Nang ma-dismiss kami ng prof namin ay parang ayaw kong lumabas ng classroom.
"Wala ka bang balak lumabas?" natatawang tanong sa akin ni Jovy.
"Ito na nga, lalabas na." usal ko.
"Kanina pa pala may naghihintay sa 'yo sa labas," sabi niya na ikinataka ko.
Magtatanong na sana ako nang ituro niya ang lalaking nakasandal sa gilid ng pintuan. Likod pa lang ay kilala ko na kung sino kaya naman biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at nang matapos ay lumabas na ako at saka kinalabit siya.
At noong paglingon niya ay parang nag-slow motion ang buong paligid ko. 'Yong pag pikit ng mata niya, pagngiti niya, pati na rin 'yong mga taong dumadaan sa gilid namin. Sabay mo pa itong puso kong hindi maawat sa sobrang bilis ng pagtibok.
Naalala ko 'yong napanood ko dati na kapag kaharap mo raw 'yong gusto mo ay bumabagal ang ikot ng mundo mo at saka bumibilis ng tibok ng puso mo.
Inaamin ko na, matagal ko na rin siyang gusto pero in-denial lang ako. Natatakot kasi ako dati na kapag sinabi ko na may gusto ako sa kaniya ay bigla na lang niya akong iwasan. Kaya naman sobrang saya ko noong umamin siya sa akin na gusto niya rin ako.
"Ayos ka lang?" Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang boses niya.
"A-Ah, o-oo... ayos lang ako hehe," sagot ko. "Tara na," ani ko at nauna na mag lakad.
"Nga pala—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla akong huminto at hinarap siya na sana hindi ko na lang ginawa.
Takte! Naumpog lang naman ako sa dibdib niya. Pero ang bango niya, shit!
Mabilis akong humiwalay sa kaniya at mabilis ding tumalikod. "W-Wala pala, nevermind." sabi ko at nagmamadaling nag lakad.
Tahimik lang ako hanggang sa maihatid na niya ako sa Café.
"Thanks," sabi ko bago bumaba ng kotse.
Maglalakad na ako nang mapahinto ako at agad na kinatok ang bintana niya, binaba naman niya ito at binigyan ako ng nagtatakang tingin.
"About doon sa sasabihin ko kanina..." putol ko, "Gusto rin kita." sabi ko at saka mabilis na pumasok sa loob ng Café.
Malaki ang ngiti ko nang makapasok ako sa loob kaya naman inulan ako ng pang-aasar ng mga ka-trabaho ko.
Finally, nasabi ko rin sa kaniya. Ang sarap pala sa feeling.
YOU ARE READING
AS#7: Muffin Roll and Soda || An Epistolary
Teen Fiction[Completed] --- Nalliah Agustin, isang tourism student na nagtatrabaho sa isang sikat na Café upang may pang gastos siya para sa kaniyang pag-aaral at para makatulong sa kaniyang pamilya. Kevin Adiel Mariano, isang sikat na modelo at tourism studen...