Nagniningning yung mga mata ko lumabas ng office dahil sa wakas dumating na rin yung mid-year bonus namin! $.$
Sumakay ako ng taxi at dumiretso agad sa mall. Gumala ako at nag-shopping para sa pamilya ko! Relo kay papa! Bag kay mama! At educational toys para sa kambal. Sana magustuhan nila! ^____^
Umiinom ako ng Zagu habang nag-iikot pa sa mall. Napatingin ako sa stall ng bench...
"Si Andre ba yun? Yung model ng bench?"
"Girlfriend ba nya yung kasama nya?! Hindi sila bagay!"
"Ang panget nung babae, ang gwapo nung lalake! Ginayuma yan!"
Hinawakan ni Andre ng mahigpit yung kamay ko. "Wag mo silang pansinin." sabi nya then he kissed my forehead.
Napangiti ako sa ginawa nya. Proud syang girlfriend ako, pero ako.. Hindi ako proud na ako ang girlfriend nya.
After graduation.. Nagsimula ng magsidatingan ang mga modelling offers kay Andre, artistahin naman kasi talaga sya. Samantalang ako sa mga company in the vicinity lang ako nag a-apply.
Sa totoo lang.. Palaging ipinapakita sakin ni Andre kung gaano nya ko kamahal at palagi nyang sinasabi na hindi mahalaga ang opinyon ng ibang tao. Pero kahit hindi nya sinasadya.. Siya pa rin yung dahilan kung bakit ako hinuhusgahan, nilalait at sinasabihan ng hindi magaganda ng mga tao.
Pakiramdam ko araw-araw kailangan kong patunayan ang sarili ko.. Pakiramdam ko araw-araw basura ako.. ARAW-ARAW.. Minsan maiiyak na lang ako..
Alam ko hindi naman ako panget.. Pero kapag tinatabi ako kay Andre, nagmumukha akong basahan. Babae ako, nilalamon ng insecurities.. Sa minsanan na lang naming pagkikita imbis na sumaya ako, ganito pa yung nararamdaman ko.
Ang bigat sa pakiramdam.. Masakit sa ulo, masakit sa puso.
"Ate! Pwede bang papicture?" Sabay abot nung babae sakin ng camera nito.
Magbabarkada sila. Hinigit nila si Andre at pinaggitnaan. Uhm.. Mga fans siguro..
"Patee!" Tiningnan ako ni Andre na parang nagsasabing hindi ko naman kailangan gawin 'to.
"Okay lang." Pinilit kong ngumiti, kahit ang sakit sakit na. "1..2..3.." CLICK!
Tumigil ako sa harap ng isang salon. Hindi naman siguro masama kung iti-treat ko yung sarili ko. Lately ang gulo-gulo ng mundo ko.
Masigla akong binati ng receptionist. "Welcome to Fairies Salon! What can we do for you?"
"Milk treatment and foot spa." sagot ko naman.
Isinandal ko yung likod ko sa upuan habang nakababad yung buhok ko. Amoy stawberry yung shampoo at talagang nakakarelax yung scalp massage. Napapapikit ako...
"I'm so sorry baby, babawi talaga ko sa weekends." Narinig kong tinawag na si Andre. "I love you! I love you so much!!" Binaba na nito yung call.
"..I love you too."
Pinagtaasan ako ng kilay ni Kat. "So, wag mo sabihing tayo na lang ang lalantak nitong mga pagkaing niluto mo?"
Inilibot ko yung mga mata ko sa buong kwarto. Sayang naman yung surpresang inihanda ko para kay Andre. Hindi pala nya makikita.
Nginitian ko si Kat. "Mabuti pa kumain na tayo."
"Nakakaasar na yang boyfriend mo! Boyfriend mo pa ba yan o textmate mo na lang??" Nagpaikot na lang ng mata si Kat. "4th ANNIVERSARY NYO KAYA! Kaya nawawalan ng forever eh."
"Huwag mo naman sya kagalitan. Valid naman yung dahilan nya. May taping pa kasi sya. Gusto ma-perfect non director yung commercial. May timetable pati silang sinusunod." paliwanag ko. "Isa pa, mahalaga sa kanya yung trabaho nya."
"Eh ikaw Patee.. Nararamdaman mo pa bang mahalaga ka sa kanya??"
Ang sakit-sakit non tanong. Ngunit labis na mas masakit sumagot.
"Wag namang ganyan. Hindi naman porket hindi na kami madalas magkita e hindi na ko mahalaga o hindi nya na ko mahal. Busy lang."
"Presidente ba sya ng Pilipinas para maging ganung ka-busy?? Sus! Pwede naman sya mag file ng leave! Hindi ka lang talaga nya pina-prioritize kasi alam nyang nandyan ka lang! Masyado kang mabait, kaya inaabuso ka nyang boyfriend mo." Inis na inis si Kat. "He's taking you for granted!!"
Napamulat ako ng tumunog yung bells ng may pumasok na customer. Minabuti kong pumikit muli.. Nakita ko na naman ang mapait na alaala na yun sa isipan ko...
Malakas at sariwa ang simoy ng hangin. Napapapikit ako habang nililipad nito ang buhok ko. Iminulat ko ang aking mga mata at tinanaw ang lawa sa ilalim nitong tulay. Madalas kami mag-date dito ni Andre kasi tahimik at hindi matao.
May biglang humawak sa kamay ko. "Andre.. Pumunta ka.."
Tiningnan nya ko ng may pagtataka sa mga mata nya. "You called.. That's why I came."
I smiled bitterly. "Buti naisingit mo pa ko sa schedule mo.."
Kumunot yung noo nya. "Hindi kita maintindihan."
Unti-unting naninikip yung dibdib ko at nag-uunahan ng lumabas ang luha sa mga mata ko. "Masayang-masaya ko para sayo Andre, kase malayo na yung narating mo.. At hindi kita pipigilang abutin yung mga pangarap mo.." Tinigasan ko yung boses ko at nilaksan yung loob ko. "Kaya pinapalaya na kita."
Nagbago ang expression ng mukha ni Andre. Napakapit sya ng mahigpit sa lubid.
Parang dinukot yung puso ko ng makitang nasasaktan yung taong wala lang namang ginawa kundi mahalin ako.
Hinawakan nya yung mga kamay ko. "A-ano bang ginawa ko? May nagawa ba kong mali?" Para syang wala sa sarili nya habang tinatanong ako. "Sa-sabihin mo.. Sabihin mo Patee kung bakit mo ko ginaganito.. Kasi hindi ko maintindihan!"
"Wala ka kasi sa pwesto ko ehh.." Pumiyok na ako. "Nakakasama kaya ng loob na sinisimangutan ka, iniirapan ka, minumura ka ng mga tao na tingin nila kasalanan na boyfriend kita."
"Mas pinapahalagan mo pa sila? Kaysa sa relasyon natin?? Mahal mo naman ako, diba? Ang mahalaga yung mahal natin ang isa't isa. Ang mahalaga yung tayo."
"Ako.." Tinuro ko yung sarili ko. "Ako, Andre.. Gusto ko na bumigay. Hindi ko na kaya lahat ng pasakit."
"Yun na lang bang nararamdaman mo ang iniisip mo Patee? Nagsisikap ako para sa future natin!"
"Hindi na kita nakikitang kasama sa future!"
Napanganga at natigilan si Andre. Iyak lang ako ng iyak. Siguro ngayon ko na lang nailalabas lahat ng kinimkim ko.
"Naawa ako sa sarili ko kapag nai-imagine ko na uuwi ako sa bahay na wala akong asawa na dadatnan. Na hihintayin lang kita kung kelan ka pwede magka-oras dahil sa dami ng gusto mong gawin! Sa ilang holidays at special occassions na ipagdidiwang ko mag-isa." Iling ako ng iling. "Ayoko non. Ayoko.." Pinunasan ko yung basang-basa kong mukha. "Simple lang ako, simpleng buhay lang ang gusto ko. Maayos na trabaho at masayang pamilya, yun ang pangarap ko."
Iniwas ko sa kanya yung tingin ko. Natatakot ako na baka pag tumingin ako sa mga mata nya bigla ko syang yakapin. Pero ayoko na.. Maybe this time, I'll choose peace of mind over love.
"Pagod na ako kakaselos. Pagod na ako kakahabol. Ayoko na yung feeling na nakikipag-agawan. Kaya ako na ang bibitaw." Tiningnan ko sya ng diretso. "Andre, Makikipagbreak na ko." Napatakip ako ng bibig at tumakbo paalis. "I'm so sorry."
BINABASA MO ANG
Rent-A-Boyfriend
RomancePatee is a typical office girl with a simple life. Until.. She rented a boyfriend in a strange online app. Her whole world turns upside down and flips all over again! [COMPLETED]