Chapter 6: How To Run From The Mess You Made

2 0 0
                                    

ALEXANDRIA EVANGELISTA (IN ALEXANDER LAVIGNE'S BODY)

What the freaking hell...

"Alex? What do you mean?" tumingin sakin ang Mom n'ya at bumalik ang tingin sa kanya. You're my son's girlfriend?"

"No, Ma'am. My name is Alex also. And yes, I'm your son's girlfriend."

Hindi na 'ko nakapagsalita dahil dare-daretso na si Xan. I don't even know kung may lakas akong makisali sa usapan nila. Sobrang casual ng pakikipag-usap ni Xan sa parents n'ya na parang matagal na talaga silang magkakakilala.

"Your parents also named you Alex?" Sa wakas ay nagsalita na rin ang Dad ni Xan. Medyo nagulat yata s'ya kaya ngayon lang nakapagreact.

"I'm Alexandria Evangelista." Pakilala ni Xan gamit ang pangalan ko at saka nagkipagkamay sa parents n'ya. Ngumiti si Xan at tumingin sakin. "Never thought that I would date with an Alex, too."

Heat started to creep in my cheeks. Am I blushing? No? Maybe? What the heck!

"Alex, are you blushing?" tanong sakin ng Mom ni Xan.

"NO!" malakas na sabi ko at napatingin silang lahat sakin. "Why would I blush? Am I blushing? I am not! What are you talking about?"

"Why so defensive? It was a harmless question." Xan teasingly smiled at me. "Hindi mo naman kailangang sumagot."

Tumikhim ako para mawala ang tensyon. Xan's Mom looked at me and messed my hair. "Ang Alex namin, big boy na!"

Natawa naman ang Dad n'ya at ginulo rin ang buhok ko. Naiinis ko namang inayos nang bigla na lang ikinawit ni Mom ang braso sa braso ni Xan. "Dito ka na kumain, hija. Ano bang favorite mo?"

Paranoid naman akong tumingin sa kanya dahil hindi ko alam ang gagawin. Hinila s'ya ng Mom n'ya papuntang dining room habang nakasunod lang kami ni Dad sa likod nila. Kinalabit naman ako ng Dad n'ya at sinabihan akong sumunod ako sa kanya.

Nagpunta kami sa isang bakanteng kwarto na sa tingin ko ay office n'ya. Tinungo n'ya ang mesa at sumandal sa mesa.

"Who is she?" panimula n'ya.

"She's my girlfriend—"

"I know she's not." putol n'ya sa sasabihin ko. He crossed his arms and stared straight into my eyes. "Stop pretending to me, Alexander. Alam kong may iba kang nobya dahil nakita kitang nakikipaghalikan noong nakaraan!"

Yeah, Dad. Fucking Alexander Wyatt.

"D-Dad—"

"Break up with her. Or kung sino man ang hindi mo naman talaga girlfriend! You thought we were not aware sa mga kalokohan mo?"

Napalunok ako. Bakit ako ang napapagalitan sa kasalanang hindi ko naman ginawa?

He stood up straight and placed his hands to the pockets of his pants. "Quit playing petty games, Alex. Hindi ka na bata. Be responsible enough with your actions. Focus on your studies instead of dating different girls. Stop drinking and making your Mom worried, okay?"

Tumango na lang ako at iniwan naman n'ya ako sa loob. Bumuntong-hininga ako at lumabas na rin ng kwarto.

Naabutan ko si Mom na nilalagyan si Xan ng pagkain. Halata namang tuwang-tuwa s'ya.

Nagtama ang mga mata namin ni Xan kaya pilit akong ngumiti sa kanya. Nalipat ang tingin n'ya sa Dad n'ya at napapikit nang mariin.

"You okay?" she mouthed.

Ngumiti lang ako at hindi na sumagot.

This day has been so long already...



ALEXANDER LAVIGNE (IN ALEXANDRIA EVANGELISTA'S BODY)

She didn't answer. Something was up.

Nagpatuloy ang pag-uusap namin. It was just actually Mom and I. Hindi na nagsasalita si Dria at si Dad naman ay minsan lang sumisingit sa usapan. We talked about things. My life, my family, our 'relationship'.

"I think I should go home..." paalam ko sa Mom ko. She looked at me sadly.

Tumango na lang ako sa kanilang dalawa at paalis na sana nung pigilan ako ng Mom ko.

"Wait! Alex, ihatid mo na lang s'ya sa labasan." utos n'ya kay Dria.

I glanced at Dria. He didn't say anything pero naglakad naman palapit sakin.

"Sige po, mauna na po ako."

Lumabas na kami ng bahay at naglakad palabas na ng bahay. Tinignan ko ang wrist watch ko at nakitang 7:30 na ng gabi. Masyado yata kaming nagtagal sa bahay.

"So..." panimula ko. "What did my Dad say to you?"

He sighed. "I will break up with all of your girlfriends."

I nodded. "Sure. After this, I will take them back."

"Why did you do that?"

"Do what?" binagalan ko ang paglalakad at sinabayan s'ya.

"Bakit mo pinakilala si Alexandria Evangelista bilang girlfriend mo?" may bahid ng inis ang boses n'ya.

"I thought that being your girlfriend will help me na mapalapit sa parents ko."  dahilan ko. "Still... I'm sorry. I should've at least told you."

Tumango s'ya. "If you're planning on doing something that you feel like I need to know, or kailangan mo ng permission ko, talk to me first or at least let me know."

"Yeah. I'm really sorry." ani ko. Hindi na s'ya sumagot pa at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

"So... How does it feel to be Alexander Lavigne's girlfriend?" pabiro n'yang tanong.

I laughed. I'm glad na hindi s'ya nagalit sakin. "Well, Mr. Lavigne, it is such an honor to be your woman." natatawang sagot ko.

"Really?" tumango-tango s'ya at ngumisi. "Di bale, hindi lang naman ikaw ang nakakaranas no'n, eh.

"I have a lot of girlfriends. A lot of them." Inakbayan n'ya ako sa balikat habang naglalakad. Inilapit n'ya ang bibig sa tenga ko at bumulong. "Hindi ka nag-iisa, darling."

I immediately nudged his waist. Tatawa-tawa naman s'yang lumayo sakin habang hawak-hawak ang tagiliran n'ya. I wanna curse so bad pero naalalang ako rin naman pala ang may kagagawan no'n.

"See? That's how it feels like na pagsabay-sabayin. Taste your own medicine, Xan."

I sighed. Hindi na ako sumagot dahil hahaba na naman ang usapan namin. Pero s'ya yata ang hindi mapakali dahil kahit nagkapalit na kami ng katawan, madaldal pa rin s'ya.

"S'ya nga pala, 'wag kang magpapaligaw, ha?"

I tsked. "Nope, why would I do that? I'm not into same sex. Saka, hindi ka naman maganda. Sinong manliligaw sayo?"

Nakasimangot s'yang tumingin sakin. "Grabe ka!"

I chuckled. "C'mon. Inaantok na rin ako. Ang aga kaya akong ginising nina Budong at El kanina."

"Tsk! Ano pa kaya ako na ginising kanina ni Lavinia at nanghihingi ng another round?!"

My laughter burst at what he said. "Sana pinagbigyan mo!"

Matapos kong sabihin 'yon ay tumakbo ako palayo sa kanya. Agad naman n'ya akong hinabol hanggang sa makalapit na labasan ng subdivision.

"Alexander Lavigne! Halika rito, you jerk!"

Uh-oh. I'm doomed.





---

ALEX & ALEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon