita nitong vulnerable siya. Kotang kota na siya sa kahihiyan sa araw na ito.

"Yes, thank you. Tapos na ba talaga ang shift mo?" She asked after composing herself.

Inabutan niya ito ng isang tiramisu cake na tinanggap nito. Their cakes were really good. Sayang nga lang at hindi niya naubos ang matcha latte niya. Babalik na lang siguro siya para magtake out, hindi muna siya tatambay doon this month. She can't take the risk to see him or to see them together.

"Oo nga, kaka sahod ko nga lang din eh. Street foods?" Anyaya nito sa kanya na hindi niya tinanggihan.

...

Naglalakad sila nang mabagal habang kinakain ang binili. Hawak ni Andres ang plastic cup na puno ng squidball at kikiam sa kaliwang kamay nito. Nakasabit naman sa kanang kamay nito ang biniling gulay na nadaanan nila.

Siya ay puro kwek kwek lang ang binili, naubos na niya ang calamares. Nang makakita ng nagbebenta ng ice cream ay mabilis niyang hinatak ang lalaki.

"Manong! Magandang hapon po, dalawa nga pong special!" Maligaya niyang bati rito. She giggled like a kid.

The ice cream truck still looks new, maybe because the old man took good care of it.

"Nako Ru, binubully mo na naman si Andres ano?" Pagbibiro nito.

Madalas magtinda ang may katandaan na lalaki sa subdivision nila. Retired marine ito, nabanggit din na hilig talaga nitong magbenta ng kung ano ano noong kapanahunan pa.

She even suggested building an ice cream parlor and other things. But the man answered her that it's been his ultimate dream, to have an ice cream truck.

Hindi niya alam ang dahilan sa likod ng pangarap na iyon dahil hindi naman ito nagkukwento tungkol doon. Ang alam niya lang ay biyudo na ito at tanging apo na lang ang kasama. Nasa ibang bansa kasi ang anak at ang asawa nito. Gusto na nga silang kuhanin ngunit umayaw daw agad siya. Sabi ay mas gusto niya rito sa Pilipinas.

"Lo, may kilala po ba kayo sa subdivision natin na laging nakaitim na lalaki?" Tanong niya rito.

"Nako Ru, marami akong nakakasalamuha na nakaitim na lalaki. Mga ilang taon na ba?"

"Siguro ho kaedad ko lang o mas bata nang kaunti?" She's not really sure. Baka kasi baby face lang ang lalaki.

Saglit na nag-isip ang matanda.

"Hindi ko sigurado, Ru. Pero baka iyon yung kapitbahay naming nagbakasyon lang. Sa maynila lang rin iyon nag-aaral. Pero baka iyong apo ko lang rin iyong nakita mo. Para kasing pusa iyon at pasulpot sulpot kung saan saan." Natawa siya sa huling sinabi nito.

"O baka naman hindi talaga taga-rito?" Sabi rin ni Andres.

Matikas pa rin ang lalaki kahit may edad na talaga, kulay abo na rin ang buhok. Wala itong katulong sa pagbebenta, dahilan nito ay malakas pa naman daw siya. Inaayawan nga rin nito na magpapalit sa pagbebenta sa apo.

Inaasar niya pa si Andres na magkakulay sila ng buhok pero tinigilan niya rin nang ibigay na sa kanila ang ice cream. Tumigil na sila sa asaran at naupo na sa silya at mesa.

Theory of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon