Kevin's Pov
Matagal ko nang kakilala si Nalliah, simula bata pa lang ay siya na ang kasa-kasama ko. Habang tumatanda kami ay nararamdaman kong hindi lang bilang isang kaibigan ang tingin ko sa kaniya.
Hanggang sa makatuntong kami ng college, hindi ko gusto ang course na kinuha ko dahil pag-mo-modelo talaga ang gusto ko simula bata pa lamang ako. Pero noong malaman ko na iyon ang gusto ni Nalliah ay no choice ako kundi 'yon na lang din ang kunin ko. Nasabi rin kasi niya sa akin na gusto niyang malibot ang buong mundo kaya gusto ko ako ang kasama niyang gagawa no'n.
Pero kahit na nag-aaral ako ay sinubukan ko pa ring pumasok sa pag-mo-model, and luckily nakaya ko naman pagsabayin 'yong dalawa dahil na rin sa tulong ni Nalliah. Siya ang tumutulong sa akin upang makahabol ako sa mga na-miss kong discussions.
At habang tumatagal ay unti-unti kong nagagamay ang sitwasyon ko. Nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan at iyon ay sina, Khalid, Hansel, at Vincent. Sila ang kasundo ko sa kalokohan.
Wala dapat akong balak ipakilala ang isa sa kanila kay Nalliah kaso iba talaga maglaro si tadhana. Habang pa-uwi kami ni Nalliah ay nakasabay namin sa bus si Vincent kaya wala akong choice kundi ipakilala sila sa isa't-isa.
Natatakot akong ipakilala si Nalliah sa kanila dahil baka isa sa kanila ang magka-gusto sa kaniya. At dumating na nga ang kinakatakot ko, noong nagpunta kami sa Café na pinagtatrabahuhan ni Nalliah. Sa totoo lang, ako lang dapat mag-isa ang pupunta kasi nagpumilit silang tatlo.
At noong parehas na kaming naka-uwi ay nag-chat sa akin si Vincent at inamin niya sa akin na gusto nga raw niya si Nalliah. Gusto kong manapak ng kaibigan noong araw na 'yon eh.
Hanggang sa dumating 'yong araw na malaman kong nililigawan na niya si Nalliah. Sinisi ko ang sarili ko sa pagiging torpe at pagiging duwag. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Nangyari na eh. Dinistansya ko ang sarili ko kay Nalliah kahit na labag sa loob kong gawin 'yon.
At noong isang araw na makita ko ang tweet ni Nalliah ay agad kong chinat si Vincent. Sobrang gago niya para ipagpalit si Nalliah sa pesteng mana na 'yon. Gusto ko siyang bugbugin at pahirapan para sa ginawa niya kay Nalliah pero isiniwalang bahala ko na lang 'yon. Mas nag-focus na lang ako para sa gagawin kong pag-amin kay Nalliah. Wala na akong paki kung masira man ang pagiging magkaibigan namin basta masabi ko sa kaniya itong matagal ko nang nararamdaman para sa kaniya.
Binigyan ko muna ang sarili ko ng isang linggo para umamin dahil kung aamin ako agad baka maging kumplikado ang lahat. At saka ayoko rin siyang biglain.
Dumating na ang araw na hinihintay ko. Hindi ko kayang umamin sa personal kaya sa chat ko sinabi ang nararamdaman ko. At inaamin ko, ang tanga ko sa part na 'yon.
Tinanong ko siya kung pwede ko siyang ihatid sa trabaho niya at pumayag naman siya. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako pero bahala na bukas.
YOU ARE READING
AS#7: Muffin Roll and Soda || An Epistolary
Novela Juvenil[Completed] --- Nalliah Agustin, isang tourism student na nagtatrabaho sa isang sikat na Café upang may pang gastos siya para sa kaniyang pag-aaral at para makatulong sa kaniyang pamilya. Kevin Adiel Mariano, isang sikat na modelo at tourism studen...