SAMANTHAIt's Friday, and third day ko na dito sa school. So far so good naman, and I'm really enjoying it. Yesterday, after ng class ay nagyayang kumain sa labas sila Shai and Anj. Kaya pumunta kami sa samgyup-an. Hindi ako mahilig sa mga ganon pero wala e, 'yon yung gusto nila HAHAHA.
As usual, nag-start yung class ko at 10. Then for lunch, I decided na umuwi kasi nga 4 P.M pa second class ko. Yes every Friday, 2 lang ang klase ko. So, I still have time for myself.
Papunta na ako ng car ko, medyo malayo layo rin kasi sa dulo ako nag-park. Nagulat naman ako ng may biglang nagsalita sa likod ko.
“Miss” girl yung tumawag sa'kin.
“Ay, Mae!” gulat na sigaw ko. Second name ko yung Mae, I don't know kung bakit everytime na nagugulat ako 'yon yung nasasabi ko. Maybe because, don lagi ako tinatawag ni Mama. Lumingon naman ako para tignan kung sino yung tumawag sa'kin.
It's her again, the girl who shared table with me. Sinusundan niya ba'ko? Stalker? Just Kidding HAHA nakita ko naman na may hawak siya tapos inabot niya ito sa'kin. Nalaglag ko pala yung bracelet ko.
“So, who's Mae? tanong niya. Eto pala yung bracelet, nahulog mo, buti na lang ako yung nakapulot. Pauwi na rin kasi ako e, I didn't expect na ikaw pala yung nakahulog.” sabi niya habang nginingitian ako.
“Thank you so much, you're my hero talaga. To the rescue ka lagi e, last time you shared table with me and now binalik mo yung bracelet ko. Thank you so much ha, it's very important kasi to me. My dad who passed away gave me this.” medyo naiiyak iyak kong sabi, ganto kasi ako pagna-aalala ko yung Dad ko e.
It's been 2 years since namatay yung dad ko, nagkasakit kasi siya e. Before siya malagutan ng hininga, binigay niya sa'kin yung bracelet. Kaya super iniingatan ko talaga ito and suot ko rin lagi. May sinabi and binilin pa nga siya when he gave me this bracelet e.
“You're asking who's Mae right? It's me” sabi ko. Mukha kasing hindi niya ako kilala, kasi not everyone knows me naman kahit sikat pa ako.
“Oh, so you're name is Mae.” It was nice meeting you, I'm Alyssa.” then she offered her hand to me.
“Nice to meet you, Alyssa.” tapos inabot ko yung kamay niya.
“You're going na ata? See you around here, hoping na makapag-usap pa tayo.” sabi niya.
“Oh yeah, it would be nice to talk with you. Sige, Alyssa una na ako. Thank you ulit.” paalam ko, tas nginingitian ko siya tapos umalis na ako.
Nilingon ko naman siya and nakita ko na pabalik na siya sa car niya, so hinabol pala talaga niya ako para masauli 'to sakin. Pinagmasdan ko naman yung bracelet ko tas naalala ko yung sinabi ng dad ko sa'kin. Kaya napangiti ako at medyo napailing.
Nung nasa loob naman ako ng car ko ay isinuot ko na yung bracelet.
“Thank you, Alyssa.” I whispered.
Tapos nag-drive na ako pauwi.---
ALYSSA
Pagkatapos ng training ay uuwi na ako, kapag Friday kasi ay half day lang ang training namin. Tapos bukas, Saturday maghapon. Wala masyadong student kapag Saturday, kaunti lang may schedule ng class kapag Saturday. Tas Sunday naman ang rest day namin.