17.

241 10 6
                                    



Cielo

Gonzalo didn't leave my side as blood still kept spilling out of my nose. Damn, maliit na babae si Puri pero ang lakas ng suntok niya! Patuloy pa rin ako sa pagdampi ng malapit nang ma-defrost na package ng hotdog. Sinusuri naman ni Gonzalo ang ilong ko mula sa gilid.

"Does it look bad?" I asked him. I knew a little bit of his background, sinabi sa akin ni Tal ang unang pagkikita nila ni Gonzalo.

As I can recall, Gonzalo was supposed to pickpocket Tal's wallet when he got caught. I remember the pang of jealousy when Tal told me about this man looking so hopeless like a lamb who lost its flock and returned home to its shepherd after being mauled by the wolves. Tal would always wear this little smile of pride as he talks about Gonzalo and his improvement.

Pero minsan, hindi ko rin mapigilan ang mapangiti kung iisipin ang laking pinagbago ni Gonzalo. Dati ay mahiyain talaga ito at minsan lang magsalita, mas nakakatakot ang demeanour ni Gonzalo noon kumpara ngayon. Isa rin sa dahilan si Gonzalo kung bakit ginusto ni Tal ipagpatuloy ang naging legacy ng lolo niya bilang politiko.

"I'm okay, hindi ko na kailangan ng assistance," I declared. Kinuha ko na rin ang pamunas na dinadampi-dampi niya sa akin. Naupo naman nang matuwid sa tabi ko si Gonzalo at tinuon ang mata sa telebisyon.

"Tuloy ba ang kasal ni Sir Battalion at ni Puri?" tanong niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin. '

Nagbitiw ako nang malalim na hininga at sumalampak na lang sa couch. "Sa tingin ko. Parehong mataas ang pride, walang gustong mag-back out kahit na puro sigawan lang ang maririnig ko tuwing gigising ako." Mahina pa akong natawa sa iisipin ang nangyari kanina lang.

"Baka unang araw pa lang ni Puri dito ay nag babatuhan na sila ng pinggan," dagdag pa ni Gonzalo na ikinatawa naming dalawa. "Makakatagal kaya sila?" Maya-maya ay tanong niya sa mahinang boses.

Si Battalion at Puri, tatagal? Pinikit ko ang mata ko, tasting the bitterness succumbing in me. Thinking about my what ifs, hurting myself even more. Paano na nga lang kaya kung tumagal si Battalion at Puri, mananatili kaya ako sa tabi nila hanggang sa mag-sawa sa akin si Battalion? Makakayanan ko kayang panoorin silang dalawa na gumawa ng pamilya at magpalaki ng bata habang pinapanood ko sila?

I don't think I can stomach that. The man that I love having kids that I couldn't give him. I smiled bitterly, kasalanan ko rin naman yata ito. I pushed him to do this, at the end of the day, walang ibang sisihin kun'di ako.

"Mukha kang malungkot," pansin ni Gonzalo. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Pinag-aaralan niya ang mukha ko, malalim ang klase ng tingin niya sa akin. "Magaling naman mag-manage ng oras si Sir Battalion, hindi naman siguro mawawala ang pagkakaibigan niyo kapag nagpakasal siya."

I smiled inwardly, pagkakaibigan, that was funny. Hindi ko alam kung naapektuhan ang utak ko sa pagkakasapak sa akin ni Puri pero bigla na lang ako humalakhak nang malakas. Walang ibang sinabi si Gonzalo, hindi rin siya naman siya nag-joke pero pagkatapos ng sinabi niya ay parang kiniliti ako na hindi napigilan ang pagtawa ko.

Napatayo bigla si Gonzalo sa pagtatakha, pinagtutuunan ako ng pansin, sinusubukang alamin kung ano ang nangyari dahil sa bigla kong pagtawa. Maniniwala kaya siya sa akin kapag nasiraan na ako ng ulo dahil sa sapak ni Puri o dahil sa kasal ni Battalion?

Siguro nga nasiraan ako ng ulo sa kadahilanan ng aking puso.

Sa oras na 'yon, hindi ko na rin napigilan ang bibig ko. The words just came out as if it had been stirring inside me for so long. "I love him with all my heart." I didn't know where it came from but I just spilled it with my utmost sincerity. "Fuck, so much!"

Longing Stares (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon