Chapter 12

237 12 2
                                    


ALYSSA

“Oh sh*t I have a flat tire. Pano na ngayon 'to? Wala na akong matatawagang mag-aayos nito hating gabi na, wala rin akong naka-reserve na pamalit.” I'm alone here and I'm kinda scared na rin, what will I do?

So, what now?

---

SAMANTHA

Knocks* Ding*

I was about to sleep na nung makarinig ako ng katok and doorbell. I wonder kung sino 'yon, hindi naman sila siguro babalik 'no? For sure nakaalis na sila, so sino naman yung kakatok ng ganitong oras e wala naman akong ka-close rito? Medyo natakot tuloy ako pero I want to make sure kung sino yung nasa labas, kaya agad akong lumabas ng kwarto. Pagkarating ko, I saw someone sa camera buti na lang pala nagpa-insatall ako ng video doorbell, for my safety na rin kasi.

Is that Alyssa? What is she doing here? I thought naka-uwi na siya or baka naman may naiwan lang kaya bumalik. I opened the door and it was her nga.

“Oy Alyssa, bakit? May naiwan ka ba?” Tanong ko rito.

Tapos nakita ko naman siya nangingilig and she looks scared. Tapos bigla ako nitong niyakap, nagulat naman ako pero tinapik ko na lang siya sa likod.

“What happened Ly?” I asked tapos pinapasok ko na siya.

“Sorry Sam, ano kasi nakarinig lang ako ng kaluskos sa garage e walang katao-tao hanggang sa pag-akyat ko rito. Pasensiya na, nayakap na lang kita bigla, kinabahan lang talaga ako ng konti.” Sabi nito, konti pala ha HAHA

“That's okay Alyssa, so bakit ka pala bumalik? Did you forget something?” Tanong ko.

“Uhmm, Sam. I'm too shy too ask this because uuwi naman talaga ako dapat but can I sleepover here? Wala naman akong naiwan it's just that I didn't know na na-flat yung gulong ng car ko. Nakaalis na kasi sila, tapos I tried to contact them pero cannot be reached na. Wala na kasi akong ibang choice e, wala rin akong pamalit na gulong tapos gabing gabi na rin. Naalala ko lang din yung about sa pag-sleepover kaya kahit nakakahiya man sa'yo naglakas loob na akong bumalik dito, okay lang ba?” nahihiyang sabi nito.

---

ALYSSA

I tried to contact Bea baka kasi hindi pa siya nakakalayo, kaso hindi ko siya ma-contact same with Ella & Ponggay. Paano na ako nito ngayon?

Maya maya pa ay nakarinig ako ng kaluskos, nilibot ko ang aking tingin pero wala naman akong nakita. Shuta naman kasi bakit wrong timing pang naflatan ako.

Hindi naman ako pwedeng matulog dito sa kotse ko nakakatakot pa rin, tapos mag-isa lang ako. Tapos I remember na okay lang naman daw mag-sleepover kay Sam, so baka sa kaniya na lang ako makitulog kahit nakakahiya man. Kakapalan ko na lang mukha ko. Dali dali naman akong bumalik sa unit ni Sam, pagpasok ko ng elevator ay nangangatog pa rin ang tuhod ko dahil sa kaba. Walang ka-tao tao sa labas tapos ang tahimik pa ng paligid, tinapangan ko na lang din malapit na rin naman ako sa condo ni Sam.

I knocked so hard tapos naka-ilang doorbell na rin ako. Hindi pa naman siguro tulog si Sam 'no? Sana huhu kasi kung hindi baka mahimatay na ako rito sa labas dahil sa kaba.

Maya maya naman ay bumukas na yung pinto kaya nakahinga ako ng maluwag. Thanks God gising pa siya.

“Oy Alyssa, bakit? May naiwan ka ba? Tanong nito sa'kin. Bigla ko naman siyang niyakap, I don't know why I did that pero I felt relieve nung niyakap ko siya, nawala na rin ng konti yung kaba ko. I said sorry rin, mukha kasi siyang nabigla.

In Another Life Where stories live. Discover now