Chapter 12: Cool, I'm Outta Here

0 0 0
                                    

ALEXANDER LAVIGNE (IN ALEXANDRIA EVANGELISTA'S BODY)

"Alma! Alma! Lumabas ka r'yan! Alma!"

Kahit antok na antok ay bumangon na ako dahil sa nakakarinding sigaw. Sino naman kaya ang naghahanap kay Mama nang ganito kaaga?

Ilang araw na linggo na rin ang nakalipas mula nung magkapalit kami ni Dria ng katawan. Unti-unti na rin kaming nakakapag-adjust sa buhay ng isa't-isa kaya kahit papaano ay umookay na kami.

Except for the kissing part, of course. Hinding-hindi yata s'ya makakapag-adjust doon kahit kailan.

Naghilamos lang ako at nag-ayos bago bumaba. Mabuti na lang at mamayang hapon pa ang klase ko kaya okay lang din na alas nuwebe na ako nagising. Maaga rin kasi akong nagising dahil ipinagluto ko pa sina Budong at El ng pagkain nila.

"Mama! May naghahanap yata sayo!" sigaw ko. I can hear the splashes of water from the comfort room kaya lumapit ako at kinatok s'ya. "Mama!"

"Oo! Sabihin mo, palabas na 'ko!"

Nagpunta ako sa living room at binuksan ang pinto sa kung sino man ang naghahanap sa nanay ni Dria. "Nasaan 'yang nanay mo, Alexandria?!"

Dare-daretso s'yang pumasok sa bahay kahit hindi ko naman s'ya sinabihan. Nagpatuloy rin s'ya sa pagsigaw at nakakarindi na talaga ang boses n'ya.

"Ah, nasa CR pa po si Mama. Palabas na rin—"

"Iyang nanay mo, pagsabihan mo 'yan, ha? Kung manghihiram kayo ng pera, siguraduhin n'yong ibabalik sa tama! Ang kakapal ng mga mukha n'yo? Eh, kung hindi rin naman dahil sakin, baka sa kangkungan ang aabutin n'yo!"

"Ate naman! 'Wag naman si Alex ang pagbungangaan mo," nakatapi lang ng tuwalya si Mama at tumutulo pa ang tubig galing sa buhok n'ya. "Alex, doon ka na muna sa kwarto."

"Ito'ng babaeng 'to! Kung hindi ka magbabayad ng utang mo, 'wag kang lalapit sakin! Wala ka talagang utang na loob! Kung hindi rin naman dahil sakin, hindi rin makakapag-aral 'yang mga anak mo!"

"Magkano ba utang mo, Ma?" tanong ko.

Lumingon sakin ang Ate n'ya at dinuro ako. "Tignan mo—"

"Shut up. I'm not talking to you," bumaling ako kay Mama. "Magkano, Ma?"

Padaskol n'ya akong sininghalan. "Ha! Ganito ang ugali ng mga anak mo?!"

Hindi ko s'ya pinansin at hinintay sumagot si Mama. "7,000."

Mabilis kong umakyat sa kwarto at kinuha ang wallet ko. Pagbaba ko ay nagsisigawan pa rin silang magkapatid.

"Pitong libo?" naglabas ako ng 7,000 sa wallet at inabot iyon sa kanya. "Para sa pitong libo, mag-eeskandalo ka rito? Hindi kaya ikaw ang makapal ang mukha?"

"Alex—"

"Hindi, Mama," putol ko sa sasabihin n'ya. "May iba pa kaming utang? How much is it? At nang manahimik ka na sa pagpuputakti mo rito."

Tumango-tango ang Ate n'ya. "Sige, magkano? 38,000! Kung hindi kayo magbabayad—"

Binuksan kong muli ang wallet at inabot sa kanya ang card ko. Ibinigay kasi sakin 'to ni Dria dahil baka raw magkaroon ng emergency sa bahay at wala kaming magamit na pera.

Clearly, this is a fucking emergency.

"Kunin mo ang kailangan mong pera at umalis ka na rito. Nakakahiya sa mga kapitbahay ang ginagawa mo. I'll text you the pin. Pakibalik din agad, please. Kapag sobra ang kinuha mo r'yan, ikaw ang ipapahiya ko sa harap ng mga tao."

Lumapit ako kay Mama at pilit s'yang pinaakyat sa taas para makapagpalit na s'ya. Matapos makaalis ni Mama, nagpunta ako sa living room at pinagbuksan na s'ya ng pinto.

"Ha! Parehas talaga kayong magnanay!" pahabol n'ya.

I smiled at what she said. "Yeah. Parehas kaming naiimbyerna na sayo."

Wow. What a morning.


ALEXANDRIA EVANGELISTA (IN ALEXANDER LAVIGNE'S BODY)

"Kumusta si Mama? Anong sabi n'ya sayo?"

As much I as wanted to congratulate Xan for his courage na sagut-sagutin ang tiyahin ko, hindi ko maialis ang pag-aalala kung ano ang sasabihin n'ya.

Xan shrugged. "I don't know. Hindi na rin kasi kami nakapag-usap kanina dahil kailangan n'ya raw pumasok sa trabaho kaya hinayaan ko na lang muna s'ya."

"Aish! Bakit mo hinayaan?" naiinis na usal ko. "Xan, may mga tao na dapat hindi na pinapatulan pa—"

"So you're saying na magtitiis kayo sa ginagawa n'ya? Eh, halos ipahiya na n'ya yung nanay mo sa mga kapitbahay n'yo kanina!"

Napapatingin na samin ang ibang taong dumaraan dahil tumataas na ang boses namin parehas. Naglalakad na kasi pauwi at saka n'ya ikinuwento sakin ang nangyari kanina sa bahay.

"Fine, calm down." Hinawakan ko s'ya sa braso at nanahimik na muna.

"You know what..." panimula ko. "I'm really thankful that you did that. Kasi kung ako ang nasa posisyon mo, paniguradong makikinig lang ako kay Mama sa kung ano man ang sasabihin n'ya.

'Iwan mo muna kami', 'Bumalik ka na muna sa kwarto mo', 'Hayaan mo muna kaming mag-usap'. Hindi ko rin gagawin alam ang gagawin ko kahit gusto kong sabihin sa kanya n'ya lumaban s'ya.

"Pero, wala eh..." umiling ako at bumuntong-hininga.

Kumawala s'ya sa pagkakahawak ko sa kanya at hinawakan ang kamay ko. "Dria, wanna go home?"

"Huh?"

Hinila n'ya ako at tumakbo kami hanggang sa makapasok sa barangay. Aagawin ko sana ang kamay ko pero pinigilan n'ya ko. Nagulat ako nang makita ko sina Budong at El na nakatingin samin habang naglalaro sila ng tumbang preso.

"Xan, Budong and El saw us..." bulong ko. Hindi s'ya nakinig at hinigpitan pa ang pagkakahawak sakin.

"Mama!" sigaw n'ya. Panic striked me at bigla na lang bumitaw sa kanya.

Lumingon samin ang Mama ko at nagtataka kung sino ako. "Alex? S-Sino—?"

"Ma, boyfriend ko po," pakilala n'ya.

"B-Boyfriend?!"

Proud s'yang tumango. Lumapit si Mama kay Xan at nagulat ako nung hinampas n'ya sa braso.

"Boyfriend? Tarantado ka talagang bata ka! Halika ka rito at nang makurot kita sa singit mo! Halika ka rito, Alexandria! Hahambalusin kitang bata ka! Lumapit ka rito!"

Hinila n'ya ako papasok ng bahay at nakasunod naman samin si Mama. Nang makapasok kami ay tumigil na rin sila sa paghahabulan at naupo sa sofa na nasa sala.

"Ikaw? Ano namang pangalan mo? Saan ka nag-aaral? Saan ka nakatira? Anong trabaho ng mga magulang mo? Pananagutan mo ba 'tong anak ko kung sakaling mabuntis mo? Kung hindi, aba't lumayas ka rito sa pamamahay ko!"

I snickered at what she said. Lagi talagang walang preno ang bibig. "Good afternoon po, Ma'am. I'm Alexander Lavigne. Same university with your daughter. Sa St. Vincent Subdivision. My parents owned a manufacturing company located in the metro."

Tumaas ang kilay n'ya nang malaman na kulang ang isinagot ko.

"And, yes. Pananagutan ko po ang anak n'yo."





---


ALEX & ALEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon