Napatingin ako sa 'yo habang ika'y naglalakad
Alam ko, ako lang ang iyong hangad
Pero matapos kong ilahad lahat
Hindi ka na nagdalawang isip na umalis agadBinigay ko ang aking salita
Binigyan kita ng kasiguraduhan, sinta
Na ikaw lang ang laman ng aking kanta
Pero bigla kong nabigay sa ibaAkala mo siguro hindi ako nagsisisi?
Akala mo siguro na ako'y nakakangiti?
Akala mo siguro naging masaya ako sa nangyari?
Alam mo bang hindi na ako makatulog tuwing gabi?Pinanood lang kitang maglakad palayo
Nagulat ako nang bigla kang huminto
Hindi ka nagalinlangang lumingon
At sa mga mata ko'y, ika'y naglaho
BINABASA MO ANG
El Pasado es Para ser Olvidado
Poetry(Published under CLP) - Mga tulang pinagpuyatang isulat tuwing gabi Para sa tatlong tao na nawala sa aking tabi Sa pagsusulat ko ng mga tulang ito, sila ang naging susi, Sa pintuan kung saan makikita ang aking mga pagsisi Araw-araw, lagi akong nagba...