PART 15

801 15 0
                                    

📍 CHAPTER 15 📍

Matapos ang laro ay nagpalit na ulit ako ng uniform at umalis na sa court saka na ko pumunta ng cafeteria.

Bumili ako ng tubig at burgers.

Nilamon ko ito ng matapos kung kumain ay bumalik na ko sa room.

Buti at wala ang next subject namin sabi kase ng isa kong kaklase may pinuntahan ito kaya wala kameng pasok sa Subject nya.

Umupo ako sa tabi ni lyka kaya agad itong napalingon sa akin saka ko siya nginitian.

"Kamusta ang laro?".

"Ayos naman ako, si pia nasan?".

"Kausap nya si tanner. May dapat daw silang pag-usapan".

"Talaga?". Tumango tango naman ito.

Ilang sandali ay dumating na si Pia na namamaga ang mga mata, mukhang kagagaling nya lang sa pag-iyak.

"Hey, are you okay?". Alalang tanong ko.

"Y-yeah I'm fine". Ngumiti ito ng peke dahil alam ko.

"Bakit ka umiiyak bespren?". Lyka.

"Wala, ano kase...nalaman ko kase sa isa kong kaibigan na namatay daw yung mama nya".

Tinignan ko siya ng mabuti at alam kong nagsisinungaling siya.

May dapat ba akong malaman, May Relation ba kayo ni Tanner?.

Bigla ako napabalik sa ulirat ng tawagin ako ng isa kong kaklase.

"Ms.Celson, Pinapatawag kayo ni President". Tumango naman ako at tumayo.

"Teka, napapansin ko lang na lagi ka nya pinapatawag. Sabihin mo nga sakin ang totoo, pinaparusahan ka ba nya?". Lyka.

"Hindi ano ba kayo, wala'to. Sige una na'ko". Nakangiting ani ko.

Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan at sinara muli iyon.

"Pinapatawag mo daw ako". May inilagay siya sa mesa na panggamit ko sa asthma kaya nagulat ako.

"Tell me, sayo ba yan?". Nakagat labi na lamang ako dahil di ko alam kong anong sasabihin ko.

Paktay...

"Tell me Ms. Anika Celson!". Kinakabahan ako dahil mukhang galit siya.

Kaya dahan dahan akong tumango.

"Noong una araw-araw binabangongot ka, Ngayon naman nalaman kong may asthma ka pala. Tell me, Ano pa ang tinatago mo sa akin?".

"W-wala". Napayuko ako dahil di ko alam kong anong sasabihin ko.

"Hindi mo sa akin sinabi na sumali ka sa Volleyball". Napaangat naman ako ng ulo dahil sa sinabi nya.

"H-huh?".

"Simula sa araw na'to, hindi kana sasali sa volleyball".

"Teka yuhan, hindi pwede...".

"Gusto mo ba lumala yang asthma mo Anika!". Napaatras ako ng isang metro.

"Ang teacher mo ang nagbigay sa akin nito. At siya narin ang nagsabi na hindi kana sasali, kaya wag ka ng makulit. Bilang President at ASAWA mo. Susundin mo ko, maliwanag ba!". napatango naman ako kaagad.

Naramdaman ko nalang na papalapit siya saking gawi at niyakap.

"I'm sorry, inaalala ko lang ang kalagayan mo. Next time, you have nothing to keep a secret from me. Is that clear? ”.

"Oo, sorry". Napangiti naman ako dahil hinalikan nya ako sa nuo.

"Be careful ". Muli na naman akong tumango at nagpaalam na sakanya para bumalik sa room ko.

Third Person POV

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay may nakarinig sa kanila. at agad itong tumakbo dahil hindi nya nakayanan ang nalaman nya tungkol kay yuhan at Anika.

Pia POV

Hello, kilala nyo na ako diba hehe.

So yun nga, nag-usap kame ni tanner at pumunta sa garden.

Gusto nya raw akong makausap kaya pumayag na din ako at may dapat din akong sabihin sa kanya.

"Kamusta ka?". Ani nya sakin.

"Okay naman".

"Pasensya na".

"Ano kaba wala yun". Nakangiting ani ko pero sa kaloob looban ko ay nasasaktan ako.

"Kamusta na pala kayo ni Jilly?".

"Okay naman". Ngumiti ulit ako ng peke.

Paano ko sasabihin sa kanya na may anak siya sa akin.

Naging kame ng 2 years at may nangyari sa amin sa Thailand yun yung Anniversary namin at nagpakalasing kameng dalawa.

Sa kasamaang palad nalaman ko na lang na may nauna na pala sa akin at may fiance na pala ito.

Kaya ako na mismo ang nakipag break sa kanya at bumalik sa pilipinas.

Mga ilang buwan ay iba na ang aking pakiramdam, nagsusuka nahihilo at ayaw ko sa lahat ng paborito ko.

Kaya napag-isipan kong mag PA hospital baka kase tama ang inala ko.

And yeah, Buntis ako ng three months. Sobrang tuwa ko dahil magiging nanay na ako pero may halong sakit dahil hindi ko mabibigyan ng tatay ang magiging anak ko.

Nanganak ako ng isang taon at walang nakakaalam pati sila anika at lyka ay Hindi nila alam na may anak

Pero kahit ganon pa man ay gagawin ko ang lahat kahit wala siyang anak ako.

Ang kasama ng anak ko ay si Manang Loli, buti nalang at hindi dumedede sa akin si baby tairon, baka kase hindi ako makapasok.

THE SSG PRESIDENT IS MY SECRET HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon