25.

51 6 1
                                    

Temptine: Hello, nagbabalik ang lola niyo. It's been almost two years since I last updated. So I have a treat for you guys. Enjoy! ;)


Gonzalo

"Alam niyo na ang dapat gawin, ha? Doon kayo bumalik sa may Gomburza pagkatapos, dapat pagbalik may mabibigay kayo. Alam niyo na ang mangyayari kung wala, naiintindihan niyo?"

Sunod-sunod na tumango ang mga batang musmos kay Mojong. Mariin kong pinikit ang aking mga mata, inaalala ang nakaraan kung saan nakatayo ako sa parehong kinatatayuan ng mga batang kausap niya.

Naalala ko pa noon ang bawat madiing dagundong kong nararamdaman sa puso habang kinakaharap si Mojong at pinapakinggan ang mga utos niya. Isang maling galaw ko lang ay makakatanggap na naman ako muli ng kolorete ng pasa sa mukha.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa rin ang kriminal na pagn-negosyo ni Mojong, marami na akong sinabihan tungkol sa child trafficking niya ngunit tila parang walang naririnig ang mga tao. Sana nga sa pagtakbo ngayon ni Sir Tal ay bigyan niya itong pansin dahil kung hindi, ako na mismo ang gagawa ng paraan.

Humugot ako nang malalim na hininga bago hinarap ang dating taong kinakatakutan ko na ngayo'y mas may dahilan ng katakutan ako. "Mojong," ani ko.

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at pinakiramdaman ko ang aking sarili. Dumadagundong pa rin ang puso ko sa alaala ng aking nakaraan habang halos isang metro na lamang ang layo sa akin ng taong responsable sa sakit ng aking nakaraan.

Ramdam naman ni Mojong ang takot na iyon at ako'y kanyang hinarap na may ngiti sa mukha. "The prodigal son returns..." pang-aasar pa niya.

"Nandito ako para tuldukan ang binabalak mong gawin sa boss ko. Kapag hindi niyo tinigilan ang pagsunod sa kanila, iba na ang makakabangga niyo," banta ko pa.

Pinigilan ko ang sariling manuntok ng nakakatanda nang makita ang pag-ngisi ni Mojong. Tila ba para akong batang hindi niya sineseryoso.

Humugot ako ng malalim na hininga nang maramdaman ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko. Pinisil pa niya iyon at unti-unti akong nababalik sa kahapong nagbabadyang manumbalik.

"Tama ba 'tong nakikita ko? Pinagbabantaan mo ako?" tanong ni Mojong.

"Kung ano mang merong alas sa 'yo si Marchion ay wala na akong pakialam pero 'wag na 'wag mong gagalawin ang boss ko at ang asawa niya. Lalong-lalo na si Puri, wala siyang kinalaman sa buhay ng politika."

Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Mojong bago binitawan ang balikat ko. Nakahinga ako nang maluwag sa mga sandaling iyon. "Gaano katagal?"

Nangunot ang noo ko.

Mas lalo pang lumapad ang ngisi niya. "Gaano katagal mo na siyang tinitira? Tangina, pumunta ka pa talaga dito at pinagbantaan ako dahil lang ayaw mong mahawakan ang pakastang babaeng 'yon?"

"Ano'ng sinabi mo?!"

Huli na nang mapagtanto kong naka-ikot sa kamao ko ang kwelyo ni Mojong. HIndi pa rin napawi ang nakakairiting ngisi niya sa mukha at nang-aasar pa rin akong tiningnan.

"Akala mo ba ay hindi namin napagmamasdan kung paano siya makipagkita sa 'yo at sa kaibigan ng boss mo? Sabihan mo siyang mag-ingat dahil kapag na-tyansahan namin kayo sa tamang posisyon, patay na ang campaign ng boss mo."

Gugustuhin ko mang ipahalik sa kaniya ang kamao ko ay hindi ko magawa. Siguro ay punong-puno ng takot ang isipan ko dahil sa pagbalik sa lugar na ito o hindi naman kaya ay sa kadahilanang hindi ko nanaising gumawa ng gulo bago ang kasal nila Sir Tal at Puri.

Longing Stares (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon