Part 42

81 3 0
                                    

Uwian na kaya naman nagpaalam na ako kina Lorelei na papasok na sa trabaho.

"Gusto ko ulit pumunta sa Café kaso ang dami ko pang gagawin pag-uwi," nakasimangot na saad ni Lorelei.

"Ano ka ba, maraming time para diyan. Unahin niyo na muna 'yong mga kailangan niyong gawin bago tumambay," sabi ko at tinap ang balikat nila.

"Una na ako. Bye, I love you both!" Kinawayan ko sila bago ako sumakay ng tricycle.

At nang makababa ako ay inabot ko na kay manong 'yong bayad ko at saka pumasok na sa loob.

Papasok na ako ng staff room nang masalubong ko si Miss Yvanilla. Humingi ako ng paumanhin sa kaniya dahil dalawang araw akong hindi pumasok at hindi man lang nakapagpaalam sa kaniya.

"It's okay, next time mag sabi ka, okay?" Nakangiti naman akong tumango.

"Yes po, Miss Yva." sabi ko at tuluyan nang pumasok sa staff room.

Busy ako sa pagkuha ng orders nang lapitan ako ni Sydney.

"Ate mag naghahanap sa 'yo sa labas," sabi niya na ikinataka ko.

"Ah sige, tignan ko muna." sabi ko at naglakad na palabas.

Inis akong napabuga ng hangin nang makita ko kung sino 'yong naghahanap sa akin.

"Ano ginagawa mo rito at paano mo nalaman na dito ako nagtatrabaho?" Walang emosyon kong tanong sa kaniya.

"Gusto lang kita makita at maka-usap, 'nak." Umirap naman ako.

"Eh paano 'yan, ayaw kitang kausapin." sabi ko at saka tumikhim upang hindi niya mahalata ang paggaralgal ng boses ko.

"Anak..." umatras ako nang akmang yayakapin niya ako.

"Pwede ba! Masaya na ang buhay namin nang wala ka kaya please lang bumalik na kung saan ka nararapat!" mahina ko siyang bago siya tinalikuran.

Tumakbo ako papuntang comfort room upang doon umiyak. Mabuti na lang at walang tao sa loob kaya malaya akong makaka-iyak.

Nakaka-inis ka! Bakit kung kailang sanay na kami nang wala ka saka ka babalik at magpapakita sa amin.

AS#7: Muffin Roll and Soda || An Epistolary Where stories live. Discover now