Chapter 2
- Cascade -
She spent the whole week walking around their whole village. It's big enough to make her at least do her goal, 7k steps. She's not a fan of jogging, it's making her sides hurt just by a few meters of running.
Nasa gitna kasi ang bahay nila mula sa gate ng subdivision, kung nasaan ang maraming tindahan at kung ano ano pa. Narinig nya kay Andres na may kakabukas lang kahapon na bagong coffee shop.
Hilig nya na talagang magtry o magpunta sa iba't ibang coffeeshops. Kung suswertehin ay baka may kalapit itong tindahan ng mga damit. Pero kung hindi naman, mag titingin tingin na lang sya ng iba pang produkto na maaaring mabili.
Hinihingal siya at nagpupunas ng pawis sa noo nang maaninag ang labas ng Cascade Cafe.
The outside part of the coffeeshop is made of glass and wood. It looked vintage and laid back. There were a few tables outside with black patio umbrellas. May iilan ring bumbilya, pinaghalo ang puti at warm na ilaw.
Her mouth gaped with the interior right after she entered. She never encountered any coffee shops with this motif. The cushions were in the shade of muted blue, while the woods and tables were dark brown. There were several chandeliers with warm colored light bulbs.
Her eyes feasted on the mirrors with gold designs that separated each table from one another. It looks really vintage and classy, but it also gives off a mysterious vibe.
Madalas sa coffeeshop na napupuntahan nya ay maliliwanag at bubbly ang tema. Ngayon lang siya nakapunta sa ganitong klase. She ordered a matcha latte, tiramisu cake, and cinnamon roll.
Pinili nya ang may kalayuan sa pinto para makuhanan nya ng maayos ang bawat sulok nito. Dala dala nya rin kasi ang film camera nya na nakalambitin sa leeg nya. Wala masyadong tao dahil maaga pa kaya tuwang tuwa sya. Naka ilang kuha sya bago sya tawagin para sa kanyang order.
"For Miss Ru!" Tumayo sya kaagad at mabilis na naglakad. Sinisipat nya kung anong kulay ng straw ang kukunin nya, may libreng glass straw kasi rito na kasama sa opening promo.
"For Mister Kennedy!"
She felt as if she wanted to disappear.
Kakaunti lang ang kilala nyang Kennedy sa bayan nila, at paulit ulit nyang hinihiling na sana hindi ang kilala nya ang lalaking tinawag.
Breathing heavily, she just picked the black one and turned her back. Pagkatapos mailapag ang tray na naglalaman ng binili nya ay nilingon nya ang lalaking nasa counter.
"Fucking fuck" Naiusal nya. Kung sinuswerte nga naman talaga siya.
It was Kennedy. The man she doesn't want to see yet. Nasaktuhan pa kung kelan nakasuot lang sya ng oversized white hoodie at ang spandex shorts niya. Isang itim na hair clam at magulo pa ang pagkakaayos nya sa buhok nya.
Napatingin sya sa itim na rubber shoes nyang bahagyang nadumihan dahil sa paglalakad.
Why does she need to see him like this? When she's not ready?
Bumaling ang lalaki sa kanya, mukhang nagulat pa sa pagkakakita sa kanya.
"Holy fuck" she uttered before showing him her fake smile. She even waved her hand! Ugh, Ruwan! Ano ba iyang ginagawa mo?
He looks exceptionally fine with his usual tousled black hair and black shirt. Kahinaan nya yang black shirt na yan!
"So lucky, Ruwan" Naibulong nya na lang sa sarili nang makitang papalapit ito sa kanya. Nilapag muna nito ang tray sa mesa na mukhang doon ito nakaupo kanina pa. Ni hindi nya napansin.
