Chapter 15

262 13 6
                                    


SAMANTHA


Can't still forget what happened last night. Namiss ko rin na gawin yung mga ganong bagay. Simula kasi nung mawala si Dad, nagfocus na ako sa tinatahak ko na career. 4 years na rin when he left us. He died because of brain aneurysm, ilang minutes lang siya tumagal pero naabutan ko pa siya. Sobrang iyak ko that time, halos gumuho yung mundo ko.

I am on school that time, sa Palawan pa ako nag-aaral. Biglang tumawag sa'kin yung mom ko, sinugod daw nila si dad sa hospital. Of course, I went there immediately pero hindi niya na kinaya na tumagal pa. Nakapag-usap pa kami, he gave me the bracelet pa nga e tapos nagbilin pa siya. I didn't get a chance to take care of him man lang, iniwan niya na kami agad. Hindi niya na nakita na naabot yung dreams ko, namin.

Speaking of last night, I'm just happy that Alyssa brought me in that place.
After a very long time kasi, last night ko lang ulit naramdaman yung 'peace' a real one. Ang peaceful kasi nung place, tahimik ang paligid. Kay ganda ng langit, kaaya-ayang pagmasdan ang nagkikislapang bituin. Dagdag pa ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat, at kung titingin ka pa-ibaba ay matatanaw mo ang nag-gagandahang mga ilaw, city lights.

I'm also happy that Alyssa is listening to me, I feel like masyado ata akong naging madaldal sa kaniya e HAHAHA pero okay lang 'yon, we're friends naman and I'm happy to be friends with her, I'm trusting her na nga already e hindi naman kasi ako palakwento about life e.

Yes, I trust her. It's hard for me to trust people kaya nga hindi gaanong karami yung friends ko. I don't know, it's just that I feel like some people just wants to be friends with me because I'm popular, maybe? I don't feel their sincerity kasi e, medyo magaling din kasi ako kumilatis ng tao. Just like sa mga manliligaw, I don't know what's their true intention.

Si Alyssa, I trust her kahit kaka-kilala ko palang sa kaniya. I know she's different, hindi nga niya alam na sikat ako before e. At tsaka yung first time namin mag-meet, I know she's kind. We just met pero I feel like may connection na kami noon pa, it's weird. Maybe my dad is right? Baka siya yung destined for me? Pero I don't have feelings for her e, I just see her as a friend. Pero we'll never know HAHAHA ayoko magsalita ng tapos. But I'm happy na nakilala ko si Alyssa.

---

ALYSSA


So, ano kaya ipapalusot ko kay Bea?HAHAHA andito na ako sa school. As usual, training ulit HAHAHA 5 days na lang before our game, Goodluck sa'min sana ay magchampion ulit kami HAHA.

Wala pa si Bea, so bahala na kung anong idadahilan ko mamaya. Sana lang ay wag niya na akong tanungin, pero that's impossible HAHA.

"Good Morning Ly." bati ng aking beshy pagkarating neto.

"Morning Els." tipid na sagot ko.

"Anyare pala kagabi Ly?" Tanong ni Ella sa'kin, tapos maya maya naman ay dumating na si Bea. Magtatanong kaya siya?HAHA

"Good Morning guys!" bati ni Bea, tapos ibinaba niya na yung gamit niya sa kalapit ko lang.

"Ate Ly, bat nawala ka pala kagabi?" Pagtatanong nito, as expected HAHA

"A...e..." nako patay ano kayang ipapalusot ko, help.

"Nagka-emergency siya kagabi, oo." singit ni Ella sabay tingin sa'kin, to the rescue talaga 'tong best friend ko.

"Yeah, Ella is right. Nagpa-alam nga ako sa kaniya e, sabi ko pasabi na lang sa'yo kasi nga nagmamadali na ako."

"Ay sorry Bea, I forgot to tell you. Alam mo naman tumatanda na, nagiging makakalimutin." pagbibiro ni Ella. "Sorry naman Ly, my fault." nakangising sabi nito.

In Another Life Where stories live. Discover now