part 12

802 23 0
                                    

📍 CHAPTER 12 📍

"Oh, Bespren. Anong ginawa sayo ni President?". Lyka.

"W-wala lang, Kinausap nya lang ako dahil sa late ako". Paglihim ko.

"Talaga? Akala ko kase paparusahan ka nya". Pia.

"Sa nga pala, Congrats. Swerte ka nakapag picture ka kay Ms. Bautista na kapatid ni ethan. Kyaahhh...Sana all". Ani ni lyka sabay palo kay pia.

"Gusto mo ng kamao kanina kapa palo ng palo sa akin ah". Naiiritang ani ni pia.

"Sorry, Kase naman e. Nagseselos ako". Naka pout na ani nya.

"Paano nga pala kayo nagkita ni ella sa Mall". Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko alam ang isasagot.

"Kasama ba si President?". Ani naman ni lyka.

"H-huh, O-oo". Nauutal na ani ko.

"Talaga? Sino kasama mo?". Pia.

"Ba't andami nyong sinasabi, tara na".

"Hindi kame aalis hangga't hindi mo nasasgot ang tanong namin sayo".

"Okay fine. Si ethan ang kasama ko, Nagyaya siyang magmall para bumili ng tuxedo para sa magaganap na anniversary ng SU. Ini-advance nya at ganon din ako. H-hindi ko naman alam na kasama namin yung dalawa". Nahulog pa sa upuan si lyka kaya agad itong tinulongan ni pia.

"Talaga? Kyaahhhh...ang swerte mo talaga  bespren". Sabay palo sa akin ni lyka.

"So nasagot kana ang tanong nyo. Pwede na ba tayong lumabas". Tumango naman ang dalawa kaya lumabas na kame.

Kaso may humarang ng kamay.

Wala iba kundi si ethan.

"Ba't hindi mo sinagot ang tawag ko?".

"Pasensya na, Kase busy ako".

"Talaga? Halikana, kumain na tayong apat".

"Teka...".

"Game/Okay". Ani ng dalawa kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag.

So ayun nga, katabi ko si ethan.

Satsat na siyang satsat e hindi naman ako nakikinig. Corny ng lalaking'to. Sobrang layo nila ni ella.

"So ayun nga HAHAHA. Nakakatawa HAHAHA". Sinamaan ko ng tingin si ethan dahil kanina pa ito na tawa ng tawa e wala naman nakakatawa.

"HAHAHA". napatingin naman ako sa dalawa na nakahawak sa kani-kanilang tiyan.

Baliw na yata'tong mga kasama ko.

"Ang saya nyo yata". Napalingon naman ako sa nagsalita.

Nanlaki ang mata ko ng masilayan ko si Yuhan at ella.

"Kuya". Nakangiting ani ni ella.

"Oh, lilsis".

"Anong tinatawatawa ninyo?". Tanong ni yuhan bakas doon ang giit sa pagsabi.

"W-wala President". Nauutal na ani ng dalawa sa harapan ko.

"H-huh, Anika! Aalis na kame. May kailangan pa kameng kunin sa library". Pia.

"Inutusan kase kame, kaya kailangan. Babye!". Magsasalita na sana ako ng kumaripas sila ng takbo.

Kaya eto apat kame, Kaharap ko si Yuhan at kaharap naman ni ethan si Ella.

"Alam nyo, Bagay na bagay kayong dalawa ni anika". Nakangiting ani ni ella sabay turo sa amin.

"Tsk, Hindi naman". Mahinang usal ni yuhan sapat na para hindi naming marinig.

"May sinabi ka beeb?". Ella.

"Wala". Yuhan.

"Sa nga pala Anika. Ako ang magiging partner mo sa anniversary ng SU". Nakangiting ani ni Ethan sa akin.

"Haha, hindi pa ako nakakapag decision ethan". Kunwaring tawa ko.

"Basta ako ang magiging partner mo, Walang iba kundi ako lang". Sabay turo nya sa kanyang sarili.

Tumango tango naman ako at humarap sa kanila na masama ang tingin sa akin ni Yuhan.

Kaya umiwas ako ng tingin at tumayo.

"Mag CcR lang ako". Tumango naman si ella at ethan kaya ako naglakad na papalyo.

Susmaryosep, Ano bang nangyayari?

Love triangle ba'to o baka nilalaro mo lang kame tadhana. Packshet ka.

Kung tao kalang edi sana kanina pa kita sinabunutan.

Arghhh...i hate you so much.

A/N: HANGGANG DITO MUNA GUYS. BUKAS NA NAMAN, GOODNIGHT 🌃❤️

THE SSG PRESIDENT IS MY SECRET HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon