Chapter 8- Strobe Lights -
Nakasimangot siya nang umupo sa backseat ng pick-up ni Jack at nakahalukipkip. Panay pa ang pagpapakawala ng buntong hininga.
"Will you stop it?" Iritadong puna ng katabi niya sa pinag gagagawa niya. Tinignan niya lang ito nang masama at hindi sinagot.
"Para kang kambing na dismayado." Hindi siya makapaniwala sa kumento nitong nakakainsulto.
"Gosh! Ang childish nyo!" Reklamo naman ni Vivian na nasa shotgun seat. Mahinang tumawa lang si Jack sa asta nila at patuloy na nagmaneho.
"Ano na naman bang pinag-awayan nyo ha?!" Rinig niya na ang inis sa tono ng babae. Of course, it's gonna be her fault.
"Malay ko ba dyan sa babaeng yan." Supladong sagot nito at masama syang tinitigan. Mas nanlilisik ang mga mata niyang tumitig pabalik dito. Halos sumakit ang ulo niya sa ginagawa.
Gusto nyang singhalan ito at murahin ngunit baka lalong uminit ang ulo ni Vivian.
"Epal na nilalang." She exclaimed before rolling her eyes. Nakahalukipkip na tumulala na lang siya sa bintanang katabi.
"Brat." He snarky commented.
"What did you just say?" Nanliliit ang mata na tiningnan nya ito. Inirapan lang siya nito.
"Asshole." Bulong nya. Nagulat sya nang mahina nitong hilahin ang dulo ng buhok nya. Nanlalaki ang mga mata na gumanti sya.
"What the fuck?!" She reacted and grabbed a handful of his hair.
"Let go of my hair!" Utos nito. She stuck her tongue out na pinagsisihan nya. Pinitik ito ng lalaki. Nilipat nya ang pagsabunot nya sa pagsakal dito. Nasamid sya nang gumanti ito. Kapwa na nila hawak ang leeg ng isa't isa.
"Let go! Isa!" She shrieked. Mas diniinan nya ang pagkakasakal. Napaubo ito at gumanti pabalik.
"Oh my gosh! Ano ba! Tumigil nga kayong dalawa!" Saway ni Vivian sa kanila.
"Ayaw!" They said in unison. Kapwa nila tinignan nang masama ang isa't isa.
"Hayaan mo silang magpatayan dyan." Jack said that made her mouth gaped. Really?
"Heard that?" The guy arrogantly said and pulled her hair. Hawak ng kanan nito ang leeg nya at ang kaliwa naman ay ang buhok nya. Hindi siya nagpatalo at gumanti rin.
The moment went slow when she felt a harsh hand pushing the back of her head. Kitang kita nya na parehong nanlalaki ang mata nila.
"Gago!" Jack laughed. Vivian smirked evily, happy with what she did.
Nakatulala lang sya sa harap dahil kapwa sila napabitaw sa isa't isa sa nangyari. They... Kissed. Tinulak ni Vivian ang mga ulo nila at saktong sakto na nagtagpo ang mga labi nila. Agad syang kinilabutan, she reacted after realizing what happened.
"Kasalanan mo 'to!" Sigaw nya rito at sinuntok ang braso nito.
"Ano ba!"
...
They arrived at the bar safely, even though they almost kill each other on the way. Vivian fixed her ruined hair while Jack immediately pulled Finn apart from her. Masama ang tingin na sinundan niya ito.
"That asshole!" Nanggigigil niyang saad at napairap.
"Can't you just be calm tonight? Please don't ruin this night, Ru." Vivian exclaimed. She felt guilty, she's so affected with that darn guy.
Halata sa boses at itsura nito na problemadong priblemado ito sa nangyari sa buong byahe nila papunta dito. Ang kaninang masaya at buhay na buhay na mga mata nito ay naging pagod na. Aminado naman siyang ang childish nilang dalawa. Di niya lang tanggap na natatalo at naaasar siya ni Finn.
