Chapter 15- Restart -
"Can you get my uniform na lang? Sa Saturday pa ako ihahatid sa dorm eh." Nakangusong pakiusap ni Vivian sa kanya. Madalas itong tumatawag sa kanya. Minsan ay kasama pa si Jack sa pangungulit sa kanya. Gusto man nyang tanungin ang mga ito tungkol sa pinagkakaabalahan ni Finn ay di nya magawa.
Tuloy ay hinintay nya na lang na tumawag ulit ito sa kanya. Nagsabi ito na may kailangang ayusin tungkol sa trabaho kaya hindi muna sya nito madadalaw. Nalaman nya lang din na sa siyudad din pala ito nakatira, bumibisita lang sa Tanawin dahil kay Jack.
She can see how dedicated and responsible Finn is when it comes to work. He's consistently there for her. He visits her one time, they went to a museum nearby. They spent the whole day enjoying each other's company. Nabanggit nito na kailangan nitong pumunta sa isang business trip. Manggagaling ito sa Cebu at didiretso na sa sinasabi nitong business trip.
Saktong pasukan na nila rin sa panahong aalis ito kaya magiging abala na rin sya. He promised to take her on several dates before Monday comes.
A knock interrupted her deep thoughts. Sumilip ang mukha ng ate nya pagkabukas nito ng pintuan.
"Hey, di ka pa ba bibili ng iba mo pang gamit?" Bati nito sa kanya. Mukhang kakagaling lang sa trabaho. Aalis ito ng bahay ng 10 am at uuwi ng 7 pm, minsan kapag OT ay halos abutin ng madaling araw.
Ayos lang naman sya na naiiwan dito, taliwas sa akala nyang mabuburyo lang sya nang sobra. Maybe because of Vivian's constant VCs, and being with Finn kept her entertained all the while staying inside their house for a whole day.
"Tomorrow." Maikli nyang sagot dito.
Bukas na ang punta nila ng school nya, she went there to buy uniforms for her and Vivian. Magkasing size lang naman sila halos, mas malaki lang ang hinaharap nya sa babae. Mukha ring isasabay nya ang pamimili ng mga kulang pa nyang school supplies and essentials.
Until now ay hindi nya pa nakakausap ang Mamu nila. Even Rinne decided to act as if nothing happened and their old man's back. Her Mamu is also constantly messaging her, asking if she's okay and such. Nagrereply naman sya, alam nyang labis itong nag-aalala sa kaniya lalo na at hindi siya nakapagpaalam nang maayos.
Her Nana's updating them too about their mom. Kaya panatag sya kahit papaano.
"Let's eat na. I bought chicken barbeque and beef brocolli." Tuluyan itong pumasok sa silid nya at hinila sya.
Her room's bigger now compared sa room nya sa probinsya at dating tinitirhang apartment. The walls is in the shade of faded purple, with white and wood accents. Ang dating single bed ay pinalitan ng double, mas malaki na rin ang cabinet nya at may sariling banyo na ang kwarto nya ngayon. May malaki syang desk sa gilid, katabi nito ang malaking salamin. Katulad ng kwarto nya sa probinsya ay kaharap ng desk ang bintana. The big glass door serves as her window, with a small space.
Bibili sya ng iilang paso at magtatanim ng mga bulaklak doon. Para hindi masayang ang magandang pwesto kung saan tamang tama tuwing umaga ang sinag ng araw. Plus, it can also be a great diversion aside from walking whenever there's something bothering her.
"Hey, pwede favor?" Her older sister asked her while looking at something through her phone.
"Why?"
"I have to go somewhere for 3 days. Ikaw muna bahala rito sa bahay. I left my card sa lamesa, just please don't max it out okay?" Bilin at biro nito sa kanya. Natatawang inilingan nya ito.
Tinulungan nya ito sa pagpapack ng mga gamit at kalaunan ay hinatid nya sa gate. Tanaw nya ang papaalis na kotse nito, may medical mission itong pupuntahan. Naaksidente raw ang anak ng papalitan nito kaya wala ng nagawa ang ate nya.
