Chapter 17: The Only Exception

0 0 0
                                    

ALEXANDRIA EVANGELISTA (IN ALEXANDER LAVIGNE'S BODY)


"Alex? Where's your girlfriend? Hindi na s'ya nagpupunta rito satin these days."

Pumasok si Mom sa kwarto ko at sumandal sa gilid ng pinto. It has been a week since I the last time I saw Xan. Maging sa university at sa Sip and Snack ay iniiwasan ko na rin s'ya.

"Stop it, Mom." Isinuot ko ang headphone at nagpapatugtog ng kung ano sa cellphone.

Lumapit s'ya sakin at ginulo ang buhok ko. "Why? What happened? Is there something wrong?"

"Mom," I pleaded. "Leave me alone for now, please?"

Tinalikuran ko s'ya at nahiga sa kama bago nagtalukbong ng comforter. Bumuntong hininga s'ya at tinigilan na ang pangungulit sakin.

"Bumaba ka na rin, okay? Halos two days ka na ring walang kinakain. Stop making me worry, huh?" She tapped my shoulder twice before leaving the room.

Natapos na ang isang kanta at nagsimula na ang panibago. Natulala ako nang ilang segundo bago unti-unting nadala sa kanta.

And my momma swore

That she would never let herself forget

 And that was the day that I promised

I'd never sing of love

If it does not exist, but darlin'

"You are, the only exception

While you are, the only exception

While you are, the only exception

While you are, the only exception..."

Pinatay ko ang music at tinanggal ang pagkakatalukbong sakin ng comforter. Naupo ako at bumuntong-hininga bago nagpagdesisyunan na bumangon na.

Bumaba ako at naabutan ko ang parents ni Xan na parehas abala sa trabaho. I even wondered how Xan dealt with them. Para silang may kanya-kanyang mundo at hindi pwedeng istorbohin.

"Mom..." tawag ko.

Lumingon naman s'ya sakin saglit bago bumalik sa pagkakatutok sa laptop. "Yeah?"

I sighed. Lumunok ako at pumikit nang mariin. "We broke up."

Tumigil s'ya sa pagtitipa at tumingin sakin. Maging si Dad ay tumingin na rin saming dalawa. "Huh? What do you mean?"

"We broke up. About a week ago," napatango-tango ako. Inilagay ko ang mga kamay sa mga bulsa ng pants at dumiretso sa kusina.

"Alex!" narinig kong sigaw ni Mom.

Binuksan ko ang refrigerator at nag-isip kung anong kukunin. Narinig ko ang mga yabag ni Mom na papunta sa direksyon ko pero hindi ko s'ya pinansin.

"What happened? Bakit kayo naghiwalay? Dapat sinabi mo!" aniya.

I irritatingly closed the ref. "Kung sasabihin ko ba, may magbabago? May gagawin kayo? Mapipigilan n'yo?"

"Mom, wala rin namang mangyayari. Naghiwalay na kami. That's it."

Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig. "Alex—"

"Stop it, Mom. Please," madiing wika ko. Uminom ako ng tubig at inilapag 'yon sa mesa.

"Anak naman—"

"Mom, hindi naman kayo nakinig sakin kahit kailan. Why now? Bakit ngayon, kung kailan hiwalay na kami?

"You and Dad are always the same. You both only care about yourselves, palaging trabaho, now you're what? Acting like a concerned and worried parent you are? 'Wag na, Mom. Hindi ko kailangan ng kahit ano."

Lumapit s'ya sakin at niyakap ako. "I'm sorry for everything."

Don't be sorry to me, but be sorry to Xan. Alexander Lavigne must be suffering the most now.

Hinagod n'ya ang likod ko habang may kasamang mahihinang pagtapik. "We were so busy thinking about ourselves that we forgot our responsibility to you as your parents. You must have been worrying, hurting, and suffering on your own all these years. I'm sorry, my Alex. I'm sorry, anak."

Hindi na ako sumagot at niyakap na rin s'ya pabalik. We were like that for a minute hanggang sa may marinig kaming tumikhim.

"Stop the drama already," singit ni Dad. Naghiwalay kami sa pagkakayakap ni Mom at nakita namin s'yang nakasandal sa hamba ng kusina. "Wanna watch a movie?"

Napapalakpak si Mom at ngumiti nang malaki. "Oh my god! C'mon! C'mon! There's a movie that I want to watch! Dali! Dali!"

"Go head to the entertainment room. I'll make the popcorn," sabi ni Dad at umayos sa pagkakatayo.

Hinawakan naman ako ni Mom sa braso at hinila paakyat sa entertainment room. S'ya ang namili ng panonoorin pero ako na ang nagset-up.

Ilang minuto lang mula nang magsimula ang palabas ay saka naman pumasok si Dad. May dala-dala s'yang tray na may dalawang bowl ng popcorn at drinks. Naupo s'ya sa tabi ni Mom na hindi man lang s'ya pinapansin dahil masyadong focus sa pinapanood.

"Here." Iniabot n'ya sakin ang isang bowl at drink. Ibinigay naman n'ya kay Mom ang isa pa at maya-maya ay silang dalawa na ang nakatutok sa movie.

I tried so hard to pay attention to the movie pero paulit-ulit ding naglalakbay ang isip ko. Nakatulala lang ako sa palabas nang tanungin ako ni Dad sa kalagitnaan.

"Why did you break up?"

I looked at him. Wala na sa palabas ang atensyon n'ya kun'di nasa akin na. Maging si Mom ay naialis ang tingin sa TV at inilipat sakin.

Isinandal ko ang likod sa couch at tumingin sa movie. "Mom, Dad, how did you know that you were for each other?"

"Well, our relationship was not even serious back then. Alam mo bang naging kami ng Mom mo because of a dare?"

Agad na lumipat ang tingin ko. "Really?"

Tumango si Dad. "I believe all of the relationships are like that. At first, you will think that both of you are still not deeply attached to each other... hanggang sa nagtagal, you'll feel like you cannot live without each other."

"It's not over until it's over. Pwedeng noon, hindi mo pa narerealize ang nararamdaman mo dahil palagi mo s'yang kasama, pero ngayong hindi mo na s'ya nakikita..." sambit ni Mom. Sinadya n'yang putulin ang sasabihin at tumitig sakin bago ngumiti.

"Go talk to Alex, anak." Mom tapped my back. "We're here. We got your back."

"Or..." singit ni Dad. He raised his glass and wiggled his eyebrows. "If there will be no second chance, a can of beer is the solution, don't you think?"

I laughed and stood up. Inayos ko ang nalukot na damit at tumingin sa kanila. "Thank you, Mom, Dad. I appreciate it."

Nakatingala sila sakin at tinapik naman ako ni Mom sa hita. "Be a man, Alexander. I really like the other Alex, so you better go home with good news, okay?"

Sana kung pwede pa, pwede na. But this time, hindi na matatapos pa.





---

ALEX & ALEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon