13 - Epic Reunion ✔

111K 1.9K 104
                                    


Huwag barat sa vote at comment!! Tatampalin kita eh! Hohoho! Natagalan ako dito sa last chappie. Pero worth it naman. :)) HIT THE COMMENT BOX FOR VIOLENT REACTIONS! XD

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++


Sinuot ko yung flower crown sa buhok ko. Naka make-up at nakaayos na rin ako.


Napangiti ako ng mapait pagharap ko sa salamin. Suot ko yung mint green chiffon dress na bigay sakin ni Ekstrang Hero. Pinigilan ko ang sarili kong huwag maiyak. Napakalamig ng pakiramdam ko ngayong wala ng Ekstrang Hero sa tabi ko. Wala na yung taong nagpapalakas sakin at kasangga ko. Wala na.


Kumatok si Pan sa kwarto. "Ate! Nandyan na si Ate Kat at Kuya Homer sa baba!"


"Sige, susunod na ko."


"Huwag ka mag-alala BFF! Si Homer ang escort nating dalawa tonight." Nilingon ako ni Kat pagkasakay namin ng kotse. "Huwag ka na rin mag-alala, ako na ang bahala sa bruhang Elaine na yun! Balatan ko sya ng buhay eh!"


"GRABE NAMAN!"



Nakarating na kami sa venue. Ang ganda talaga dito sa Grand Palmeras. Bukana pa lang sinalubong na kami ng landscape garden na may mga christmas lights. Nakakadagdag attraction rin yung garden fountain nila.


Rinig na rinig yung music at ingay ng kwentuhan sa loob.


"Wait! Teka, wag ka munang magsasalita! Huhulaan ko kung sino ka!" Sinalubong ako ng isang babae. Maganda ito at mukhang palakaibigan. Namumukhaan ko sya!


"Alvi, wag mo nga syang takutin." Biro ng kasama nitong lalaki.


Pumalakpak si Alvi. "Patricia Anne! Yung girlfriend ni Andre!" Natawa na lang ako. Tumango na lang ako sa kanya.


Some things never change. Kung ano na yung naiwan mong alaala sa kanila, ayun na yung maalala nila sayo.


"Nandyan na sya sa loob, kasama yung barbie doll fiance nya."


Ngumiti na lang ako bilang paalam sa kanila.


Lalo akong namangha pagkapasok ng hall. Cream painted yung walls with thin golden lines crossing it. Marbled yung floor and its dark spots gave it an elegant appearance. At kapag tumingala, you'll see the ceiling had wonderful paintings of Angels.


Maya-maya nagsidatingan na rin yung iba. Nakakatuwa halos makumpleto ang buong batch! The place was great and serving good food! Ang gagaling talaga ng officers namin, sila ang nag sponsor at nag-organize lahat ng 'to.


May kaunti lamang program tapos nagtuloy kainan at kwentuhan na kami. Ang saya naman. ^_^


Bigla namang napagkatuwaan ng mga kaklase ko yung mga ex-couples. Kung sino ba yung mga nagkatuluyan at naghiwalay na. Nagkatinginan tuloy kami ni Andre na nasa kabilang table. Ang awkward. Hindi ko alam kung aalis na lang ba ko since nakapagpakita na naman ako sa kanila kaso magmumukha akong umiiwas at affected pa rin kapag ginawa ko yun.

Rent-A-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon