Part 17

753 13 0
                                    

📍 CHAPTER 17 📍

Anika POV

Matapos ang pag-uusap namin ni pia ay dumiretso na kame sa room.

Mamaya kase isasama nya ako sa bahay nila at ganon din si lyka para wala na daw siyang itatagong sikreto sa'amin at ganon din ako mamaya sasabihin ko narin kay lyka ang totoo. Baka kase mag tampo yun.

"Our lesson today is about the earth. What will we see on earth? ".

Matapos ang mahabang lesson ay nag recess na kame. Kasama ko ngayon ang dalawa kong kaibigan ng may tumawag sa akin.

"Anika!". Kaya agad ko itong nilingon.

Si Yuhan, Ethan at ella, si ella ang tumawag sa akin kaya nagulat ako.

"Come with us ". Ella.

"H-hindi na...ayos lang". Nakangiting ani ko.

"Anika, halika dito. Tabi tayo". Ani naman ni ethan sabay turo sa bakanting upuan na katabi nya.

"Go na, sige ka baka anong gawin nya sa asawa mo". Bulong sakin ni pia kaya agad ko itong siniko.

Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa kanila at umupo.

Nilingon ko muna sila pia't lyka na ngayon ay pumunta sila sa bakanting table.

Agad naman nagtama ang mata namin ni yuhan na seryoso siyang nakatingin sa akin kaya ako na mismo ang nag-iwas.

"Sa nga pala. Malapit na yung anniversary ng SU. Sa tingin ko maganda tayo doon anika". Agad ko naman nilingon si anika na nakahawak sa braso ni yuhan.

Nginitian ko na lamang siya para sa ganon ay may maisagot ako sa kanya.

"Hindi ka kakain?". Tanong sa akin ni ethan kaya agad ko siyang nilingon.

"Mag-oorder pa lang ako sige...". Tatayo na sana ako ng paupoin ulit ako ni ethan kaya taka ko siyang tinignan.

"Jan ka lang, ako na ang mag-oorder. Alam ko ang gusto mo". Nakangiting ani nya bago umalis sa tabi ko.

"Ang sweet nyong dalawa ng kuya ko". Ella.

"Huh? Ah, hindi".

"Anong hindi, come-on girl. Alam kong gusto ka ni kuya diba beeb". Ani nya kay yuhan kaya hindi na ito sumagot.

Matapos ang ilang minuto ay dumating na si ethan na may dalang pagkain kaya agad ko itong kinuwa at nagpasalamat na din.

"Beeb, Kiss mo ko". Napahinto ako sa paglamon dahil sa sinabi ni ella kaya hinarapan ko silang dalawa na ngayon ay walang ka emosyon si yuhan.

"Beeb, please". Pagsusumamo ni ella.

Ang mas ikinagulat ko na si Yuhan na mismo ang humalik kay ella sa harapan ko/namin mismo.

Para akong tinusok ng bilyong karayom dahil sa nakita ko.

D*mn hindi na ba nahiya si yuhan na nasa harapan nya ang asawa nya.

Akala ko totoo ang mga sinasabi nya, yun pala hindi.

Agad akong tumayo kaya natigilan ang dalawa at lumingon sila pareho sa akin.

"Saan ka pupunta?". Ethan.

"May gagawin pa kase ako, sige mauna na ako". Ani ko at iniwan silang tatlo doon.

Agad akong pumunta sa CR at ni lock yun at ibinuhos na ang luha na dapat ay kanina pa.

"B-bweset ka y-yuhan. H-hindi mo man lang i-iniisip a-ang p-pakiramdam k-ko. H-how d-dare you". Nauutal kong ani dahil sumisikip na naman ang dibdib ko.

Hindi na ako makahinga dahil inatake na naman ako ng asthma kaya agad kong hinawakan ang bulsa ko para kunin ang oxygen pero wala dahil naiwan ko yata ito sa bag.

Agad akong lumabas at dahan-dahan lumabas para bumalik sa room dahil kunti nalang ay mawawalan na ako ng malay.

"P-pia, l-lyka. T-tulong". Nanghihinang sagot ko.

Hindi ko na nakayanan kaya agad akong natumba sa sahig at nawalan ng malay pero bago iyun ay may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Anika!".

THE SSG PRESIDENT IS MY SECRET HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon