Chapter 12

4 0 0
                                    

Chapter 12

- Clean Slate - 

"Ru!" Pag-aagaw na naman nito ng pansin niya. Hindi nya ito nilingon at tuloy tuloy lang sa pamimili ng mga chichirya. 

"Ru, hindi mo ba talaga ako papansinin?" Napairap sya sa pagdadrama ng lalaki. SIla ang nautusan na mamili ng mga pagkain at inumin para mamaya. Nakalapit na ito sa kanya, nang akmang lilipat ulit siya ng pwesto ay hinarangan na siya nito. 

Parehong magkasalubong ang kanilang mga kilay, kitang kita nya ang desperasyon sa mukha nito. She looks at his eyes, with dislike and annoyance. Sa huli ay tinaasan niya ito ng kilay bago umatras at makawala rito.

"Ru, come on. Galit ka ba? Bakit?" Pangungulit pa rin nito sa kanya. 

"What the hell is your problem, Finn?" Mahina ngunit gigil nyang tanong sa lalaki. Kitang kita nya ang pagbuntong hininga nito nang sa wakas ay sumagot na sya. Kanina pa nya ito tinuturing na hangin at tila hindi nakikita. Ngayon lang sya napuno dahil kanina pa nakatingin sa kanila ang ibang tao sa supermarket. 

Habol nang habol kasi ang lalaki sa kanya kahit di nya naman tinatawag o ano. Nainis siya sa inasal nito noong nakaraan. She thought they're okay after their moments in the city but then this prick just ignored her in the playground days ago.

"Ru naman..." Bagsak ang mga balikat nito nang lingunin nya na nagpairap sa kanya. 

She knows it's petty but she just can't act as if she's okay with his behavior. Ba't siya naman ngayon ang mali? Binabalik nya lang naman ang inakto nito sa kanya noong nakaraan ah. Ano ngayon kung mapagtanim sya?

Hindi nya sinasadyang padabog na ilagay ang mga hawak na malalaking chichirya sa push cart dahil sa inis. Hindi na ulit sya tinawag ng lalaki at sumusunod sunod na lamang sa kaniya hanggang sa counter. Wala silang imikan hanggang makarating sa parking lot. Iniwan nya ito habang nagkakarga ng mga pinamili sa likuran. 

Nakahalukipkip sya at diretso lang ang tingin nang pumasok ito. He started the engine. 

"We're not going home until you tell me what's our problem." Muntikan siyang magreact sa sinabi nito. Humigpit ang kapit nya sa isang sleeve ng shirt na suot. 

Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nya ito sinasagot o iniimikan. Kahit abutan pa sila ng umaga, hinding hindi nya ito sasagutin. He's tapping his fingers on the steering wheel, waiting for her. Mas ininis nya pa ito sa pamamagitan ng pagsandal at pagpikit na animo'y matutulog.

"Ruwan..." He breaths out harshly, his patience is wearing thin. But still here she is, she won't even budge or what to fix whatever is the problem. 

"God, you're so annoying." Saad nito at bumuntong hininga ulit. Naramdaman nyang umandar na ang kotse ngunit nanatili pa rin sya sa pagtutulog tulugan. Mabuti na lang ay naikabit na nya ang seat belt bago pa makapasok ang lalaki. 

Tuluyan syang nakaidlip at namalayan na lang na nakapark sila sa isang fast food restaurant nang maalimpungatan sya dahil sa pagtigil ng sasakyan. Nakatulala siya at wala pa sa wisyo nang pagbuksan siya ni Finn. Wala pa rin siyang imik na sumunod dito. 

Hinayaan niya itong mag order habang siya ay naghanap ng mauupuan nila. Naalala niya nga pa lang nagrequest si Vivian ng Jollibee bago sila umalis. Hindi gaanong marami ang tao ngayon, mamaya pang alasiyete ang dagsa ng mga ito. Kitang kita sa pwesto nila ang papalubog na araw. 

Nasa ganoong pwesto sya nang dumating na si Finn sa wakas hawak ang order number nila. Saglit lang nya itong tinapunan ng tingin at nagpatuloy sa paninitig sa tanawin sa labas.

"Let's talk." Pakiusap nito. Napabuntong hininga na lang sya at sumuko na sa pagmamatigas. They finally talk about it.

Di nya namalayan ang oras at kung ilang shots na ba ang nainom nya. Basta bahagya ng umaalon ang paningin nya at gumaan na rin ang ulo nya. She felt as ic she wants to puke kaya nagpaalam muna zyang magbabanyo.

Theory of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon