Chapter 19: Da Capo - From The Beginning

0 0 0
                                    

"'Nay, ayos lang po ba kayo?" 

Lumipat ang paningin ko sa babaeng nagtanong sakin. Nagkita tayong muli. 

Bagamat parehas pa rin ang itsura nila, alam kong ibang tao ang nasa katawan ng babaeng ito. Paano ko nga ba malilimutan ang taong bumangga at tumulong sakin?

"Okay lang po ba talaga kayo? Hinihintay na po kasi ako ng boyfriend ko, hehe," dagdag n'ya.

Ngumiti ako nang tipid. Hindi n'ya ako naaalala. Sabagay, sino nga namang makakikilala sa lagay kong ito?

"Do you want me to help you? Kumain na po ba kayo?" hindi s'ya magkamayaw sa pagtatanong sakin.

Bumuntong-hininga s'ya at pinilit na akong pumunta sa pinakamalapit na kainan. Malaki-laki rin ang karinderya na napuntahan namin at nauna na s'ya sa pila upang bumili ng makakain.

"Sige po, 'Nay. Maghanap na po kayo ng uupuan n'yo. Ako na lang po ang kukuha ng pagkain."

Tumango ako at naghanap ng mauupuan. Na sakin ang paningin ng iilang kumakain, habang ang iba naman ay nangungunot pa ang noo dahil sa pagtataka. 

Sa huli ay pinili ko na lamang maupo sa pinakadulong mesa upang walang maistorbo. Maya-maya pa ay dumating na rin s'ya kasama ang mga pagkain.

Inilapag n'ya ang mga 'yon sa mesa at inilapit ang mga 'yon sakin. Kumuha rin s'ya ng mga kubyertos at isang baso ng tubig na nasa gilid.

"Sige po, 'Nay. Kumain na po kayo." Ngumiti s'ya at naupo sa harap ko. Pinanood n'ya lang akong kumain kaya nagtanong na 'ko.

"Hindi ba't hinihintay ka na ng nobyo mo?" 

Ngumiti s'ya sakin at natawa nang mahina. "Ah, nagtext na po ako sa kanya kanina habang nasa pila po ako na mahuhuli ako sa pagdating. Sinabi n'ya naman po na wala naman daw pong problema."

"Hindi ka ba naaasiwa sa itsura ko, hija? Ang iba ay pinagkukunotan ako ng noo." 

Luminga-linga s'ya at ibinalik din sakin ang paningin. "Naku! Wala na pong papangit sa tiyahin ko, no! Ang pangit na nga, ang pangit pa ng ugali! Ang gandang combination, 'di ba?"

Tumawa s'ya at napa-iling sa sinabi. Nangiti ako dahil iba na s'ya kumpara dati nang una ko s'ya nakilala. Kung hindi siguro kayo nagkapalit ng katawan ng babaeng tumulong sakin, malamang ay wala ka ring ipinagkaiba sa sarili mong tiyahin.

Ibinaba ko ang kutsara sa hawak. "Kung ganoon, maaari mo ba akong kwentuhan..." pambibitin ko at tumingin sa kanya. "Sa inyong dalawa ng nobyo mo?"

"A-Ah, hehehe... si Alex po? U-Uhm, ano ba... Mabait po s'ya, yeah..." Huminto s'ya panandalian sa pagsasalita at animong mag-isa na nakangiti habang nakatingin sa kawalan.  "My Dria could make me feel thousands of emotions kahit wala s'yang ginagawa. I'm so lucky to have Dria. Hell, miss na miss ko na s'ya."

"Hindi ba't hinihintay ka na kamo n'ya? Sige na. Maraming salamat sa pagtulong mo. Hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa ng kasintahan mo."

Alanganin ang ngiti na ibinigay n'ya sakin. "Sigurado po ba kayo, 'Nay? Hindi naman po ako nagmamadali."

Tumango naman ako at nagpaalam na rin s'ya makalipas ang ilang sandali. Naiwan na akong mag-isa sa mesa kaya naman napangiti ako sa pagbabago ng buhay n'ya.

"At ang sumpa sa kanilang dalawa..." bulong ko at bumuntong-hininga. "...sa wakas ay magtatapos na."


----


ALEXANDRIA EVANGELISTA

ALEX & ALEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon