Simula noong manligaw si Vincent sa akin ay palagi niya akong hinahatid-sundo, papasok sa school at sa trabaho saka pag-uwi.
"Ingat ka sa pag-drive." Iyan ang palagi kong sinasabi sa kaniya tuwing maihahatid niya ako sa bahay.
At ang palaging sagot naman niya ay 'syempre naman, sasagutin mo pa ako eh.' Corny pakinggan pero kinikilig ako tuwing sinasabi niya 'yon.
"Naka-uwi na po ako." sabi ko nang makapasok ako ng bahay.
Napalingon sa gawi ko si mama.
"Mabuti naman at narito ka na, kumain ka na ba? Ipaghahanda kita ng pagkain." Mabilis ko namang pinigilan si mama.
"Kumain na po ako kanina, ma." Sagot ko. "Si Nisha po?" tanong ko.
"Kanina pa nasa kuwarto niya, hindi pa siya lumalabas simula noong maka-uwi siya." sagot niya kaya naman nagpaalam na ako na pupunta sa kuwarto ni Nisha.
Nang makarating ako sa tapat ng kuwarto niya ay pumasok na ako agad at hindi na kumatok. At pagpasok ko ay nakita ko siyang naka-upo sa kama niya at nakatalukbong ng kumot.
"Nisha, hindi ka pa raw kumakain," sabi ko ngunit hindi man lang niya ako nagawang sagutin.
Lumapit ako sa kaniya at tinanggal ang kumot na nakatabon sa kaniya. Nanlaki naman ang mata ko nang makita siyang umiiyak.
"Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko sabay punas ng luha niya.
"B-Bagsak ako sa interview, a-ate..." humihikbing sagot niya.
"Sorry ate, sorry kung na-disappoint kita," mabilis ko naman siyang niyakap at hinagod-hagod ang likod niya.
"Shh... 'wag mong iisipin 'yan, Nisha. Hindi na-disappoint si ate sa 'yo, hmm? Ang totoo nga niyan ay proud na proud pa ako sa 'yo eh," humiwalay naman siya sa akin at binigyan ako nang nagtatakang tingin.
"Alam kong ginawa mo ang lahat ng best mo para sa interview na 'yon, kaya pasado ka man o hindi, proud na proud ako sa 'yo." paliwanag ko sa kaniya.
"Alam mo ba, may kilala akong kapareho ng sitwasyon mo. Umiyak din siya noong hindi siya nakapasa sa interview niya. Muntik na siya mawalan ng pag-asa noon kung hindi lang dahil sa mga kaibigan at pamilya niya, sumuko na siya." kuwento ko.
"Kaya ikaw, hangga't narito ako/kami nila papa, 'wag na 'wag kang mawawalan ng pag-asa. Simula pa lang 'yan, marami pang opportunity ang darating sa 'yo. Marami ka pang school na puwedeng apply-an. Support ka ni Ate kahit saang school ka, kahit pa sa ibang bansa ka mag-aral susuportahan kita." pagbibiro ko.
"Thank you talaga, ate. Promise, mas gagalingan ko pa sa susunod para makapasa ako." sabi niya saka tipid na ngumiti. "Nga pala ate, edi wala kang reward sa akin..." mahina naman akong natawa saka hinila siya upang yakapin.
"Syempre may reward ka pa rin, pero secret muna 'yon. Bukas ko na ibibigay sa 'yo, okay?" Tumango naman siya.
"Tara na sa kusina, hindi ka pa raw kumakain eh." sabi ko saka sabay kaming tumayo at lumabas ng kuwarto niya.
YOU ARE READING
AS#7: Muffin Roll and Soda || An Epistolary
Fiksi Remaja[Completed] --- Nalliah Agustin, isang tourism student na nagtatrabaho sa isang sikat na Café upang may pang gastos siya para sa kaniyang pag-aaral at para makatulong sa kaniyang pamilya. Kevin Adiel Mariano, isang sikat na modelo at tourism studen...