Habang tayo'y naglalaro,
Akala ko madali lang 'to
Pero bigla akong napatanong
"Nahuhulog na ba ako?"Ayoko nang magkamali
Hindi na ako mapakali
Kung paano ako makakatakas sa pagkakatali
Sa larong inakala kong madaliSa isang iglap, ako'y naging sigurado
Pero bigla akong naparalisadoNang kumatok ako sa iyong puso,Nalulungkot akong umalis dahil ito'y sarado
Kahit pilit kitang paalisin sa aking puso
Hindi ka mawala wala, dahil nakatatak ka na rito
Kasi, habang ako'y nahuhulog
Mahimbing ka namang natutulog
BINABASA MO ANG
El Pasado es Para ser Olvidado
Poetry(Published under CLP) - Mga tulang pinagpuyatang isulat tuwing gabi Para sa tatlong tao na nawala sa aking tabi Sa pagsusulat ko ng mga tulang ito, sila ang naging susi, Sa pintuan kung saan makikita ang aking mga pagsisi Araw-araw, lagi akong nagba...