Chapter 10: Oh, Darling!

2 0 0
                                    

ALEXANDRIA EVANGELISTA (IN ALEXANDER LAVIGNE'S BODY)

Okay ka na? 

I texted Xan the next morning. Gusto na n'ya kasing pumasok pero nag-aalala ako na baka mabigla s'ya. Pinipilit ko s'ya na pwede naman s'yang umabsent ngayong araw para magpahinga.

Yeah, don't worry. He replied.

Ang kulit talaga. Kahit na. Dapat kasi hindi ka na pumasok.

"Lex?" Nawala ang atensyon ko kay Xan at nalipat kay Matthew.

"You broke up with Lavi?" tanong n'ya.

I nodded. "Yeah."

Nagtataka n'ya akong tinignan. "Why? You said you're enjoying her company."

My phone vibrated again. I looked at it and saw Xan's reply. Ang kulit mo. I'm fine, really.

"I'm dating someone."

"Woah! Woah! Wait, Alexander Lavigne is officially dating someone?!" tinawag n'ya ang atensyon ng ibang kaibigan pero hindi ko na sila pinansin. 

I texted a reply. Ikaw ang makulit. Umuwi ka kaagad kung sumakit ulit, okay?

"Kainis talaga 'to..." I mumbled. Hindi na rin s'ya nagreply matapos no'n.

"Alex? May girlfriend ka na raw? Like totoong girlfriend?" usisa ng mga kaibigan nila Xan. Akala ko mga babae lang ang tsismosa, may mga lalaki rin pala?

I awkwardly smiled at them. Sunod-sunod na ang tanong nila kaya halos iwasan ko na silang lahat hanggang sa natapos ang mga klase. Ang uncomfortable na rin dahil maging ang mga personal na bagay tungkol sa relationship ko ay itinatanong na nila.

Nang sumapit ang alas tres ng hapon, nagsimula nang maglabasan ang mga second year. Nakita kong mag-isang lumabas si Xan habang nagtitipa ng kung ano sa cellphone. Hinarang ko s'ya at dahil hindi s'ya nakatingin sa dinadaanan, nabunggo s'ya sakin.

"Aray! Hindi ka ba tumitingin?" inis na sambit n'ya at napahawak sa noo.

"Ano bang tinitignan mo sa cellphone mo at nandyan ang tingin mo?" tanong ko.

Nag-angat s'ya ng tingin at nagulat nang makita ako. "Itetext sana kita. Wanna go to Sip and Snack?"

"Yeah, sure," pagpayag ko.

Naglakad na lang kami papuntang Sip and Snack. Nagkuwentuhan lang kami about how our day went. At dahil malapit lang naman kami, nakarating din kami agad.

Naupo kami sa usual na pwesto namin. Nagpunta na ako sa counter at nag-order bago bumalik. Mabuti na lang at kaunti na lang din ang tao dahil mahigit isang oras na lang naman bago sila magsara.

"S'ya nga pala, may pasok ka rito bukas," paalala ko.

Tuwing sabado at linggo kasi ang schedule ko bilang crew. Hindi naman sobrang ang trabaho rito since ilang oras lang naman at hindi naman palaging marami ang mga customers, lalo na kung walang pasok.

"Oo nga pala. Hindi ba pwedeng magquit na lang ako?" apela n'ya.

Dumating ang order namin kaya saglit kaming natahimik. Nang makaalis si Joey ay saka ako sumagot. "Hindi pwede, Xan. Wala namang ibang tutulong sa Mama ko kung hindi ako lang. Kaya kahit hindi mo gusto, wala kang choice."

Xan sighed. "Fine. Papasok ako bukas. Although hindi ko alam ang gagawin..."

Tumango na lang ako at hindi na sumagot. Nagpalipas lang kami ng oras doon hanggang sa magsara sila. Matapos noon ay naglakad na rin kami pauwi at dahil balak n'ya raw magpunta sa St. Vincent ay naglakad na kami papunta.

"Wala pa ang parents mo. Ginagabi na nga sila ng uwi lately..." kwento ko habang papasok kami ng bahay. Dumiretso na kami sa kwarto ko at pumwesto naman s'ya sa gitna ng kama.

"Dria?" tawag n'ya. "Come here."

Ano naman kayang plano nito?



ALEXANDER LAVIGNE (IN ALEXANDRIA EVANGELISTA'S BODY)

"Yeah?" tanong ni Dria. "Bakit?" lumapit s'ya sakin at nagtatakang tumingin sakin.

"Uhm—"

Naputol ang dapat na sasabihin ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto. "Sir Alex?"

Lumayo naman sakin si Dria at patakbong lumapit sa pinto para pagbuksan si Ate Mirna. Nagulat pa s'ya nang makita ako sa loob. Pumasok naman s'ya habang may hawak-hawak na tray ng pagkain at inilapag sa bedside sa table.

"Nandito ka pala ulit, Ma'am. Sana pala dinamihan ko ang luto ko. Ano bang gusto mo?" tanong n'ya.

I smiled and shook my head. "Wala na po, Ate. Thank you."

Tumango naman s'ya at ibinalik kay Dria ang tingin. "Tawagin mo ako kung may kailangan pa kayo, ha?"

"Opo. Salamat, Ate Mirna," aniya at lumabas na rin s'ya.

Tinignan ko naman ang niluto ni Ate Mirna kaya napangiti ako. Ate Mirna really knows Alexander Lavigne the best.

"Bakit? Hindi mo gusto?" tanong ni Dria. "O, magpapaluto ako nang bago?"

"Ako? Niluto nga ni Ate lahat ng paborito ko," sagot ko at kinuha ang tray. Agad n'yang kinuha sakin ang tray at s'ya ang naglagay sa kama. 

Inayos ni Dria sa pagkakalagay ang mga pagkain kaya nagsabay na kami. Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya. "By the way..."

Uminom muna ako ng tubig bago nagpatuloy. "Hindi ka ginugulo ni Lavinia? Knowing her, paniguradong hindi 'yon titigil kahit nakipagbreak ka na sa kanya."

"Why would I worry? I have you, remember?" Dria answered and winked at me.

Kunwari naman akong napahawak sa mga pisngi at nagpuppy eyes pa. "Dapat na ba 'kong kiligin? Hmm?"

Natawa naman s'ya. "Ewan ko sayo!"

Tinigilan ko na s'ya at nagtuloy na ulit sa pagkain. "I'm serious, though. Hindi ka titigilan ni Lavinia."

"Alam ko," sagot n'ya. I looked at Dria's face pero wala man lang bakas ng kahit anong pag-aalala.

Some women tend to be so annoying after break-ups. Lalo na sa mga hindi pa accepted ang break-up.

"Mas concerned ako sa mga klase ng kaibigan mo. Nakakainis ang pagiging tsismoso nila," maya-maya ay patuloy n'ya.

Napasimangot s'ya. "I told Matthew that I'm dating someone. Tapos, sinabi n'ya sa iba mong kaibigan and then, they started asking uncomfortable questions to me. Yung ibang questions talaga ay too personal na. It's really irritating."

Hindi na ako sumagot dahil bothered talaga s'ya. Tinapos na namin ng pagkain at naghanap ako ng new toothbrush sa comfort room. Nang matapos ako ay sumunod naman s'yang pumasok.

Wala na ang tray at naka-ayos na rin ang kama nang makalabas ako. Wow. That was quick.

Bumalik ulit ako sa kama at naupo sa gilid ng kama. Lumabas din s'ya maya-maya ng comfort room.

"Dria?" tawag ko sa kanya. Napansin kong hindi pa rin s'ya nagpapalit ng uniform.

Lumapit s'ya sakin. Shocked was evident on Dria's face when I pulled the tie he was wearing that was part of the uniform.

"What—!"

I brought my face closer to Dria's and started kissing him.  It was just a 5-second kiss, yet it took forever before Dria realized it. Para lang statue dahil nakatulala lang s'ya at hindi gumagalaw sa pwesto.

"Seeing you this riled up really made me want to kiss you, darling."





---

ALEX & ALEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon