Chapter 6

12 1 0
                                    

Chapter 6

- Judas -

"You sure? Ayaw mo talagang sumama?" She asked Andres. They're currently hanging out in the park.

"May shift ako niyan eh. Gusto ko nga sanang gumala kaso nanghihinayang ako sa araw na di ko papasukan." Andres answered. Pumalatak pa siya bago bumuntong hininga.

Wala ni anino ni Finn dito sa park, di kagaya ng mga naunang pagkakataon na naaabutan niya ito sa slide.

"May papabili ka ba? I can get it for you."

"Nako, baka mamaya di mo bilhin eh!" Reklamo agad nito.

"Wala pa nga! Ang OA ha! Tsaka bibilhan ko ng gift sila Vivian. Wag ka na umarte!" Bulyaw niya rito. The guy groaned in annoyance because of her loudness. Inirapan lang sya ng lalaki at sumandal sa katabing puno.

Naglatag sila ng isang picnic mat habang nakalapag ang pastries at drinks na binili niya. She crossed her legs before laying down, feeling the rays of sunlight and gushing wind hitting her face. Napabuntong hininga siya at pumikit nang tuluyan.

"Nagbabasa ako ha, wag ka maingay." Saway ni Andres sa kanya. Dala nito ang libro na matagal na nitong nabili, ngunit ngayon pa lamang babasahin.

Di man halata pero mahilig magbasa si Andres. Nagtataka nga siya bakit hindi pa lumalabo ang mga mata nito kakabasa. It's one of the things that made Ned and him friends. Because of the books and sports.

Magkasundong magkasundo ang dalawa, bago niya pa makilala si Ned. Pinagtataka nga rin niya kung papaano nito nagawang umiwas sa kaibigan dahil sa nangyari. Kennedy's one of his friends he considered as close to brother. She felt guilty too, for being the reason why they seem to fall apart.

That time, days after confessing to Ned that she loves him, she heard their conversation accidentally. Nasa pasilyo ang mga ito ng luma nilang paaralan, naghihintay para sa release ng credentials nila, nang marinig niya ang usapan.

One of Fiona's friends asked about Ned, sounding interested. Nag-usap ang mga ito nang ilang sandali bago sinabi ni Fiona na may gusto sya sa lalaki. She was confused and shocked to hear that.

Back then, she asked Fiona if she likes Ned. The girl immediately said no, so she believed her.

Fiona later on told her friend that Ned has a lot of admirers, including her. Nagulat siya na sinabi nito sa iba ang pagkakagusto nya sa lalaki. Sinabi niya rito nang harap harapan noon na ayaw nyang may ibang makaalam. She trusted the girl, yet she didn't know that she spreads the rumor about her feelings for Ned.

Pagkatapos noon ay unti unti na siyang umiwas sa mga kaibigan, maliban kay Andres, Vivian at Jack. Ilang araw pa lang noong kumalat ang tsismis, may pinakita si Vivian sa kaniya na screenshots. Ito iyong naging mainit na isyu sa batch nila.

It's a conversation between Fiona, Ned, Ericka and Syd (the friend of Fiona awhile ago). They were talking about how Ericka has a crush on him and such. Nirereto ni Fiona si Ericka kay Ned na pinatulan naman ng lalaki. Nainis si Syd sa nangyari, she said things na hindi niya dapat sinabi.

May nasabi si Fiona doon, na kahit hindi nito pangalanan kung sino, alam niyang siya ang tinutukoy. She said that girls like Syd should stop liking Ned, kasi hinding hindi sila nito magugustuhan. Ayaw raw ng lalaki ng babaeng desperada at naghahabol. After that, Fiona and Syd stopped being friends. The same thing happened with them.

Matapos kumalat ng isyu na iyon ay di na masyadong nag usap usap ang grupo nila. She felt annoyed that Ned didn't even cleared the girls' name. Instead, he paraded Ericka, his new girlfriend. Nainis siya para sa sarili at para kay Syd.

Theory of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon