part 16

759 15 0
                                    

📍 CHAPTER 16 📍

Matapos ang limang oras ay umuwi na ako, Nag paalam na ko kila lyka't Anika. Dahil kailangan na talaga ako ng anak ko dahil tinawagan ako ni Manang loli na kanina pa daw umiiyak si Tairon.

Agad akong sumakay tricycle at medyo traffic.

Matapos ang ilang minuto ay dumating narin ako sa maliit na bahay.

"Andito na po ako!". Sigaw ko at agad kong ibinaba ang bag saka na ako pumunta sa itaas.

"Manang! Anong nangyari sa kanya?". Alalang tanong ko.

"Hindi ko alama iha, kanina pa kase yan umiiyak e".

"Ilang oras o minuto po?".

"H-hindi ko alam, basta matagal siyang umiiyak".

Agad kong pina dede si tairon at umupo muna sa kama.

Sobrang hirap maging dalagang ina, Hindi mo masyado mabantayan ang anak dahil nasa skwela ka nag-aaral.

"Pasensya na po manang, kung pati kayo napapagod na din".

"Ano kaba okay lang sakin".

"Salamat po". Nakangiting ani ko.

Lumabas muna saglit si manang para ipaghanda ako ng makakain.

Buti at nakatulog na si tairon kaya dahan dahan ko siyang iniga.

"I love you anak, sorry kung hindi ko sinabi kay papa ah. I'm sorry anak, sana mahintindihan mo ko". Ani ko sa aking anak bago siya hinalikan sa noo.

Matapos iyon ay agad na akong nag half bath dahil pawis na ako.

Nagsuot ako ng sando at pantulog.

Bumaba na ako para kumain, sinabayan na din ako ni manang.

"Alam ba ng ama ni tairon na may anak siya sayo?".

"Hindi po".

"Akala ko ba sasabihin muna sa kanya".

"Sasabihin ko dapat sa kanya, kaso ayo ko naman siraan ang buhay nya". Nakayukong ani ko kay manang.

"Iha, makinig ka. Kapag lumaki na si tairon. Siguradong magtatanong siya sa kanyang ama".

"Alam ko po yun manang".

"Mapaglarong tadhana, naging mag kaklase pa kayo sa iisang bobong ng pinapasukan mo".

"Hehe, bahala na po kong anong mangyari. Basta ang akin lang ay maalagaan ko si tairon".

"Napaka buti mong ina kahit napaka bata mo pa". Ngumiti naman ako sabay subo ng pagkain.

"Sa mga kaibigan mo. Kailan mo sasabihin sa kanila ang totoo?".

"Hahanap po ako ng tyempo". Tumango tango naman siya at kumain na din.

Matapos iyon ay bumalik na ako sa kwarto saka na humiga at niyakap ang anak.

K I N A B U K A S A N - muli na naman akong nagising at naligo nang maaga.

May pasok ako ngayon, at buti ay tulog pa ang anak ko.

Hinalikan ko muna siya sa noo bago bumaba. Nagpaalam na ko kay manang na papasok na ako sa SU.

Matapos ang byahe ay nakarating narin ako sa wakas.

"Pia!".

"Huh? Anika!". Nakangiting sabi ko at lumapit sa kanya.

"Pwede ba tayong mag-usap". Tumango naman ako at dumiritso sa garden.

"Ano yung pag-uusapan natin?". Tanong ko.

"Sabihin mo nga sakin, kaano-ano mo si tanner?". Nanlaki naman ang mata ko dahil sa tanong nya.

"W-wala, k-kaklase ko lang".

"Sigurado ka, mukhang hindi. Tell me Pia. Dahil kaibigan mo ko". Mahinhin na ani nya sa akin.

"Kapag ba sinabi ko sayo. Hindi mo ko lalayuan". Kumunot naman ang noo nya pero ilang sigundo din ay pumayag.

"A-ano kase...Ex-boyfriend ko si tanner". Nanlaki naman ang mata nito ng sabihin ko yun.

"Naging kame ng 2 years pero nawala din yun bigla dahil sa nalaman kong may fiance na daw'to". Nakayukong ani ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"Pero ng isang taon, buntis ako".

"What???". Gulat na sagot nya.

"Kaya hindi ako nakipag kita sa inyo ni lyka. Dahil nagdadalang tao ako at nagkunwari akong nasa ibang bansa. Pero ang totoo nyan ay nandito ako sa pilipinas nagtatago".

"P-pero bakit hindi mo sinabi sa amin?".

"Baka pagdirihan nyo ako". Muli na naman pumatak ang aking luha.

"Pia, kaibigan mo kame. Hindi ka namin pagdidirian kong nauna kang nabuntis. Ayos lang sa amin yun". Iniangat ko naman ang aking mukha at tinignan siya ng mabuti.

"Mahal ka namin pia. Ngayon sinabi mo na samin ang totoo, wala ka ng tinatagong sikreto samin".

"A-anika".

"Ang totoo nyan, nagseselos nga ako sayo e".

"Huh?".

"Mas nauna kang manganak sakin e".

"Haha, bakit may karelasion kana ba?". Natatawang ani ko.

"Yup". Naging seryoso naman ang mukha ko dahil sa sinagot nya.

"Aaminin ko sayo, hindi lang boyfriend kundi Asawa". Ako naman itong nanlaki ang mata.

"Huh? Asawa? May asawa ka?". Tumango tango naman ito at nagkabit balikat pa.

"Ang SSG PRESIDENT si Yuhan Dawnson. Siya ang Asawa ko". Nalaglag panga naman ako dahil sa narinig ko.

Kaya pala minsan siya pinapatawag ni Pres. Dahil asawa nya pala si anika.

"Kaya saatin lang yun okay". Ani nya.

"Pero paano si lyka?".

"Sasabihin din natin sa kanya ang totoo. Pero sa tamang panahon". Nakangiting ani nya saka ko siya niyakap.

Napaka swerte ko dahil may kaibigan akong kagaya ni anika.

THE SSG PRESIDENT IS MY SECRET HUSBAND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon