Chapter 16: I Should've Stayed in Bed

0 0 0
                                    

ALEXANDER LAVIGNE (IN ALEXANDRIA EVANGELISTA'S BODY)


"Alexandria! Bumangon ka na r'yan! Iinom-inom ka kagabi pagkatapos hindi ka gigising!"

I covered my face with my pillow and forced myself to sleep again. Nang makalipas ang ilang segundo, hindi pa rin ako makatulog kaya ipinikit ko nang mariin ang mga mata.

"Alex! Bumangon ka na! Malalate ka na naman!" patuloy na sigaw ni Mama.

Tinanggal ko ang unan sa mukha ko at idinilat ang mata. Dahan-dahan akong bumangon kahit parang pinupukpok ang ulo ko sa sakit. Nahihilo rin ako at parang mabubuwal sa pagkakatayo.

Binuksan ko ang pinto sa kwarto at bumaba na. Nang makababa ako, wala si Budong at El. "May pasok ka pa sa Sip and Snack. Anong oras na! Baka mapagalitan ka pa!"

Tumingin ako sa wall clock at nakitang halos twenty minutes na lang ay malalate na ko. Naupo ako sa upuan sa kusina at hinawakan ang ulo ko. "Ang sakit ng ulo ko, 'Ma."

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko sayo, eh! Sama ka kasi nang sama r'yan kay Rowena! Ito, inumin mo muna at kahit papaano mawala ang sakit ng ulo mo!"

Ininom ko ang gamot na ibinigay n'ya at pati na rin ang tubig na iniabot n'ya. Ipinahinga ko na muna saglit ang sarili ko sa mesa at nang maramdaman kong medyo okay na 'ko, nagsimula na rin akong kumilos.

Para akong nakalutang habang naglalakad papasok. Late na rin naman ako kaya hindi na ako nagmadali sa pagpasok. Nang makarating ako, nakatingin silang lahat sakin habang naglalakad ako papunta sa staff room para magpalit ng uniform.

"Alex? Okay ka lang?" tanong ni Joey.

Tumango lang ako at nagsimula na sa pagtatrabaho. Maya-maya ay lumabas si Sir George sa opisina n'ya at napansin ako. "Alex?"

Sabay kaming napatingin ni Dria sa kanya. Nagpabalik-balik naman samin ang tingin n'ya at itinuro ako. "You. Halika na muna sa office."

Nagkatinginan muna kami ni Dria bago ko itinigil ang ginagawa at saka sumunod kay Sir George. "Sir?"

"Ayos ka lang ba? Late kang pumasok kanina. May sakit ka ba?" sunod-sunod na aniya.

I smiled and shook my head. "Wala po, Sir. Okay lang po ako. Saka pasensya na rin po pala kung nalate ako kanina."

Tinapik n'ya ang braso ko. "Wala 'yon. Sigurado ka bang okay ka lang? Medyo maputla ka rin. Hindi ka ba nahihilo?"

"Kanina lang po, Sir. Okay lang po talaga ako," paninigurado ko. He sighed and let me leave.

Bumalik din ako agad sa pagtratrabaho. Mabilis lang na lumipas ang oras at dumating na ang lunch. Pumasok ako ng staff room at  isinandal ang ulo ko sa locker ko.

"Hindi ka na dapat pumasok."

Napaayos ako nang tayo at lumingon sa likod ko. Nilingon ko si Dria na nakasandal sa likod ng mga locker at nakahalukipkip.

"I'm fine." Inayos ko ang buhok ko at binuksan ang locker kahit wala namang kukunin doon.

"Uminom ka ba ng gamot?" tanong n'ya at umayos na rin sa pagtayo.

I nodded. "Kanina. Bago umalis."

May kinuha s'ya sa bulsa at may iniabot sakin. "Here. Take this later."

Pagka-abot ay saka n'ya ako iniwan mag-isa. Can't I disappear even just a moment?



ALEXANDRIA EVANGELISTA (IN ALEXANDER LAVIGNE'S BODY)

"Sige, Alex! Una na kami!" sigaw ni Joey at kumaway pa. "Ingat kayo!"

Sumakay na s'ya ng motorsiklo kasama ang isa pa naming katrabaho bago nila kami iniwan dalawa ni Xan. Nakaalis na rin ang iba pa habang si Sir George naman ay naiwan dahil may kailangan pa raw s'yang tapusin.

Nagsimula na akong maglakad pauwi nang hindi s'ya hinihintay. Hindi pa rin kami nag-uusap tungkol sa nangyari kahapon. Tungkol sa sinabi n'ya. Tungkol sa nararamdaman n'ya.

"I hate you... Evangelista! How dare you do this to me?" bulong n'ya. "Why are you doing this to me? I hate you... I should hate you... But why can't I? Why, my baby? Why, my Dria?"

"Uuwi ka na ba agad?" Xan asked. I only nodded my head at tumigil na s'ya sa pagsasalita.

Maraming tumatakbo sa isip ko. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman. Maybe, Xan said that dahil lasing s'ya? O dahil nagbibiro lang s'ya? O bugso lang ng damdamin? I don't even know what is true and what's not.

Binagalan ko ang paglalakad hanggang sa kasabay ko na s'ya. I stopped walking at s'ya naman ngayon ang nauna sa paglalakad. Nihindi nga n'ya namalayan na s'ya na ang nauuna. Marahil gaya ko, marami rin s'yang iniisip. Pwedeng magkaiba nga lang ang iniisip namin.

"I'll forget..." I started. Xan looked back at me and stopped walking. "...everything you said."

Ilang segundo s'yang natigilan at ngumiti. "Huh?"

Tumikhim ako. "Stop pretending. Let's forget everything that happened last night."

"What do... you mean?"

I placed my hands inside the pockets of my pants. "I'll pretend that I didn't hear anything you said. That nothing happened that night. I mean, you didn't mean it, right?"

Xan's smile slowly faded, and she stared at me. "Dria? Ano bang sinasabi mo?"

"Xan, let's end this."

Lumapit s'ya sakin. "Anong? Paanong? Bakit? Ano bang nangyayari? Okay naman tayo kahapon, ah."

"Let's stop everything. Lahat ng pagpapanggap natin. Our 'fake' relationship. Let's also stop seeing each other like this. As much as possible, let's distance ourselves from each other," tumango-tango ako at ngumiti sa kanya. "Hanggang sa makabalik na tayo sa dati."

"Dria naman, dahil ba 'to sa sinabi ko kagabi? Bakit kailangang umabot sa ganito?" Xan begged.

Napalingon ako sa paligid namin at may mangilan-ngilan na ang nakatingin saming dalawa. We looked like a couple in a drama and the relationship that we have is about to fall apart.

"Pa'no ang family natin? Anong sasabihin ko sa Mama mo?" nagsisimula na s'yang mainis. Nameywang s'ya at halos sabunutan na ang sarili.

Naglakad na ulit ako at hindi s'ya pinansin. "Just... say something. Anything. Cheating. I left you or something. Kahit anong gusto mong palabasin."

"Alexandria Evangelista!" sigaw n'ya at napatigil ako sa paglalakad.

"One more step... one more step, and I swear to God, I'll curse you until the day you die!"

Nilingon ko s'ya for the last time. Xan was a mess. Gulo-gulo na ang buhok n'ya at bagsak na ang mga balikat. Para s'yang bata na naagawan ng laruan. "Then, curse me until I am burning in hell."




---

ALEX & ALEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon