Matapos kong ma-send 'yon ay kinuha ko na 'yong infinity necklace na binili ko para sa kaniya at saka inabangan na siya.
"Bakit po, ate?" Mabilis kong tinago sa likuran ko 'yong necklace.
"Lapit ka rito," lumapit naman siya. "Ta's pumikit ka,"
Nang masiguro kong nakapikit na siya ay nakangiti kong sinuot sa kaniya 'yong necklace at saka iniharap siya sa salamin.
"Open mo na mata mo," nakita ko kung paano manlaki ang mata niya nang makita ang nasa leeg niya.
"Oh my gosh! Ito 'yong gustong-gusto kong bilhin na necklace!" usal niya habang suot ang malapad na ngiti.
"Thank you so much, ate ko!" aniya at niyakap ako nang mahigpit.
"You're welcome. Tsaka 'yan ang reward ko sa 'yo." sabi ko.
"Sobrang thank you talaga, ate, hindi ko tuloy alam kung paano ako babawi sa 'yo." Nakangusong saad niya.
"Basta pagbutihin mo lang ang pag-aaral mo, kahit iyon na ang pambawi mo." sagot ko.
"Promise po 'yan, ate, mag-aaral po ako nang mabuti." anito saka niyakap pa akong muli bago magpaalam na babalik na sa kuwarto niya.
May naman ngiti sa labi ko nang humiga ako sa kama ko. Gustong-gusto ko talagang nakikita ang ngiti ng mga kapatid ko. Ngiti talaga nila ang pumapawi sa lahat ng pagod ko sa school at sa trabaho.
YOU ARE READING
AS#7: Muffin Roll and Soda || An Epistolary
Novela Juvenil[Completed] --- Nalliah Agustin, isang tourism student na nagtatrabaho sa isang sikat na Café upang may pang gastos siya para sa kaniyang pag-aaral at para makatulong sa kaniyang pamilya. Kevin Adiel Mariano, isang sikat na modelo at tourism studen...