Lumitaw na ang buwan, malapit na akong antukin
Ang mga alaala ay unti-unting lilimutin
Pipiliting makatulog para ito'y baonin
Iniisip ko pa lang hindi ko na kayang gawin"Tama na," sambit ko sa aking sarili
Kaya ko nga bang tiisin?
Ako lang naman nakakakilala sa aking sarili
Limutin ka ay mahirap gawinAng ganda ng takipsilim
Nagagawa niya pang sumilip
Ginawa niya pang lumiwanag sa dilim
SA 'yong titig ay patuloy pa rin akong gagambalainAbala palagi ang aking sarili
Kaiisip sa multong nagpaparamdam sa akin
Iniingatan ko ang puso ko ngunit ito'y laging nayayanig
Nais ko lang sabihin, "Sana hindi lamang pagpaparamdam ang iyong gawin"
BINABASA MO ANG
El Pasado es Para ser Olvidado
Poetry(Published under CLP) - Mga tulang pinagpuyatang isulat tuwing gabi Para sa tatlong tao na nawala sa aking tabi Sa pagsusulat ko ng mga tulang ito, sila ang naging susi, Sa pintuan kung saan makikita ang aking mga pagsisi Araw-araw, lagi akong nagba...