16.

235 9 11
                                    


Purificacion

Puno ng inis kong pinatay ang cellphone ko matapos ang tawag ko kasama si Gonzalo. Wala akong mapagpipilian, sasakay at sasakay pa rin talaga ako sa iisang sasakyan kasama si Battalion.

Nakasimangot akong naupo sa couch ng bachelor pad ni Battalion habang hinihintay ko siyang mag-ayos. I just want to roll my eyes at men who keep saying that it takes women too long to prepare pero itong si Battalion eh halos isang linggo na nasa loob ng banyo, hindi pa rin tapos!

Nakapang-krus ang braso ko sa harap ng dibdib ko habang nakasalampak ang likod ko sa couch habang nakatuon ang mga mata sa T.V. sa pinapalabas na Kdrama, hindi ko tuloy maiwasan na maalala sila Daddy.

May simangot sa mukha akong nanood ng mga sunod-sunod na sampalan na pinapakawalan ng mga karakter sa palabas. Hindi rin nagtagal naramdaman kong lumalim ang espasyo ng couch sa gilid ko. Hindi na ako nagtaka na si Cielo 'yon. Kalalabas niya lang ng kwarto niya at dala ang isang kaha ng sigarilyo. Huh, I didn't peg him for someone who smokes.

Binigyan niya ako nang maliit na ngiti na sinagot ko naman ng pilit na ngiti. Masama pa rin ang loob ko sa kaniya noon sa hotel dahil sa pakikipag-tawanan niya kay Battalion kahit halata nang naiinis ako. Dapat pala mas inakit ko na lang 'tong walang hiyang 'to para sa akin kumampi kapag nag-aaway kami ni Battalion!

"Hey, Puri, gusto ko lang mag-sorry sa 'yo sa nangyari noong nakaraan. Especially for pushing you too hard," paghingi pa niya ng patawad.

Hindi ako sumagot at tumango na lang na parang balewala ang mga sinasabi niya. But in reality, I actually appreciate him asking for forgiveness. Although si Battalion naman talaga ang dahilan kung bakit ako napuno, marunong pa rin mag-take ng accountability si Cielo.

Binalik ko muli ang tingin sa T.V. at hindi na siya pinansin sa mga sumunod na minuto.

"Narinig ko, itutuloy niyo raw ang kasal? That's good, ang kailangan niyo lang sigurong ayusin ay 'yong sa article. Hindi naman mahirap 'yon dahil ang alam ko—"

"Why are you talking to me like we're friends?"

Natigilan si Cielo sa sinabi ko pero hindi ko na dinugtungan pa ang sinabi ko at pinagpatuloy ang panonood. Hindi naman tumagal ang katahimikan na bumalot sa amin nang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Battalion at iluwal siya no'n na dala ang naka-hanger na damit at plantsa.

Kunot ang noo kong pinanood siyang buklatin ang iron board o plantsang kabayo sabi ni Mutya dati. Nilagay niya roon ang mga malalambot na kumot at bedsheets saka pinatong sa taas ang damit na dala.

"Ano'ng ginagawa mo?" puno ng inis kong tanong sa kaniya.

Paano naman kasi, kung kailan paalis na kami saka na lang siya magp-plantsa ng damit niya? Ginagago ba ako ng lalaking ito?

Inikutan niya ako ng mata na ikinasinghap ko. Ang kapal talaga ng mukha! "Ironing my clothes, bulag ka ba?"

"Alam ko! May mata ako, 'no!" Tinuro ko gamit ang dalawang daliri ang mga mata. "Tinatanong ko kung sino'ng tanga ang magpa-plantsa ng damit bago umalis!"

"I don't like wrinkles on my clothes! It's messy at hindi magandang tingnan, alam mo na dapat 'yan lalo pa na magiging asawa na kita."

Pinanliitan ko siya ng mata. "Are you implying that if I were to marry you, magp-plantsa ako ng damit mo araw-araw?!"

"Yes, as a wife should always do!" sabat pa niya.

Talagang may lakas pa 'tong sumagot sa akin? High blood na ako mula kahapon dahil sa usapan namin ni Daddy at ngayon gumagatong na naman 'tong lalaking 'to!

Longing Stares (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon