SAMANTHA
Pabalik na sana ako sa pool ng bigla kong makita si Alyssa, para siyang may hinahanap. Pagkatapos ay nagtama ang paningin namin at nagdali-dali itong lumapit sa akin. Nagtaka at nagulat naman ako ng bigla niyang hablutin ang kamay ko at hinila palabas. Anong meron?"Teka lang Alyssa!" sambit ko.
Diretso diretso pa rin ang paghila niya sa'kin hanggang makarating kami sa parking.
"Oy Alyssa, bakit ba?!" asar kong tanong.
"A e..." paputol putol niya ng sabi.
"You're bored right? Tara labas na lang tayo, bored na rin kasi ako e.""Akala ko naman kung ano Alyssa, ba't need mo pa ako hatakin dito? Pwede mo naman sabihin sa'kin 'yan sa loob. At tsaka we're outside na oh, no choice na ako."
"Maingay kasi don, you know. Not exactly here sa labas, I mean labas tayo, pasyal ganon." sagot nito.
"Ah, saan naman tayo pupunta? At tsaka wait, paalam muna ako kala Bea." Paalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"What Alyssa?! Papaalam lang ako, hahanapin tayo non for sure, nakakahiya naman kung aalis na lang tayo ng walang paalam."
"Ako na bahala Sam, tara!"
"O sige." sagot ko, pumayag na lang din ako kasi nga nabobored na ako at tsaka di naman ako maglalangoy while sila.
"Pero wait, how about this? Lalabas tayo ng ganito ang suot at tsaka basa ka oh?" sabi ko.
Tinignan naman niya ako at nagtungo sa car niya tapos may kinuha.
"Here Sam, palit ka na lang sa car mo. I'll change rin, sa car ko." nakangising sabi niya.
She gave me an oversized T-shirt, okay na siguro 'to. Then ayon pumasok na ako ng car at nagbihis na.
Hindi na ako bumaba ng car, I'm just waiting for her. Tapos lumabas naman na siya at nakabihis na rin, pagkatapos ay lumapit sa'kin.
"Just follow me, okay?" She said, tapos sumakay na ulit siya ng Car niya.
We do have our own cars, kaya magkahiwalay kami. Hindi naman kasi namin pwedeng iwan 'to dito.
I decided to message Bea, hahanapin niya kasi talaga ako for sure e. At least nakapagpa-alam ako kahit hindi in person.
"Hello Bea, I'm sorry nauna na ako. Hindi na rin ako nakapagpa-alam kasi nagmamadali rin ako, Happy Birthday again. Thanks for the invite." Then I sent it na, for sure hindi niya agad mababasa 'yon.
"Bea, I'm sorry bawi ako sa'yo." sambit ko at ini-start na ang kotse ko.
BEA
"Where is Sam na, bakit ang tagal niya? 'Diba she went sa CR lang?" pagtatanong ko kala Jema.
"Oo nga Ate Bei e, nako baka kung napano na 'yon." sabi naman ni Jema.
"OA mo naman Jema." Singit ni Ella.
"Para nagbibiro lang e." sabay irap ni Jema kay Ella.
"Wait lang guys, I'll check on her." I said sabay tumayo na ako at nagtungo sa CR.
Wala si Sam don, nagtanong din ako pero wala naman daw nakapansin.
"Where are you, Sam?" pag-aalala kong sabi.
I checked my phone and I'm gonna try to contact her, sakto naman na bumungan ang message niya.