Pumunta ako sa aking pintuan
Akala ko ikaw ay nakadungaw
Lagi na lang akong napaglalaruan
Ah, ika'y umalis hanggang sa hindi ka na matanaw'Yung mga bagay na iyong iniwan
Akala ko iyong babalikan
'Inintay ko pa baka ako'y matuwa
Nihindi ko alam kung babalik kaMga alaalang aking pinangghahawakan
Oo, hanggang ngayon aking tinititigan
Nang sa gano'n baka ako'y may mabalikan
Ah, hindi na babalik 'yon, kaibiganAng mga nangyari ay natapos na't lumipas
Kinakailangan ko na sigurong mahampas
Oh, ayusin mo na ang iyong kumpas
para ang mga alaala'y tuluyan nang kumupas
BINABASA MO ANG
El Pasado es Para ser Olvidado
Poetry(Published under CLP) - Mga tulang pinagpuyatang isulat tuwing gabi Para sa tatlong tao na nawala sa aking tabi Sa pagsusulat ko ng mga tulang ito, sila ang naging susi, Sa pintuan kung saan makikita ang aking mga pagsisi Araw-araw, lagi akong nagba...