Isinantabi ko muna lahat ng iniisip ko dahil ayaw kong masira ang araw ko ngayon.
"Ate, make a wish before you blow your candle." ani Nisha.
Pinikit ko ang mga mata ko at saka humiling na sana magkaroon ako ng lakas na loob na kausapin si mama at tanggapin siyang muli. Matapos 'yon ay nagmulat na ako saka hinipan na ang kandila.
"Kainan na!" Natawa kaming tatlo nila papa nang sabihin 'yon ni Nash.
"Gutom na gutom ka na ba, ha?" Natatawang tanong sa kaniya ni papa at tumango naman siya.
"O'siya, kain na tayo." sabi ko kaya naman nagkaniya-kaniyang kuha na kami ng pagkain at kumain na.
Pagkatapos naming kumain ay pinauna ko na sila papa na umuwi dahil may dadaanan pa ako.
"Mag-iingat ka, anak," usal ni papa.
"Kayo rin po, Pa." tugon ko.
Sinundan ko muna ng tingin 'yong sinasakyan nilang tricycle at nang hindi ko na ito makita ay lumakad na ako paalis.
Hindi pa ako nakakalayo sa restaurant na pinagkainan namin nang masalubong ko si mama. Tatalikod na sana ako nang mahawakan nito ang braso ko.
"Ano na naman ba?" iritang tanong ko.
"Birthday mo ngayon kaya gusto kong ibigay sa 'yo itong ginawa kong muffin roll," saglit ko namang tinignan ang hawak niya. "Hindi ba at paborito mo ito?" sabi niya habang nilalabas 'yong hawak niya.
Nakatingin lang ako sa kaniya at wala ni isang salita ang binitawan.
"Heto, tikman mo," bago pa man niya maisubo sa akin ay tinabig ko ang kamay niya kaya nahulog 'yong hawak niya.
Nakita ko naman kung paano dumaan ang sakit sa mga mata niya pero hindi ko iyon pinansin.
"Anak..."
"Ano pa ba ang kailangan mo? Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na ayaw kitang makita? Bakit ba ang kulit kulit mo? Hindi ka naman tanga 'di ba?" Mariin akong napapikit nang lumapat ang palad niya sa pisngi ko.
"Ganiyan ka ba pinalaki ng papa mo?!" Garalgal na tanong niya sa akin.
"Huwag mong kuwestyunin kung paano ako pinalaki ni papa. Maayos niya kaming pinalaki, ginawa niya lahat para lang mabuhay niya kami. Ikaw, ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Maayos na ang lahat kaso dumating ka ulit." sabi ko bago siya talikuran.
Ang galing, birthday na birthday ko pero sampal ang nakuha kong regalo mula sa nanay ko.
YOU ARE READING
AS#7: Muffin Roll and Soda || An Epistolary
Roman pour Adolescents[Completed] --- Nalliah Agustin, isang tourism student na nagtatrabaho sa isang sikat na Café upang may pang gastos siya para sa kaniyang pag-aaral at para makatulong sa kaniyang pamilya. Kevin Adiel Mariano, isang sikat na modelo at tourism studen...