Kalalabas ko lang ng bangko dahil nag-deposit ako ng 5,000 pesos sa ATM non Rent-A-Boyfriend.
Nag take-out na lang ako ng macaroni and cheese sa 7-11 dahil isiningit ko lang ngayon lunch break yung pagbabayad ko.
Habang kumakain ako sa desk ko biglang tumunog yung cellphone ko. May text galing sa Rent-A-Boyfriend! O.O
Nanigas yung kamay ko sa nabasa ko.
This is your boyfriend's phone number. Kindly text and meet him ASAP.
Ekstang Hero - 09167632***
Siguro mahigit 15 minutes ko ng tinitigan yung number na sinend sa akin. Napahinga ako ng malalim. Itutuloy ko pa ba 'to? OO SAYANG YUNG LIMANG LIBO MO PATRICIA! Wala na tong urungan!
Nagdasal muna ako bago ko i-dial yung number. Hindi sinasagot. Kainis naman 'to ah! Baka mamaya scam 'to! U-U Takbuhan na lang ako bigla!
"Patee, I want a 6pm reservation at Orchids Palm Court."
Sana ginamit ko na lang sa pamamasyal ng pamilya ko yung pera. Para makapag-relax sina papa at mama. Para rin ako makapaglaro yung kambal kong mga kapatid na sina Pim at Pan. T~T
"Patee! Do you hear me?!"
Ayy si Madam Baby! Yung terror naming manager! "Y-yes! Right away madam!"
Isang oras rin ang lumipas ng bigla ulit tumunog yung cellphone ko.
See you tomorrow at Hunter's Park 4pm.
-Ekstrang Hero
Nanlaki yung mga mata ko. Bumilis bigla yung tibok ng puso ko. KA-MEET KO NA YUNG BOYFRIEND KO BUKAS?? 0///0
--
Pag tingin ko sa wrist watch ko 4:20pm na pala. Ilang minuto ko na rin hinihintay si Ekstrang Hero dito sa Hunter's Park.
I sighed. "Maaga pa man din ako nag-out sa office.. Tapos late pala sya.."
Luminga-linga ako sa paligid to see signs of him. Kinakabahan ako pero at the same time, excited akong makita sya.
Napagpasyahan kong maglakad-lakad muna sa park. Tutubuan na ko ng ugat kaiintay kay Ekstrang Hero, ni hindi man lang makuhang magtext.
Maya-maya pa ay napansin ko na parang may kanina pang sumusunod sakin. May katangkaran ang kalakihan rin ang katawan nitong lalaki. Naka shades sya kaya hindi ko masyadong makita yung mukha nya.. Napahawak ako sa bag ko! Hindi kaya holdaper 'to?! Kaya binilisan ko ang paglalakad kaso binilisan lang din nito ang paglalakad nya!!
Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.. Oh no! Someone please help me!
BINABASA MO ANG
Rent-A-Boyfriend
RomancePatee is a typical office girl with a simple life. Until.. She rented a boyfriend in a strange online app. Her whole world turns upside down and flips all over again! [COMPLETED]
