Part 104 (Last Part)

162 3 2
                                    

Sa apat na taon ko sa college ay sobrang daming nangyari. Sabi nila sobrang hirap ang buhay ng isang kolehiyo tulad ko, pero ang masasabi ko lang ay hindi naman ganoon kahirap. As long as masaya ka sa course na pinili mo, enjoyin mo lang. Huwag mong isipin na mahirap. Normal lang naman mapagod at mahirapan pero ang hindi normal ay 'yong susuko ka na lang basta-basta.

"Congratulations graduates!" sigaw noong mc kaya sabay-sabay naming inihagis pataas ang mga cap namin.

Nang matapos ang event ay hinanap ko na sina Lorelei at Yallah.

"Lia!" sigaw ni Yallah habang tumatakbo palapit sa akin.

"Congratulations sa atin mga bebelabs! Graduate na rin tayo sa wakas!" Tumatalong sambit ni Lorelei.

Nag-picture taking muna kami bago tuluyang maghiwa-hiwalay. Kasama ko si Kevin ngayon na pupunta sa venue kung saan gaganapin ang celebration party para sa aming dalawa.

Nag-rent kami ng isang private pool dahil iyon ang gusto ni tita.

"Let's go, kanina pa sila naghihintay sa atin." usal niya.

Magkahawak ang kamay naming pumasok sa loob ng venue. At nagulat ako nang magpaputok sila ng confetti at sabay sigaw ng 'Congratulations'.

Nilibot ko ang paningin ko at napangiti ako nang makita sina Miss Yvanilla at co-staff ko, mga kaibigan ni Kevin na sina Hansel, Khalid, at Vincent. Okay na kami ni Vincent at okay na rin sila ni Kevin.

"Congratulations sa inyo, Nalliah. Kasalan na ba next?" Mabilis namang siniko ng Dawn si Jericho.

"Saka na 'yon kapag nalibot na namin buong mundo," nakangiting sambit ko saka sumulyap kay Kevin na kanina pa palang nakatingin sa akin.

Nagitla ako nang bigla ako nitong halikan sa labi. "I love you, Naliya." sambit niya.

Ngumit ako sa kaniya at hinila ang kaniyang kurbata upang mapalapit siya sa akin.

"I love so much, Keben." tugon ko bago siya bigyan ng malalim ngunit malumanay na halik.

-END-

AS#7: Muffin Roll and Soda || An Epistolary Where stories live. Discover now