part 10

833 21 0
                                    

📍 CHAPTER 10 📍

Andito kame ngayon sa coffee shop gusto daw kase magkape ni ate yva. Kaya kinuwa ko yung phone ko sa bag at inopen ang instagram account ko.

@AnikaCelson - Name ng Instagram ko.

Nang mabuksan ko ito ay bumungad sa kin ang litrato ko kasama si....Ella.

@EllaB - Account nya.

🌼With Anika🌼

Madaming nag lake sa kanya umabot ng 4k ng isang araw.

Ganto ba talaga siya ka famous, samantala ako nasa 1k nga lang e.

Binasa ko yung mga comments kaya napangiti ako.

"Wow ang cute nila".

"Ang ganda".

"Sana all, kasama si Top".

"Mukha silang magkapatid".

"They are nice to look at. I hope it's always like this, with the Queen and Top of Sol university ".

Hindi ko lahat natapos ang mga comments ng magsalita si ate yva.

"Let's go". Tumango naman ako at inilagay muli ang cellphone sa bag.

Matapos ang biyahe ay nandito na kame ngayon sa mansion nila, gabi nadin.

"Anjan na pala sila". Ani ni tita.

"Bakit kayo natagalan?". Yuhan.

"Ano ka ba, of course nag pasyal lang kameng dalawa ni anika. Ikaw talaga lilbro". Nakangiting ani ni ate yva.

"Tsk, Uuwi  na po kame mom, dad". Yuhan.

"Teka anak, Mas mabuting dito na muna kayo. Bukas nalang kayong umuwi sige na". Pagmamakaawa ni tita.

"May pasok pa po kame bukas". Yuhan.

"Pagbigyan mo na sana kame yuhan'nak". Ani naman ni tito.

Kaya walang nagawa si yuhan kundi ang pumayag. At magkasama ulit kame matutulog sa iisang kama.

Pinahiram ako ni ate yva ng pampatulog kaya pumayag na ko.

Ganon pa din ang nangyari noong bagong kasal pa lamang kame ni yuhan, may unan sa gitna.

Huminga muna ako ng malalim bago ako matulog.

-Dream-

"Sinira mo ang tiwala sa akin nila mama't papa. Ng dahil sayo!". Sigaw ng batang babae sa batang babaenv nakaupo at umiiyak.

"A-ate h-hindi p-po".

"Lumayas ka! Sana mawala ka na lang. Malas ka sa buhay namin! Malas ka sa buhay ko!". Muling sigaw nito sa kanyang kapatid.

Hinawakan nya sa braso ang bata at kinaladkad ito papalayo.

Sobrang dilim sila lang dalawa ang nakikita ko.

Bigla nawala ang ate at naiwan ang batang umiiyak habang hawak hawak ang teddy bear.

"A-ate n-nasan ka, w-wag mo kong i-iwan". Nauutal na ani ng bata.

Biglang may lumapit sa kanyang matanda na nakasuot ng pure black na damit.

"Bata nawawala ka ba". Saad ng matanda.

"O-opo". Hindi pa din tumitigil sa pag-iyak ang bata kaya binigyan siya ng lollipop.

"Halika, ihahatid kita". Hinawakan nya naman ang kamay ng bata at umalis na sila papalayo.

Bigla akong nagising dahil sa may nagsasalita.

"Anika! Anika! Anika!!!". Agad ko naman naibuklat ang aking mga mata ng may sumigaw sa aking pangalan.

Nakita ko na lamang si yuhan na nag-alalang nakatingin sakin.

Kaya dahan dahan akong umupo at nilingon siya.

Hinahabol ko ang aking hininga dahil sa di malamang dahilan.

Anong meron sa panaginip na yun at lagi yun ang nakikita ko kapag tulog ako.

"You alright?". Nilingon ko naman si Yuhan.

"O-oo, a-ano bang nangyari?". Hindi nya ako sinagut at hinawakan nya ang aking pisnge kaya hinawakan ko rin ang pisnge ko.

Umiiyaka ko?

"Nagsasalita ka na tulog at umiiyak". Tinignan ko naman siya.

"H-huh?".

"Sagutin mo ko, matagal ka na bang nagkakaganyan". Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumango.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi?".

"Ba't ko naman sayo sasabihin. Walang tayo diba? Sarili ko na'to". Ani ko at hihiga na sana ako ng yakapin nya ako na ikinagulat ko.

THE SSG PRESIDENT IS MY SECRET HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon