SAMANTHA
Wala pa rin ang team nila Alyssa, it's 5:40 P.M already, where are they?
"Bat wala pa sila Alyssa?" I asked Anji.
"For sure parating na rin yung mga 'yon Ate Sammy. Baka nasa dug out lang sila, by this time nagp-prepare yung mga 'yon. At tsaka second game pa naman sila, ikaw Ate Sam ha, excited yarn?" sagot ni Anj sabay siko sa'kin.
"Oy hindi 'no, para nagtatanong lang e. Malapit na kasi mag 6 tapos wala pa sila, e may 2 teams na nga rito oh." sabay tingin ko kung saan nakapwesto ang 2 koponan.
"At sorry, alam mo naman na bago lang ako sa ganito at hindi ko alam ang kalakaran. At tsaka, no one told me na second game pala sila." kunwaring pagtatampong sagot ko, pero ayon nga medyo nai-excite din talaga ako kasi it's my first time to watch this game.
"Joke lang naman Ate Sammy, paparating na rin yung mga 'yon. Ikaw naman." Anji replied sabay ngiti.
---
"Shai, Anj, CR lang ako ha, I'll be back." pagpapaalam ko.
Since hindi pa naman start I decided to go muna sa CR, I am about to pee na kasi HAHA
THIRD PERSON
Maya maya pa ay biglang umingay ang paligid, may isang koponan na dumating na galing pa sa ibang unibersidad. Dalawang team na lamang ang hinihintay, maya maya pa ay.Isang malakas na hiyawan ang bumalot sa paligid, isang grupo ng kababaihan ang paparating kung saan gaganapin ang nasabing palaro.
Mga pamilyar na mukha, tila ba sikat ang mga ito sa larangan ng palaro. Hiyawan dito, hiyawan doon.Dumating na nga ang kanina pang hinihintay, ang grupo nila Alyssa Valdez.
Pagkarating sa covered court ay dumiretso na ang team nila Alyssa sa bench at umupo. Si Alyssa naman ay agad na sinubukang hagilapin ng mata si Samantha kung saan dapat ito nakapwesto. Subalit hindi niya ito nakita. Tanging si Anji at Shanaia lamang ang naroon.
ALYSSA
Ilang minuto na lamang at mag-uumpisa na yung game, kaya naman pumunta na kami sa venue. Kahit hindi kami and first game ay inaagahan pa rin namin sapagkat nais naming mapanuod kung paano lumaro ang aming mga makakalaban.
Pagkarating sa covered court ay dinig na dinig ang malakas na hiyawan. Noon pa man ay ganito na, mas malakas nga lang ngayon sapagkat mas mas marami ang nanunuod mula sa aming university na sumusuporta.
Pagkarating ay sinubukan kong tignan ang pwesto na pinareserve ko para kina Samantha, kanina ko pa kasi siya gustong makita. I saw Anji and Shanaia, but where is Samantha? Is she around? Maybe she's just late, pero I know she'll come because she told us she will.
"Everyone!" someone said in the microphone that caught everyone's attention.
"Are you guys excited?" An announcer said.Loud noises, shouts, crowds cheering*
"As we are about to start the game, let's now call on the first two universities."
And the game started.
SAMANTHA
Pagkabalik ko sa covered court ay nag-uumpisa na ang game. I saw that Alyssa's team are here na rin and they are busy watching.
Agad akong bumalik sa pwesto ko.
"Ate Sam, they're here. What took you so long?" Shai asked.