2 - Binugbog na Puso ✔

134K 1.8K 95
                                    


3


2


1


ACTION!


Nililipad ang tuwid na tuwid at blonde na buhok ng isang kaakit-akit na babae while she does different poses every shot. She smizes and looks so fierce, everytime.


"Okay! Got it." sigaw nung photographer. "Good one, Elaine!"


Naupo sya sa model's chair na nasa tabi ko. Hindi ko maiwasang mapatulala sa ganda nya.. Yung mga pilik mata nya tulad nung sa mga manika.. Makinis ang balat nya, maputi.. At ang bango-bango pa nya! Pareho kaming babae pero ang laki ng aming pagkakaiba...


Hindi na ako nagtataka kung bakit sya ang nakuhang model ng Glitter for this month's issue. Isa syang top super model sa Paris.


Nagulat naman ako ng bigla syang humarap sakin. "Staring is rude!"


"Ah.. I'm sorry.." Waaah. Nakakahiya! >__<


"Where's my drinks?!"


"Di-drinks??" Hala! Hindi naman kasi ako yung incharge dun. Sinusupervise ko lang yung shoot.


"Are you deaf?!" Mapanginsulto nya kong tiningnan. "Why do they even hire stupid people like you?!"


AY GRABE! Dyosa nga sa kagandahan, demonyita naman sa kamalditahan! Hindi ko na napigilan ang sarili ko ang binuhusan ko ng kape si Ms. Elaine! Pero syempre nasa isip ko lang yun. Ngumiti na lang ako sa kanya. "I'll get your refreshments right away Miss Elaine!"


"Annoying, slave." I heard her murmured.


QWERTYUIOP---Kalma lang Patee! Kalma lang!


Nakita ko naman si Manong Bonjing. Yung naustusan bumili non food ni Elaine. "Miss Patee! Pasensya na ho. Napakatagal hong mag serve dun sa pinuntahan kong restaurant.." paliwanag nya. "Ito po yung turkey sandwich tska four seasons iced tea." Iniabot nya sakin ang mga ito. "Napakamahal ho pala nyan!"


"Okay lang yun manong! Charge naman yan sa company eh. At isa pa, mukhang gustong-gusto talaga si Miss Elaine ng mga boss natin kaya alagang-alaga!" Effective naman kasi talaga si Elaine.. Nakakahalina sya.. Kung ako man, mapapabili ng magazine para malaman ang mga scoop tungkol sa kanya. I'll give her A+ for effectiveness, but Z- for attitude!!


DEAF? STUPID?? SLAVE???


Lagyan ko kaya ng food poison mirienda nito?!


Boset.


Lagyan ko nga kaya?? Hmm.


MWAHAHAHAHAHAHAHA! XD


Pabalik na ako sa pwesto ni Elaine nang mapatigil ako sa paglalakad. Napahawak ako ng mahigpit sa mga dala ko.

Rent-A-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon