Chapter 4
- Impulsive -
"This is Finneas, my step brother. Nandito siya pansamantala sa Tanawin para magbakasyon." Pakilala ni Jack sa nakaupo at walang pake na si Finn.
Her mood turned sour as Finn acted like he doesn't know her. Pinasadahan lang siya nito ng tingin at hindi man lang binati.
"I'm Ruwan, just call me Ru." She sarcastically introduced herself and offered her hand. Nagawa nya pang bigyan ito ng nakakaasar na tingin.
Tinignan lang ito ng binata at hindi tinanggap. She feels so offended.
"Finn, come on..." Reklamo ni Jack dito.
He was about to shake her hand when she turned her back to sit beside Vivian. Narinig niya ang pagtawa ni Vivian at buntong hininga ni Jack.
"Kids..." Bakas ang kaunting inis sa boses ni Jack at napa buntong hininga na lamang. Umiling iling pa ito bago pumunta ng kusina para magluto at magtimpla ng alak.
"You know him?" Vivian whispered, she nodded before rolling her eyes when their gaze met. Gosh, this guy is so annoying! Mabilis niyang inirapan ito at inalis ang mata sa inis.
"Ba't sya nandito?" Bahagyang napalakas ang tanong niya. Ramdam niya ang pinukol nitong tingin sa kanya. What now?
"Oh my god, Ru! Behave ha!" Sita sa kanya ni Vivian at tumayo na. Hinala niya pa ito paupo ngunit di ito nagpadaig.
Napabuntong hininga na lang siya habang pinapanood ang babae na naglalakad papunta sa kusina. Bakit ba siya nandito?
"Jack invited me to hang out. Kung ayaw mong nandito ako, umalis ka." Napaawang ang bibig niya sa kabastusan nito. Hindi siya makapaniwala na ganito ito ka-rude.
"Wow! How dare you? Ako ang nauna rito?" Asik niya sa pigil na boses. She tries to calm herself but this guy is really testing her patience.
"I'm going to be Vivian's brother-in-law soon. So shoo!" Tuluyan na syang napanganga sa pagiging antipatiko nito. The audacity of this man?
"Did you just shoo me?!" Napalakas ang boses nya nang kaunti. She felt so irritated and triggered by this rude guy.
She's never met anyone this terrible!
"Gusto mo ulitin ko? I said go away." He said, obviously bored. Napatayo siya at akmang susugurin ito nang pinigilan siya ni Vivian. Mahigpit siyang hinila pabalik at pinaupo. Nanlilisik ang mga mata na tinignan nya ang lalaki.
"Behave, Ruwan!" Sigaw nito. Nakamasid pala ito mula sa pintuan at nakakunot ang noo na sinaway siya. Umirap na lang siya bago nagtungo sa pinto. Kuhang kuha nya ang inis ko!
"Papahangin muna ako!" Paalam niya rito at dali daling lumabas.
She's walking to nowhere, her feet almost stomping because she's annoyed. Kulang na lang ay pagsisipa sipain niya ang mga maliliit na batong nadadaanan niya. Kung hindi lang siya nadapa nang ginawa niya iyon dati ay baka sinipa niya na ang mga ito.
"Ugh! Annoying idiot!" Sigaw niya at mas binilisan ang paglalakad.
Kabisado niya na naman ang village na tinitirhan ni Vivian, ilang liko lang mula rito ay may maliit na parke. Doon niya balak magpalipas ng init ng ulo.
Maliwanag naman ang mga daan dahil sa street lights. Panatag din siyang maglakad lakad ng dis-oras ng gabi dahil hindi naman talamak ang krimen sa lugar nila.
Nang makarating ay agad syang umupo sa isang bench malapit sa gitna ng fountain. Wala itong tubig at tanging ang mga sculpture lang ng mga anghel ang naging disenyo. Maganda ito noon ngunit napabayaan na. Hindi na kasi masyadong pinupuntahan ang parke dahil may katatayo lang na bago sa kabila. Mas malaki iyon ngunit sa dami ng tao ay di siya ginaganahang magpunta.
