9 - Hungry Heart ✔

109K 2K 154
                                    


"Amusement park?"


"Hindi. Sementeryo!"


Bumili si Ekstrang Hero ng tickets para saming dalawa. Sa totoo lang hindi ko sya maintindihan.. Hindi ko maintindihan lahat ng ginagawa nya.. Kung tutuusin nga lugi na sya sakin pero—


"Ano dyan ka na lang ba? Hihintayin mo na lang ako lumabas?" sabi ni Ekstrang Hero tapos bigla nyang hinawakan yung kamay ko at hinigit ako. "Tara na!"


Medyo naiilang naman ako dahil magkahawak yung mga kamay namin habang naglilibot. Ang init-init nung kamay nya, parang heater. Hindi naman ako umaalma, ayokong sirain yung moment nya. Yung mga mata nya kasi.. Kumikinang-kinang? Haha. Sabik na sabik at patakbo-takbo pa sya habang naghahanap kami ng rides.


Kaladkad nya ko papunta sa bump cars.


"Hindi kita pagbibigyan!" pagbabanta nya.


"Kala mo ah, hindi ako papatalo sayo!"


Ang loko, palage akong kinokorner. Ang sakit na ng pwet at likod ko kabubunggo nya sa bump car ko. Ang bad bad!


Habang naglalakad nakakita kami ng estante na nagtitinda ng mga maskara. Ang gaganda.


Sinuot ni Ekstrang Hero yung maskara na Frankenstein. Ginaya pa nya yung sound at kilos nito. "Ey-goorr.."


Bagay sa kanya, ang laki nya din kasing tao. "Sakto sayo yan!"


Kinuha at sinuot ko naman yung maskara na pang fairy. "Ang cute no?" sabi ko sa kanya. "Ay, picture tayo souvenir lang!"


Tinutok ko samin yung cam ng phone ko tapos inakbayan ako ni Ekstrang Hero. CLICK!


"Isa pa. Yung wala namang suot na mask.." Pagtingin ko wala na si Ekstrang Hero sa tabi ko. At ang mokong, pandipila sa isang ice cream corner.


Lumapit naman ako sa kanya. Sosyal naka giant belgian cone!


"Gusto mo?" sabay dila nito sa pistachio ice cream nya.


Tumango ako. Mukhang masarap ih.


Tiningnan nya ko at inilapit pa ang mukha sakin. "Bumili ka. Wag kang abusada!"


>________<


Patalon-talon ako habang kinakain yung choc & orange ice cream ko! Iniinggit ko si Ekstrang Hero. Ang bilis nya kasing kumain eh! :p


"Dito tayo."


Napatigil ako. "Ro-roller  coaster?? A-ayoko nga!"


"Oh wag mong sabihing natatakot ka?"


Rent-A-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon