Mangiyak-ngiyak na ko dito habang dinadakdakan ng mikropono kong best friend! T____T After ng shift nya sa casino dumiretso sya agad dito sa bahay.
"Nakakasama ka talaga ng loob bestfriend! Nung ako yung nag-aya sayo sa reunion eh pinagpatayan mo ko ng laptop! Tapos nung si Andre.." Inilapit pa nya yung mukha nya sakin. "SURE?!"
Naman eh! Ilang beses ko bang ipapaliwanag sa kanya na nabigla lang ako nun!! Ilang taon kong hindi nakita si Andre! Tapos biglang nasa harapan ko na! Na-shocked kaya ako!!
Humawak ito sa baba nya. "Hmm.. Pero sa tingin ko, okay na rin yung ginawa mo!"
Taka akong napatingin sa kanya. "Ha?"
"Tama!" Tumango-tango pa ito at naupo sa tabi ko. "Tama lang yung ginawa mo na pinakita mong okay ka lang at sinabi mong may boyfriend ka na."
"Pero paano naman yun! Saan ako hahagilap na magpapanggap na boyfriend ko?!"
Waaahhh! Naiiyak na ko!! Y_____Y
Kinuha ni Kat sa bag nya ang isang flashdrive. "Diba nag-aaway kami ni Homer nitong mga nakaraan.. Kaya naisipan kong pag selosin sya." Nag-peace sign sya sakin. "Kaso nagbati na kami non isang araw kaya hindi ko na tinuloy.."
"Oo nga.. Araw-araw ka kayang ngumagawa sakin! Eh Kat.. Ano naman kinalaman nitong flashdrive sa problema ko?"
Inilagay nya sa mga kamay ko yung flash drive. "May application na naka-save dyan. Pwede kang mag-renta ng boyfriend.."
--
Nagmamadaling lumayas si Kat dahil may date pa sila ni Homer. Tiningnan ko yung maigi yung flashdrive.
"May application na naka-save dyan. Pwede kang mag-renta ng boyfriend.."
May ganun bang app? Pwede kang mag-rent ng boyfriend? Hindi kaya illegal yon?
Napakagat ako ng labi. Wala namang masama kung titingnan ko yung app. Madali kong ininstall yung application.
RENT-A-BOYFRIEND
Napalunok ako. Grabe! Totoo nga!!
Welcome to Rent-A-Boyfriend! <3
Ni-click ko yung create an account.
username: pateepatotee
password: *******
[ ENTER ]
You are so lucky to access Rent-A-Boyfriend! So what are you waiting for? RENT YOUR BOYFRIEND NOW!
By clicking the RENT button below, I certify that you have read and agree to the terms and policy of Rent-A-Boyfriend.
Syempre hindi naman 'to basta kung ano lang. Nakasalalay dito ang kahihiyan ko at ang lovelife ko.. Basta dapat hindi ako mapahiya kay Prince Andre at Witch Elaine! Huminga ako ng malalim at binasang mabuti yung terms and policy.
* You shall pay the sum amount of 5,000 pesos cash in our bank account.
* Arrangement depends on what is agree upon by the client and the boyfriend. Contract only last for ONE MONTH.
* Personal feelings and sexual involvement is outside the concern nor entertained by the application.
* The application shall remain private between you and the person held responsible for this application; Incase the application is exposed to the public, a fine will be given.
[ RENT! ]
Thank you for registering! You may now choose your ideal boyfriend! ♥ Enjoy! :)
AGE:
16-19 [ ] 20-29 [x] 30-39 [ ] 40-49 [ ] 50-59 [ ]
Ay grabe! For all ages pala 'to! Dapat ka-edad ko lang..
BODY BUILT:
Slim [ ] Hunk [x] Chubby [ ]
Hunk! For sure certified hottie! Hihihi
COMPLEXION:
Moreno [x] Mestizo [ ]
Ayoko naman non lalaki na mas maputi at mas makinis pa sakin no!
PERSONALITY:
(Please mark only 3)
Gentleman [ ]
Smart [x]
Funny [x]
Talented [ ]
Athletic [ ]
Feminine [ ]
Badboy [x]
Emo [ ]
Pati personality pala ako rin magdedecide! Weeeee! Ka-excite naman 'to! SMART! Nakakahanga kaya pag matalino at maparaan! FUNNY! Syempre para masaya kasama tawa lang kayo ng tawa! At BADBOY! Nakakainlove yung lalaking kaya kang ipagtanggol! Kayaaah! Ang perfect naman netong magiging boyfriend ko! ;">>>
[ DONE ]
LOADING..................................................................
Then may biglang appear na gallery ng pictures ng mga boys. OH MY GOOOOOOOOOOSSSSHHHH! ANG GUGWAPO! *_* FIESTA ANG MGA EYES KO!!
Napatutok yung curser ko sa picture nung isang lalaki. Nabasa ko yung nakasulat sa ilalim nung picture nya. Ekstrang Hero.
Ekstrang Hero???
Click the I Love You button to select him.
[ I LOVE YOU! ]
SENDING REQUEST..............................................
Hindi ko alam kung anung nangyayari.. Pero bigla na lang nagtaasan ang mga balahibo ko at bumilis ang tibok ng puso ko..
Then may biglang nag pop-up sa screen.
I LOVE YOU TOO!
BINABASA MO ANG
Rent-A-Boyfriend
RomansaPatee is a typical office girl with a simple life. Until.. She rented a boyfriend in a strange online app. Her whole world turns upside down and flips all over again! [COMPLETED]