📍 CHAPTER 08 📍
"Saan kaba pupunta anika?". Tanong ni ethan habang sa daan siya nakatotok.
"Sa sementeryo, dadalawin ko lang si lola't lolo". Nakangiting ani ko.
Ilang minuto ay dumating narin kame, Bago kame dito pumunta ay bumili muna ako ng Bulaklak para sa kanila lolo't lola.
I missed them both.
Umupo ako sa tabi nila at inilagay ang bulaklak sa tabi nila.
"Hi lo, Hi la. Musta na po kayo?". Pag kausap ko kahit wala na sila.
"Miss na miss ko na po kayong dalawa. Bakit po ang bilis nyong mawala, ni hindi nyo ko nakitang naka graduate ng elementarya". Nakangiting ani ko.
"Nga po pala Lolo, Lola. Si ethan alam ko pong kilala nyo siya. Siya yung kaibigan ko na kinukwento ko sa inyo noon". Saad ko sabay hila kay ethan para umupo sa tabi ko.
"Hello po". Ani ni ethan.
"Teka, kinuwento mo ko sa kanila?". Takang tanong ni ethan.
"Oo, yun yung nawawala ako at ikaw ang nakahanap sakin noon. Nga pala nagpapasalamat sila sayo". Nakangiting ani ko.
"Haha, Nukaba wala yun". Muli ko naman tinignan ang puntod ng dalawa.
Matapos ang dalawang oras ay naisipan ko ng umuwi dahil pagod na ko.
Nakatulog ako habang nasa biyahe, at sinabi ko narin kay ethan ang adress ko dahil sigurado akong wala pa si yuhan.
Nagising nalang ako ng may tumutusok sa pisnge ko.
"Nandito na tayo". Ani nya kaya kinukoskos ko muna ang aking mga mata bago ko nilingon ang paligid.
Gabi na pala, mukhang na traffic kaya nagabihan.
"Salamat sa paghatid mo sakin ethan". Tumango tango naman ito at bumaba na ko dala ang box na laman ay gown.
Kinaywayan ko pa si ethan ng makaalis na ito ay pumasok na ko sa loob pero bago yun ay palinga-linga ako at buti ay wala ang sasakyan ni yuhan. Siguradong nandoon siya sa MAHAL nya.
Itutusok ko na sana ang susi sa pinto ng bumukas ito na ikinalaki ng mata ko.
"Y-yuhan". Ani ko at siya naman ay nag crossarms.
"Saan ka galing? Ba't ginabihan ka?". Seryosong sabi nya.
Pumasok muna ako sa loob bago ko inilagay sa mesa ang sling bag at yung box ko.
"Pumunta lang kame sa puntod nila lola at lolo". Ani ko.
"Really?. O baka naman...". Hindi ko na siya pinatuloy dahil alam ko na ang sasabihin nya.
"Hindi ako nakipag landian sa kanya yuhan. Sinabi ko na diba dinalaw lang namin sila lola. Anong masama doon? Ginabihan din ako dahil traffic ano? Sasabihin mo na namang malandi ako, Pwese wag mo kong igaya sayo. May asawa kana nga nakikipag landian ka naman". Ani ko sakanya sabay dala ng mga gamit at umakyat saka nako pumasok sa kwarto ko.
Nabitawan ko lahat ng mga hawak ko at napaupo sa sahig saka na naman ako umiyak.
"Ganon ba talaga ang tingin nya sakin. Isang malanding babae sa paningin nya". Ani ko sa aking sarili.
Tumayo ako at humiga sa kama saka ko binuhos doon ang aking luha.
K I N A B U K A S A N - maaga akong nagising dahil lagi naman ako maaga nagigising e.
Bumaba muna ako para kumuwa ng tubig dahil uhaw na ko dahil narin yata sa pag-iyak sa pesteng animala nayun.
Habang umiinom ako narinig ko ang mga yapak pababa ng hagdan walang iba kundi si Yuhan.
"Mag palit kana". Ani nito sakin.
Nilingon ko naman siya na ikinakunot ng noo ko.
"At saan?".
"Dadalaw tayo kila mom at dad, Dalihan mo". Tumango tango naman ako at umakyat na.
Matapos ang ilang minuto ay sinuot ko na ang dress na kulay Gray at black na sandals.
Bumaba na ko at nakita ko si yuhan na nag cecellphone.
"Buti at bumaba kana akala ko hindi kana bababa". Ani nito sakin at nauna ng lumabas.
Nagwala muna ako ng malalim na hininga bago ako sumunod sa kanya.
Pangalawang pagkasakay ko sa kanyang kotse.
Walang himikan habang nag bibiyahe.
Biglang nag ring ang phone ko kaya agad ko itong kinuwa.
[ Good morning! ]. At may emojing sun.
Nireplayan ko naman siya ng Too at saka ko na ito ibinalik sa bag.
Mukhamg hanggang dito na talaga kame.
BINABASA MO ANG
THE SSG PRESIDENT IS MY SECRET HUSBAND
Non-Fiction📍 PROLUGE 📍 "Congrats iha". My husband's mother. "Thank you po tita". Sabay beso ko sa kanya. "Congrats iha". My husband's father. "Thank you po tito". Sabay beso ko rin sa kanya. "I'm happy for you two ". Ani ni mom. Pilit akong ngumiti sa kanila...