This is my very first story so bear with me. T^T Be kind to leave votes and comments. ^o^
Kapag naka italicized, it's a flashback. :D
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Kanina pa ko nakatitig sa screen ng laptop ko. Nagdadalawang isip ako kung i-accept ko ba sa facebook yung invite para sa batch reunion namin.
I'm Patricia Anne Reyes. 23 years old. I took up Mass Communication when in college and now I'm an Editorial Assistant at a magazine company.
Namimiss ko na rin naman yung mga kaklase at kaibigan ko. Masaya kung makikita ko man lang ulit sila. Kaso.. Baka makita ko rin sya.. Tinuktukan ko nga yung ulo ko. Impossible! Ang alam ko ilang taon na sya sa France.
Sinearch ko yung pangalan nya sa internet. Andre Zuñiga. Nagsilabasan agad yung mga litrato nito. Kahit anong anggulo napakagwapo nya. Ibang-iba at ang taas-taas na ngayon ng level ni Andre.
Napangiti ako ng mapait. Kung hindi ko sya pinakawalan.. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko if Andre end up to be the man he'll just be kung natali sya tabi ko.
Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Maliit yung mukha ko at bilugan ang mga mata ko. Petite lang ang katawan ko kahit medyo malaki ang braso at hita ko.
Binalik ko yung tingin ko sa mga picture ni Andre. Nakita ko yung babaeng model na ka-partner nya sa picture. Napabuntong-hininga na lang ako. Wala ka talagang panama sa mga yan Patee.
Napanguso na lang ako habang nakahalumbaba. Nilaro ko yung ballpen sa desk ko. Noong naghiwalay kami ni Andre sinubukan ko talaga sya kalimutan kaya itinapon ko lahat ng binigay nya. Itong ballpen lang ang kaisa-isang bagay na tinira ko...
"Naiwan ko pa yata yung ballpen ko sa bahay.." Nararattle na ko habang naghahalukay sa bag ko. Ang sama na ng tingin non mga tao sa likod ko.
Nakapila kasi ako sa cashier. Magbabayad ako ng tuition kaya may pipirmahan ako kaso naiwan ko pa yata yung ballpen ko. T_T
"Alam ng enrollment tapos walang dalang ballpen?" sermon sakin non cashier.
Napamungot ako. "Sorry po.."
"Miss, heto ohh.." Inabutan ako ng isang lalaki ng ballpen. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya para akong nakakita ng anghel. Ang gwapo nya! You're my savior kuya ballpen!!
Madali akong nag fill-out don sa form. Excited na kong ibalik tong ballpen sa gwapong anghel na yun. Para makausap at masilayan ko ulit ang gwapo nyang mukha!! ;">>>
Nagmadali ako't hinanap sya. Nakita ko naman agad sya na may binabasa don sa poster.
Nilaksan ko yung loob ko at lumapit sa kanya. "Kuya ballpen! Salamat talaga ng marami.."
Hindi ko alam kung bakit sya natawa sakin. Nanlaki yung mga mata ko ng ma-realize ko kung ano yung tinawag ko sa kanya. KUYA BALLPEN!! OHMYGAD. >________<
Inabot nya yung kamay nya sakin. "I'm Andre Zuñiga." Nginisian nya ko. "Pwede ring Kuya Ballpen."
Napatakip ako ng mukha. "Hala! SORRY! Hindi ko kasi.. Waaa!"
BINABASA MO ANG
Rent-A-Boyfriend
RomancePatee is a typical office girl with a simple life. Until.. She rented a boyfriend in a strange online app. Her whole world turns upside down and flips all over again! [COMPLETED]
