21.

193 8 0
                                    


Temptine Says: I finally found myself typing down on my keyboard, yay! We just finished our mid-term exam so pardon for this lazy chapter and I will be actively updating for the next few days. Happy reading and good day!


Purificacion

"Tandaan, pagkatapos ng second rhythm ng kanta doon ka na papasok, okay?" Mr. Guiller, our wedding coordinator, instructed me. "Basta pagkapasok mo dapat nakangiti ka na at hindi ka titingin kung saan-saan basta kay Sir Arvante lang, alright?"

Tumango ako. Wala naman akong ibang magagawa kapag umiling ako, magc-cause lang siya ng away. Plus, I am trying to prove a point here. Hindi dumating ang parents ko just what I expected. At ngayon naging proxy muna si Fiona bilang magulang ko na maglalakad kasama ko papunta sa altar.

Pilit ang ngiting binibigay ko sa kaniya habang pinapanood siyang makipag-usap sa aming wedding coordinator. Hindi ko pa masyadong nakakasama si Fiona pero alam kong ayaw sa kaniya ni Battalion. Lagi ko kasing napapansin ang pag-ikot ng mga mata niya sa tuwing magsasalita si Fiona o hindi naman kaya ay hindi niya pinapansin ang sinasabi.

And so far, wala naman akong nakitang mali kay Fiona. Knowing Battalion, lagi naman may problema sa buhay no'n.

"Just smile, Puri, I'm sure tataas naman ang ratings mo once na matapos ang wedding niyo then papabayaan ka na niya ni Dante. I'm so sorry kung last week pa namin parang nagugulo ang buhay mo."

See? She's nice.

Ngumiti naman ako kagaya ng inutos niya. Fionah nodded with satisfaction. Then the rehearsal song covered the whole dome of the church. Tumingin ako sa harapan ko at pinagmasdan ang ilang mga taong naghihintay sa aking maglakad papunta sa altar.

"It's okay, Puri. Rehearsal pa lang naman ito, you don't have to force yourself to look happy right now. Give a fake smile and give people soft gazes then it'll be enough for them to think that you're a sophisticated woman with class."

Ooookay, maybe not so nice? Is she implying na wala akong class?

"Sige na, 'wag ka mag-alala, I will guide you sa paglalakad sabihin mo lang sa akin kung masyadong mabilis ang paglalakad natin para bagalan ko at maka-keep up ka."

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Binibigyan niya ako ng whiplash! I sighed and looked away, letting myself succumb to my own thoughts.

Tama nga ba ang ginagawa ko? Magpapakasal ako sa lalaking hindi ko naman gusto out of spite? Out of character para sa akin ang gawin ito pero sa tuwing naalala ko ang naging usapan namin ni Dad, binabalik ako sa kaisipan kong gusto lang nila akong gawing parang bata na hindi na nais pang palakihin pa.

During my free time, instead of scrolling through online shops mas nauuna ko ng gawin ang pagbabasa ng mga blogs at panonood ng videos ng mga taong kagaya ko na may PTSD o hindi kaya ang ibang may problema rin sa pag-iisip.

Isa sa pinakauna kong napansin, kapag ang sakit na mayroon ang isang tao na kagaya ng PTSD, ADHD, o hindi naman kaya ay under sa autism spectrum ay laging bin-baby ng karamihan. Samantalang kapag may bpd o borderline personality syndrome ay malaki ang stereotype sa kanila na nagiging bunga ng pagkagalit sa mga taong kagaya nila.

Nakakalungkot. Hindi masyadong natutuunan ang mga ganitong pangangailangan ng mga taong kagaya ko at hindi rin nabibigay ang tamang edukasyon ukol sa mga ganitong klase ng sakit. Ang resulta tuloy napakaraming biktima ng mental health illnesses na hindi napapansin dahil hindi natutugunan.

"Okay, queue in the flower girls!" Nabalik na ako sa relayedad nang marinig ko ang assistant ni Mr. Guiller na tinuturuan kami sa timing nang pagpasok namin. "Get ready na bride and ang father dapat ang kasama rito. Hintayin niyo ang pagbaba ng isa pang beat saka na kayo maglalakad, gets?"

Sabay kaming tumango ni Fiona bago pinanood ang pagkumpas ng kamay ng assistant ni Mr. Guiller na si Tiara at mukhang stress na stress na siya dahil sa buhaghag niyang buhok na natanggal na sa pagkakatali mula kanina.

"Ready?" Fiona asked, I nod.

Shit, I'm getting married.

Cielo

Bakit ba grabe makadikit ang kaibigan ni Puri na si Mutya kay Gonzalo? Akala mo tuloy ay matagal na silang magkakilala sa grabe na pagdikit sa kaniya. I let out a sigh and looked down at the list of our names. Kumunot ang noo kong nang mabasa na si Mutya ang maid of honor at ako ang best man.

"Excuse me," I called them at pilit na siningit ang sarili sa gitna nilang dalawa. "Ako dapat ang katabi mo, I'm the best man."

Oras naman ni Gonzalo para kumunot ang noo. "Ang sabi ni Sir Battalion, ako raw ang best man?" Nilabas niya mula sa sariling bulsa ang dala-dala ring listahan. And it was true, he's the best man. Pero sa taas din ng pangalan niya ay ang pangalan ko.

"That means we're both the best man?" tanong ko.

"Posible ba 'yon?" Hindi maiwasang tanong ni Gonzalo.

I shrugged, to be honest wala rin akong alam. Ang akala ko ay traditional wedding ang gagawin and having two best man isn't something that you see in a traditional wedding at all. Ano ba ang iniisip nila Tal?

Magsasalita pa sana ako nang biglang sumingit sa usapan si Mutya. "Alam niyo ganito na lang, kayong dalawa ang magkatabi sa paglalakad tapos ako ang susunod sa inyo sa likod para may grand entrance ako gano'n! Strong, independent woman dapat ang vibes ko."

Napakamot ako ng batok. "I'm not sure about that, Mutya, siguro kailangan muna nating tanungin kay Mr. Guiller ito pati na rin kay Ms. Legazpi, right, Gonzalo?"

"Ah, oo..."

Hindi naman sa ayaw kong katabi si Gonzalo pero hindi pa namin napag uusapan nang maayos ang nangyari noong nakaraan. Kung maiiwan man kaming dalawa sa iisang kwarto, lagi akong umiiwas sa mga tanong at tingin niya. I like him and I enjoyed what happened between us pero kung susubukan kong makipag-ayos kay Tal kasama si Puri, hindi na ako dapat mag-entertain sa ibang tao maliban sa kanilang dalawa.

I don't feel like that's the thing that I want to do but it felt like something that I'm supposed to do.

Maybe it's because of the culture I grew up in or the belief that a person is only capable of loving another one pero hindi pa rin mawala sa akin na makaramdam ng pagka-guilty dahil lang nagkakagusto ako sa ibang tao kahit na wala naman akong commitment sa isa.

Nahalata yata ni Gonzalo ang pagdadalawang-isip ko sa naging offer ni Mutya at siya na lang mismo ang nagpaubaya. "Sige, okay lang! Ako na lang siguro muna ang mauna sa paglalakad pagkatapos ay kayo naman ang sumunod." Pilit ang ngiting sabi niya.

"Ay no! Aagawan mo pa ako ng spotlight niyan, ano!" Angal naman ni Mutya. Nakapangkrus pa ang kaniyang braso sa harap ng dibdib na ikinailing ko.

"But—"

"But-but-in ko 'yang mukha mo! Tanungin na lang natin sa wedding coordinator kung ano ba talagang naiisip niya. Kesa naman magka-problema pa tayo rito, superiority complex niyo talaga, jusko!" Sunod-sunod na putak ni Mutya bago umalis sa pwesto niya at nilapitan si Mr. Guiller.

Mahina na lang akong natawa sa naging reaksyon niya. I'm pretty sure she's just pissed that I stopped their flirtatious conversation earlier. A hint of smirk flashes across my face as I think about the pissy face Mutya had on when she realized that all of Gonzalo's attention goes to me whenever I'm around.

Yeah, that's right. Ako lang ang tinitingnan niya kapag magkasama kami sa iisang kwarto, hindi ko nga alam kung bakit iniisip nilang may tsansa pa silang mapansin ni Gonzalo. Kahit ano naman nilang gawin d'yan ay nasa iisa o tatlong tao lang ang atensyon niya.

Sa akin, Puri, at Tal.

And that's when it hit me. Fuck, I forgot to mention to Tal the thing that happened between us and Gonzalo. Pinuno ng konsensya ang buo kong kalooban nang isipin na nakipag-ayos ako kay Tal at nangako sa kaniya na silang dalawa lang ni Puri ang magiging tao sa buhay ko pero heto ako ngayon at nagseselos dahil kay Gonzalo at Mutya. Hindi ko rin sinabi kay Tal ang namagitan sa amin ni Gonzalo, hindi ako naging open sa kaniya.

Fuck, bakit ba ang tanga ko minsan?

Now, paano ko sasabihin sa kaniya ang problema sa aming dalawa ni Gonzalo ng hindi nasisira ang mood ng kasalang magaganap tatlong linggo na lang ay papalapit na.

Longing Stares (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon