8.

413 8 0
                                    


Purificacion

Hindi ko nakausap ulit si Cielo pagkatapos ng nangyari sa engagement party. Pulang-pula ang pisngi ko na tumakbo palayo sa kaniya nang mawala ang pagnanasa.

"Behave," masungit na sabi ni Battalion.

Magkatabi kami sa loob ng sasakyan, pinipilit na magkasundo sa posisyon habang pinapanood lang si Gon magmaneho. Medyo nakakaramdam ako ng guilt dahil sa nangyari kahapon, para bang sinisira ko ang friendship na meron sila pero sa tuwing naiisip ko kung gaano kagago si Battalion, bumabalik lahat ng galit ko.

"Behave mo mukha mo!" singhal ko sa kaniya. "Umayos ka kasi ng upo diyan hindi 'yong nakabukaka ka na parang ikaw lang mag-isa rito, ano!"

"Sasakyan ko 'to, Purificacion, kaya kong gawin kahit ano'ng gusto ko."

Napa-ismid ako. "May fetish ka ba sa mahabang pangalan, ha? Puri tawag sa akin, Puri!"

"I won't give you what you want," mataray pa niyang sagot.

"Then I won't give you what you want too."

Parehas na matigas ang ulo namin, aaminin ko. Pero wala na akong pakialam, he can deal with all my bullshitness. Patigasan kami ng ulo hanggang sa mawasak na parang bato ang mga ulo namin.

Nakapang-krus ang braso ko sa harap ng dibdib at mas malawak pang binuka ang mga binti ko para agawan siya ng space. Bumaling naman sa akin si Battalion na nakasimangot, pero hindi ako nagpatalo at binelatan lang siya.

Tatawa-tawa pa akong nang-asar sa kaniya nang tumama ang paningin ko sa rearview mirror. Saka lang ako natigilan nang makitang nakatitig sa akin si Gon habang naghihintay na maging kulay berde ang traffic light. Napalunok ako, iba ang klase ng titig niya sa akin ngayon.

'Yong intensidad ngayon ay katumbas ng klase ng tingin niya sa akin noong una ko siyang makita. Parang pinag-aaralan ako at pinapanood ang bawat sulok-sulok ng katauhan. May nagawa na naman ba ako? Bukod sa nangyari sa aming dalawa ni Cielo- na sigurado namang walang nakakaalam.

Unless... no.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at sumandal na lang sa bintana. Wala naman sigurong alam si Gon, e 'di sana kanina pa kami nag-aaway ni Battalion ngayon. He's loyal to him, too loyal that despite how close we are, he would still confide with his boss.

"Saan ba pupunta?" tanong ko nang mainip na.

Walang sumagot hanggang sa tumigil kami sa isang branch ng Shakey's malapit sa ospital. Kunot pa rin ang noo ko na pinanood sa paglabas ng sasakyan si Battalion na nagbago bigla ang awra at mukhang nasa good mood na.

Napanganga pa ako nang makitang pagbuksan niya ako ng pintuan at nilahad ang kamay niya. Pinanliitan ko siya ng mata bago tinanggap ang kamay niya at lumabas ng sasakyan na nakangiti. Pinalibot ko agad ang kamay sa braso niya at sabay na naglakad papasok ng chain.

"Ano'ng ginagawa natin dito?" tanong ko pero patuloy lang sa paglalakad si Battalion. Nanahimik na lang tuloy ako kaysa makita pa kaming nag-aaway na dalawa at makilala pa siya.

Buntong-hininga lang ang pinakawalan ko nang tumigil kami sa isang table. Natigil ang hininga ko nang makita kung sino ang nakaupo sa harap ng lamesa. Sa sandaling 'yon ay nawalan ako ng boses at umukit ang malapad na ngiti sa labi ko.

Gusto kong tumalon-talon sa oras na 'yon pero nakapako na ang mga paa ko sa sahig. Tumalikod ako at tiningnan si Gon, napansin naman niya ang pagiging balisa ko ngunit imbes na magpaliwanag ay nginitian ko na lang siya.

"Salamat at pinaunlakan mo ang invitation ko, Governor Trudy." Naglapit si Trudy at Governor Trudy sa isang one-hand hug. "This is my fiancé, Purificacion."

Longing Stares (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon