Chapter 9: D is for Dysmenorrhea

3 0 0
                                    

ALEXANDER LAVIGNE (IN ALEXANDRIA EVANGELISTA'S BODY)

"Good afternoon po, Sir Alex! Good afternoon, Ma'am!"

We decided to go to St. Vincent after ng klase namin. Nilakad na lang namin dahil alas dos pa lang naman ng hapon. Maaga ring natapos ang klase ni Dria kaya sabay na lang kaming umuwi.

"S'ya nga pala, sabi sakin ng Mom mo na gagabihin daw sila ng uwi ngayon. May tinatapos daw kasi silang project ng Dad mo kaya late na silang makakauwi." panimula ni Dria.

I just nodded my head and didn't reply. I don't why, pero parang akong lalagnatin na ewan. Wala akong ganang kumilos at hindi rin maganda ang mood ko. Kain din ako nang kain kahit busog pa 'ko.

"Huy! Okay ka lang? Para kang tinatamad," tanong ni Dria.

Tumingin ako sa kanya pero mukhang okay naman s'ya. Parang ako lang din ang masama ang gising ngayong araw.

I smiled a little. "Okay lang. Woke up at the wrong side of the bed, I guess."

Hindi na s'ya nagpumilit pa kaya parehas kaming natahimik dalawa hanggang sa nakarating kami sa bahay. Nadatnan namin si Ate Mirna, isa sa kasambahay namin, na nagwawalis sa harap.

"Ay, Sir Alex! Nandito ka na! Maaga pala ang tapos ng klase mo ngayon," bati n'ya.

Dria smiled at her. "Oo nga po, eh."

 "Gusto mo bang ipaghain ko kayo? Medyo matatagalan nga lang dahil hindi pa nakakapagluto si Viring. Hindi kasi namin alam na maaga kang darating," tukoy n'ya sa isa pa naming kasambahay.

Tumango naman si Dria. "Sige po, salamat po."

Pumasok na kami sa loob at dahil kaunti lang naman ang tao, tahimik ang buong lugar. Lumapit sakin si Dria at bumulong na mauna na raw ako sa kwarto dahil kakausapin n'ya lang daw saglit si Ate Mirna.

I wonder what would they talked about? It seems like sobrang close nung dalawa kahit hindi pa nagtatagal mula nang magkapalit kami ni Dria ng katawan.

Nauna na 'ko sa taas at nagpunta sa kwarto. Ngayon na lang ulit ako nakabalik dito mula no'n.

Shocked was my first reaction after seeing my room now. Parang hindi na ito ang kwarto ko dahil ibang-iba na ang itsura. My room used to look... dull and empty. Most of my things were plain and dark, at hindi rin gaano karami ang mga gamit ko sa kwarto.

Pero ngayon, hindi na. From dark colors, naging neutral ang kulay ng kwarto. Brown and white created a relaxing vibe, kaya mas nakatatamad gumalaw.  Mas marami na rin ang gamit sa loob at higit sa lahat, maayos. Sobrang ayos.

"Xan?" tawag sakin ni Dria, ni hindi ko man lang namalayan na nakapasok na s'ya. "Maya-maya pa raw tayo makakain. Okay lang ba?"

I nodded, although feeling ko ay gutom na naman ako. "Okay lang."

Naupo ako sa gilid ng kama at napahawak sa bandang puson. Medyo kumikirot kasi hanggang sa unti-unti nang tumitindi ang pagkirot.

Napangiwi ako sa sakit. "Aray..."

"Xan? Xan!" tawag sakin ni Dria. "Oh my god... menstrual cramps?!"

Hindi ko na s'ya pinansin dahil sa sakit. A wave of pain rolled through my lower abdomen and it's making me dizzy. Napahiga ako sa kama and made my body in a fetus position while crouching.

I heard Dria shouting something and Ate Mirna and Ate Viring's voices before everything went blank.


ALEXANDRIA EVANGELISTA (IN ALEXANDER LAVIGNE'S BODY)

"Okay na po ba s'ya, Doc?" nag-aalalang tanong ko.

Nalimutan kong sa mga ganitong week pala ang buwan ng dalaw ko. At dahil nagkapalit kami ni Xan ng katawan, ngayon n'ya lang naranasan ang menstrual cramps.

"Yes. Okay na naman s'ya. Nabigyan ko na rin s'ya ng pain reliever to ease the pain."

Tumango ako. Mabuti na lang din at may family doctor pala sila Xan. "Thank you. Ihahatid na lang din po kayo ni Ate Mirna palabas."

Lumabas na rin s'ya kasama si Ate Mirna kaya naiwan kaming dalawa ni Xan sa loob ng kwarto. Hindi pa rin s'ya nagigising mula kanina kaya hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko.

I sit at the edge of the bed. Kalmado na ang paghinga n'ya kumpara kanina at hindi na rin s'ya pinagpapawisan. Mahimbing din ang pagtulog n'ya at wala na ang bakas ng sakit.

"Kaya naman pala wala sa mood kanina." bulong ko.

Inayos ko ang gamit n'ya at bumaba na muna. Naabutan ko si Ate Mirna na nagwawalis ng sahig at wala naman si Ate Viring pero naririnig ko ang mga kalansing mula sa kusina. Lumapit sakin si Ate Mirna at tinanong ko kung anong nangyari kay Xan kaya sinabi kong nagkamenstrual cramps s'ya.

"Ay, naku! Ang sakit-sakit pa naman no'n! Mabuti na lang din at nakarating si Doc Padilla kaagad," komento n'ya.

Tumango ako. "Sige po, Ate Mirna. Punta lang po muna ako sa kusina," paalam ko at iniwan na s'ya.

"Oh, Sir Alex! Gusto n'yo po bang magluto ako ng lugaw?" salubong sakin ni Ate Viring nang makapasok ako. "Gising na po ba s'ya?"

Umiling ako. "Hindi pa po, eh. Pwede po bang ako na lang ang magluto?"

Dali-dali naman s'yang tumango. "Sige, sige. Tatapusin ko lang ito para ikaw na muna rito sa kusina."

Binilisan na n'ya sa pagtapos at iniwan din agad ako. Imbes na lugaw ay sopas na lang ginawa ko. Baka kasi magising na rin si Xan kaya nagmadali na rin ako sa pagluluto.

Nang matapos ay naglagay ako sa isang bowl at iniligay 'yon sa tray kasama ang tubig. Umakyat na rin ako paakyat ng kwarto at naabutan ko s'yang pabangon na.

"Gising ka na..." inilapag ko sa bedside table ang tray at inilalayan s'ya sa pag-upo. "Kumain ka na muna."

Tumingin s'ya sakin at sa laman ng tray. "Ilang oras akong nakatulog?"

"Nasa tatlong oras din," sagot ko. "Masakit pa ba?"

Kinuha n'ya naman ang bowl at nagsimulang kumain. "Hindi na."

I nodded. "Kaya pala hindi maganda ang mood mo kanina. Paniguradong sa mga susunod na araw, nagkakaroon ka na."

"Huh?" takang tanong n'ya.

"Period. Menstruation."

Napatigil na s'ya sa pagkain. "You mean, I have to wear pads? No way!"

I chuckled. "Normal 'yon, Xan. Saka bahala ka, ikaw rin naman ang matatagusan."

"I hate this..." inis na sabi n'ya at nagpatuloy na sa pagkain. "Damn it to hell..."

"Yeah. Damn periods. Sobrang sakit sa puson," gatong ko.

"And you have to endured it every month? Wow. What a big respect to all women."

Being a woman is never easy, indeed.





---

ALEX & ALEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon